Share

Chapter 15

"Hindi na, Doc!" kaagad na tanggi ni Romana.

"Kaya ko naman eh! Minor lang naman. Madadaan pa ito sa cold compress," dagdag pa niya.

"P-Pero Miss Lichauco..."

"Sinabi ko na huwag na, 'di ba?! Bakit ba ang kulit mo!" Nanalim ang kaniyang mga mata sa manggagamot.

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa kaniyang inasal. Malapit sila sa isa't isa ng doktor sapagkat ito rin ang doktor na gumagamot sa kaniyang ina at ito rin ang doktor na pinakamatagal nang naninilbihan sa ospital na ito na pag-aari rin niya kaya marahil hindi nito inaasahan ang pagtataas niya ng boses.

"Ipagpaumanhin mo, Doc. Medyo pagod na kasi ako at nais nang makauwi sa bahay."

Tumango ang doktor ngunit nasa ekspresyon pa rin nito ang paninimbang sa kaniya.

"Ipagpaumanhin mo ang katanungang ito, Miss Lichauco, ngunit ... Bakit ka nga ba narito sa ganitong oras? At bakit ganiyan ang suot mo? Bakit nakasuot ka ng nurse uniform?"

Mistula siyang nakasalang sa hot seat dahil sa magkakasunod na tanong ng doktor. Tinaasan niya n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status