Share

Nice to meet you, Lia

“Sorry for being late, Ma’am.” Yumuko ang waiter sa harapan ko bago niya ako binalot ng kumot na dala-dala niya, “hindi rin kasi ako sigurado kung tama ang hinala ko, kaya kinausap ko pa si Sir bago kami gumawa ng aksyon.”

Nanginginig pa rin ang aking katawan, maging ang paghawak ng waiter ay nakakapagbigay sa akin ng takot kahit alam ko namang wala siyang gagawin sa akin na masama. “huwag po kayong mag-alala, tulad ng sabi ni Sir ay kailangan namin na mahuli siya sa akto at iyon nga ang nangyari. Hindi ho makakatas sa batas ang lalaki na iyon.”

Binigyan niya ako ng pampalubag na ngiti bago tuluyang tumayo at lumapit sa lalaki kanina, iyon siguro ang sinasabi niyang boss. Hindi naman ako nakaiwas ng tingin ng magawi sa akin ang atensyon nya, somehow, familiar ang mukha niya.

Tinapik niya ang balikat ng waiter at lumakad palapit sa akin, mahigpit kong hinawakan ang kumot na nakabalot sa aking katawan.

“Don’t be afraid, I’m the owner of this hotel and bar.” Malamig ang boses niya tulad
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status