Share

Kabanata 23

Hindi ko pa rin lubos na maisip ang mga nangyari kagabi. Titig na titig pa rin ako sa aking selpon dahil sa text na natanggap ko dahil sa kaniya. Gusto niyang makipagkita sa akin o 'di naman kaya'y gusto niya akong sunduin para ihatid sa trabaho ko.

Gab:

Tomorrow, before 8 I'll call you. Goodnight, Ada.

Wala siyang ibang sinasabi kundi ang magkaibigan kami kaya niya ito ginagawa. Mas pinili kong hindi sumagot sa text niya kagabi dahil sa antok at sa mga sinabi ni Jack sa akin na hindi naman maalis sa utak ko.

Natuyo na ang buhok ko pero wala pa ring tumatawag, 7:23 na, hindi ko alam kung darating ba siya dahil baka ma-late ako at mapagalitan.

"De bale na, bukas na lang siguro," bulong ko saka hinablot ang selpon.

To: Gab

Mauuna na ako, ah? baka kasi ma-late ako. Stay ka na lang sa work mo. Salamat.

Matapos i-send ay umalis na ako sa kwarto. Nadaanan ko pa ang ibang mga estudyante na abalang-abala sa kanilang mga ginagawa. Bigla akong nakaramdam ng inggit. Ni hindi ko naranasan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status