Share

Chapter 04

“This time you need to process the bills and expenses. Did you get it?” iyon agad ang bungad sa akin ni Sir Zayne pagkarating ko, siya pa rin ang unang nakapasok kaysa sa akin.

Buti na lang ay maaga akong nakapasok, akala ko talaga ay ma-l-late naman ako. Buti na lang mas maaga akong ginising ni Kylie, siya naman kasi ang mag-a-apply ngayong araw.

“P’wede magtanong, Sir Zayne?” pagkakuwa’y wika ko sa kaniya habang nag-l-log ako ng mga bills.

“Nagtatanong ka na,” simple n’yang sagot na nakatutok sa laptop niya na ‘di man lang ako tinignan.

“Umuuwi ka pa ba Sir sa bahay niyo?” hinayaan ko na lang ang pagpipilosopo niya, nagtanong na lang ako.

“Ano pang purpose ng bahay kung hindi uuwian,” sagot n’yang muli na ‘di pa rin ako nililingon. Patuloy lang siya sa pag-scroll ng mouse na diretso ang tingin sa monitor ng laptop niya.

“P’wede ba akong pumunta sa bahay niyo?” request ko sa kaniya, this time tumingin na siya sa akin.

“W-What? Ano namang gagawin mo ro’n. I don’t bring ladies in my house.”

“Sus, eh bading nagdadala ka ‘no? Grabe ka sir, gano'n pala mga type mo,” hindi naniniwalang sagot ko.

“What kind of question is that? Of course, not.” kumunot naman ang noo niya.

“Or baka . . .” pag-iisip ko.

“What?” mabilis na tanong niya, masyado namang nagmamadali ‘di man lang makapaghintay.

“Mga lalaki dinadala mo sa bahay niyo!” sagot ko pa.

“Yeah!” tipid na sagot niya at muling binalik ang tingin sa monitor.

“Waaah! Sabi na nga ba! Tama ‘yong hinala ko. Bading ka, Sir! Umamin ka na, Sir. Promise hindi ko ipagkakalat maliban lang pag may nagtanong. Sir pa ba itatawag ko sa ’yo? Mas maganda ata kung madam,” napapalakpak pa ako habang sinasabi ‘yon.

“Stupid!” hasik niya.

“We? I’m not stupid kaya, iniiba mo lang ang usapan, eh. Bading ka talaga, Sir! Sigurado ako! Ikaw na mismo na nagsabing lalaki dinadala mo sa bahay niyo, ah!” siguro ang mga dinadala niya ay mga model na magaganda ang katawan, may mga abs, o kaya naman ‘yong mga bad boy ang itsura at ‘yong banat sa gym ang katawan.

“Yes. I bring boys,” sagot niya pa, Aamin na ‘to panigurado. Huli ka ngayon. “Because they are my friends,” dagdag pa niya.

“We? Talaga ba?” pamimilit ko sa kaniya.

“If you won’t stop asking questions like that. I’ll make sure you will not gonna have menstruation for nine months,” pagbabanta niya sa akin.

“Eh?” tipid na sagot ko. Anong ibig n’yang sabihin sa hindi ako dadatnan ng siyam na buwan. Isa lang naman ang alam kong gano’n, eh.

“Ibig sabihin ba no’n Sir, eh mabubuntis ako kaya ‘di ako dadatnan ng siyam na buwan?” tanong ko sa kaniya, medyo na-curious ako, eh.

“That’s the point, Ms. Belarde!” sagot naman niya.

“P’wede pala ‘yon? Kapag nagtanong ako ng mga gano’n ay puwede na akong mabuntis?”

“What? Stupid mo ‘no?” nabigla naman siya sa sinabi ko kaya napasigaw siya.

“Waahhh! Grabe ka Sir, nagtatanong lang, eh. Gusto ko na kasing magka-baby,” pagpapaliwanag ko.

“Really? Sigurado ka ba r’yan sa pinagsasabi mo?” kapag hindi ni Sir natapos ang ginagawa nuya ay ako ang masisisi nito. ‘Di niya kasi malaman kung saan titingin, sa akin ba o sa laptop niya. Sorry Sir, curious lang.

“Oo nga po! Bakit Sir parang naging interesado ka? Gusto mo ba akong turuan kung paano magka-baby?” napansin ko kasing nakatutok na sa akin ang atensiyon niya na parang interesadong-interesado siya.

“No! In your dreams! I won’t do that!” sa pagkasabi niya no'n ay parang nandidiri siya.

“Sige na, sir! Paano ba magka-baby?” bigla tuloy akong naging interesado.

“H-Huh? Stop asking questions like that. It’s uncomfortable!” reklamo naman niya.

“Eh? Paano naman naging uncomfortable ‘yon? Gusto ko lang naman malaman kung paano?” pamimilit ko, kung ‘di niya talaga sasabihin sa mga kaibigan ko na lang itatanong.

“Ilang taon ka na nga ulit?” nagugulat pa rin na pagtatanong niya.

“20!” tipid na sagot ko. Bakit naman niya natanong?

“Seriously? At your age hindi mo pa rin alam kung paano ginagawa ang bata? Goodness gracious! Samantalang ibang 15 years old palang ngayon may anak na,” reklamo niya.

“Kyaaah! Malay ko ba! Tinuturo ba ‘yon sa school? Baka absent ako no’n kaya ikaw na lang magturo, Sir. Pa-bonus mo na lang!” hindi pa rin ako nagpapa-awat gusto ko lang talaga malaman.

“No way!” mabilis na pagtanggi niya.

