Share

Chapter 58

Mabilis na ibinalik ni Roman ang maliit na bote ng gamot sa bulsa ng hinubad na short ni Lalaine nang pumihit ang seradura ng pintuan ng banyo.

"Babe ... Have you seen my –"

Mabilis na naglakad ito patungo sa kaniya sabay hablot sa short na kaniyang hawak. May kinapa ito mula sa bulsa at saka muling tumingin sa kaniya.

"May pinakialaman ka ba rito?" mataray nitong tanong.

Mabilis na pag-iling ang itinugon ni Roman, "Aamuyin ko lang sana," tumatawang palusot niya sa babae.

Kaagad gumuhit ang pigil na ngiti sa labi ni Lalaine sa kaniyang naging tugon.

"Hindi ka pa ba nagsawa sa pag-amoy sa bulaklak ko kanina? Pati ba naman short ko ay ayaw mong patawarin?" kunwari'y pagalit nitong tanong.

"Bakit naman ako magsasawa? Ang sarap-sarap kaya ng amoy mo," muling pambobola niya sa babae kahit na ang totoo ay naguguluhan siya kung para saan ang gamot nitong itinatago.

Misoprostol ang pangalan ng gamot at balak niyang alamin kung para saan iyon.

"Bolero! Sige na! Maliligo na ako!" Pumasok na muli
ColaPrinsesa

Sorry ngayon lang naka-update. Ang dami kasing nangyari. May family problem akong hinaharap ngayon at sana malagpasan ko na para tuloy-tuloy na ang update ko. Salamat sa paghihintay.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status