Share

Chapter 17

"Aalis ka na? Hindi ka pa nag-aalmusal ..."

Nagluto ng pritong tuyo at sinangag si Laila para sa kaniyang asawa na paboritong paborito nito ngunit tila nagmamadali ito sa pagpasok sa trabaho.

"Sorry, Asawa. May meeting kasi si Boss mamayang 7:00 AM. Alas-sais na kaya kailangan ko nang magmadali."

Hinablot nito ang kulay puting polo na nakahanger at saka mabilisan na nagbutones. Kinuha rin ang pabango na nakalapag sa tokador saka nag-spray sa buong katawan. Halos maligo nito ang pabango.

"Aalis na ako. Mag-iingat ka rito at saka huwag kang magpagod."

Pagkasabi no'n ay diretso nang lumabas ng pintuan ang lalaki na hindi man lang siya iniiwan maski isang halik. Dati naman ay humahalik ito bago umalis.

"Vincent! Sandali!" tawag niya.

Nasa gate na ito nang huminto sa paglakad. Gusot ang mukha na tila yamot habang kakamot-kamot sa ulong lumapit muli ito sa kaniya.

"May ibibilin ka ba?" pantay ang tonong tanong nito.

Umiling siya.

"Eh bakit mo ako tinawag? Sinabi ko na nagmamadali ako!" bak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aiza Sabate Catigan
Ang Gago mo Vincent!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status