“Eh! Damot!” hasik ko pagkatapos no’n ay nanahimik na ‘ko pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko, hindi na niya ako kinibo.

Pagkaraan ng ilang oras ay umalis na siya at hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik, natapos ko na lahat-lahat ng gagawin ay wala pa rin siya.

Naisipan ko na lang na lumabas muna ng kompanya para maghanap ng makakain. Bigla kasi ako nag-crave sa fishball. Naghanap ako sa labas kung mayroon nagtitinda, medyo malayo-layo na rin ang nalakad ko, buti na lang may nakita akong naglalako.

Pagkabalik ko sa kompanya naglakad na ulit ako papunta sa elevator, lahat ng madadaanan ko ay napapalingon sa akin, may tumatawa pa dahil sa hawak-hawak kong fishball. Feeling mga rich ang mga ‘to, ah. Baka nga mas mabango pa ingrown ko sa hininga nila, mga walang hiya.

Pagkasakay ko rin ng elevator masama rin ang titig sa akin ni ateng elevator girl. Pasalamat siya wala ako sa mood makipag-away kung hindi tinusok ko na ng stick ‘yong mata n’yang pang-tarsier.

“Hindi p’wedeng magdala n’yan dito,” pagsaway niya sa akin.

Nag-make face lang ako at tumusok ng dalawang fishball sa hawak kong plastic cup sabay ko ‘yong nginuya sakto namang bumukas na ang elevator.

“I don’t talk to strangers,” sabay flipped hair habang naglalakad palabas ng elevator.

Napag-trip-an kong umupo sa upuan ni Sir, umiikot kasi ‘yon kaya natipuan ko. Habang nakasakay ako at umiikot ang upuan nasagi ng paningin ko ang laptop n’yang naro'n sa mesa, medyo bukas kasi ‘yon kaya umiilaw. Dahil na-curious na naman ako inusog ko ang upuan palapit sa table ni Sir. Saktong pagbukas ko no’n ay biglang bumukas ang pintuan kaya dahil sa gulat napatalon ako ng bahagya pati ang sawsawan ng fishball sa plastic cup ay natapos at ‘yong laptop ni Sir ang napuntirya no’n.

Wala pang segundo’y mabilis ko ‘yon pinunasan gamit ang tissue na nasa table niya, buti na lang mayroon do'n

“What are you doing on my laptop?” tanong niya sa akin bigla, hindi pa niya napapansin ang natapon do'n. Dahil sa sobrang kaba ko at pagkabigla ko ay bigla ko na lang pinindot ang power button ng matagal kaya namatay na ang laptop.

“What the hell? Did you close my laptop?” sumisigaw na pagtanong niya kaya mas lalo akong kinabahan lalo pa ng tapikin niya ng malakas ang table. Walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa gulat sa ginawa niya kaya napatango na lang ako ng dahan-dahan.

“Holyshit! How about my report?” mabilis siyang lumapit sa laptop, muli n’yang pinindot ang power button kaya nag-start na ‘yon magbukas. Nag-antay siya hanggang sa mag pop-up ang home screen.

“My report! Ba’t mo pinatay?” sumisigaw na baling niya sa akin, “I haven’t yet saved the report I made. Why did you turn it off and who told you to intervene my things? Why you bring that food here in my office. Wala man lang bang sumaway sa ’yo?” dagdag niya pang ikina-iyak ko.

“S-sorry, Sir! Hindi ko po talaga sinasadya,” paghingi ko ng tawad habang nakayuko, ayokong ipakita sa kaniya ang pagtulo ng luha ko.

“Do you know how important my report? I need it tomorrow! It’s freaking important for this company and for me as a CEO! I need it much more than yo-.” napatigil si Sir sa sasabihin ng ma-realize niya sigurong masasaktan ako sa sasabihin niya. Pero kahit hindi niya tinuloy alam ko na kung ano ‘yon at ‘yon ang dahilan kung bakit bigla na lang na parang may kumurot sa puso ko at nanikip bigla ang dibdib ko. Kasabay no’n ang pagbalik ng mga ala-ala dati. Ayokong maulit ang dati, ayokong mangyari muli ‘yon.

Napapikit ako at pinilit na pakalmahin ang sarili ko, hindi ako tumigil sa pag-inhale at pag-exhale, ilang beses ko ‘yon inulit-ulit at bumuntong-hininga bago ako muling dahan-dahang tumingala sa kaniya.

“H-hindi ko po talaga s-sinasadya, S-sir. P-pasensya na po. H-hindi ko p-po talaga intensyon na matapunan ang laptop mo, Sir. Sorry po, sorry!” paghingi ko pa ulit ng tawad.

“O-Okay then,” mukhang naawa na siya sa akin, “but you need to come with me in my house,” pagdiinan niya sa sinabi niya na ikinabigla ko.

“P-Po? ‘D-Di ba sabi niyo hindi po kayo n-nagdadala ng b-b-babae sa bahay niyo?” nauutal na pagtatanong ko.

“Not now!” simpleng sagot niya.

“A-Ano pong g-gagawin ko ro’n?”

“Simple. You’ll be the one to make my report or else I will fire you!” paliwanag niya.

“Pero po-” pag-aalinlangan kong tugon.

“Walang pero -pero!” pagtutol niya “You promised me to do everything whatever I want.”

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Elcelyn Bagnol Rendon
Ang sakit sakit Ng tiyan ko sa katatawa.
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
nkakatuea ang mga kabalbalan,komeding nkakainis pero tatawa k tlg
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status