Share

Chapter 41

Matapos kaming mag-usap ni Mommy ay umalis na rin agad siya. Buti nalang ay hindi bumaba si Emery dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin kay Mommy kung sakaling magtanong ito sa akin. Baka nga ay sabihin pa ni Emery ang totoo. Hindi pa ako handang sabihin iyon sa kanila, hanggang ngayon kasi ay umaasa pa rin akong maaayos pa namin ni Travis ito.

Masakit man para sa akin ang sitwasyon namin pero tama si Mommy, na kahit anong mangyari ay huwag kong susukuan ang aking asawa. Kahit na maubos ako, hinding-hindi ako susuko. Pipiliin kong mahalin siya higit pa sa sarili ko dahil iyon ang aking nararamdaman.

Pero ang tanong hanggang kailan ko titiisin ang sakit? Hanggang kailangan nga ba ito hahantong?  Ang kahibangan ko? Hindi ko rin alam kung kailan basta ang alam ko lang ay hindi dapat ako susuko, kasi alam ko sa puso ko na magbabago siya at babalik kami sa dati na masaya at puno ng pagmamahal sa isa’t-isa.

Kasalukuyan akong nagluluto ng dinner nam

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status