"Narito na ako!" malawak ang ngiting sigaw ni Lalaine nang makabalik siya sa bahay. Walang sumagot kaya naman nabura ang kaniyang ngiti sa labi."Nasaan kaya nagpunta ang matandang 'yon?"Sinilip niya ang kusina ngunit wala ito. "Ate Romana?" Inakyat niya ang kuwarto nito sa ikalawang palapag para i-check ito roon. Walang sumagot kaya naman pinihit niya ang seradura ng pinto.Hindi iyon naka-lock. Malaya siyang nakapasok."Ate Romana?" Wala pa rin siyang nakuhang tugon bakas na walang tao roon. "Nasaan kaya 'yon?" Akmang papalabas na siya ng silid nang maulinigan ang lumalagaslas na tubig mula sa banyo."Nandiyan ka ba, Ate Romana?" Kinatok niya nang malakas ang pintuan ng banyo ngunit wala pa rin tugon. Naramdaman niyang mayroong hindi tama kaya naman binuksan na niya ang pinto nito kahit na wala ang pahintulot ng babae.Nanlaki ang mga mata ni Lalaine nang makita ang putlang-putla at walang malay na si Romana sa sahig ng shower room. Hubad ang babae at tila bumagsak habang nalili
Nakumbinsi ni Lalaine si Romana sa kaniyang mga kasinungalingan."Alright. Don't worry, hindi na ito makararating pa sa kapatid ko but make sure na hindi mo siya niloloko. Kapag nalaman ko na may iba kang lalaki, ako mismo ang papatay sa inyong dalawa ng lalaki mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"Walang kaalam-alam si Romana na ang lalaking katabi niya gabi-gabi sa pagtulog ay siya rin ang lalaking karibal ng kaniyang kapatid kay Lalaine."Ako mismo ang babaril sa ulo ko kung mahuhuli mo akong may kasamang ibang lalaki," pang-uuto pa muli nito.Sa huli, pinalagpas ni Romana ang mga nangyari. Muli niyang kinuha sa kamay ni Lalaine ang larawan at saka pinunit sa maliliit na piraso."Para hindi na makita pa ni Roman," aniya.Sa company ni Roman, isang lalaki ang sumulpot sa harapan ng matayog na gusali. Nakasuot ito ng baseball cap, sunglasses, at facemask na tila itinatago ang mukha. Papasok na ito sa building nang pigilan ito ng security guard."Sorry pero bawal po kayong pumasok, Sir. Unle
Itinaas ni Roman ang kaniyang noo. Desidido na siya na sabihin sa kapatid ang totoo. Handa na siya sa kung ano man ang kahihinatnan ng lahat."Tama ang narinig mo, Romana. Ang babaeng 'yan at ang asawa mo ay palihim na naglilingkisan sa tuwing nakatalikod tayo! Niloloko tayo ng dalawang iyan, matagal na!"Bumaling ang kaniyang tingin kay Lalaine. Nakasalampak pa rin ito sa lupa at tila maamomg tupa na nakatingala sa kaniya."T-Totoo bang may relasyon kayo ni Vincent?"Wala ng saysay kung itatanggi pa ni Lalaine ang kanilang mga ginawa. Marahan siyang tumango."S-Sorry, A-Ate Romana. H-Hindi ko gustong lokohin kayong dalawa," paghuhugas kamay niya. Nagbabaka-sakali na muling mabibilog ang ulo nito.Isang tunog ng malakas na sampal ang pumailanlang muli sa paligid. Napinid ang mukha ni Lalaine dahil sa lakas ng sampal ni Romana. Pakiwari ni Lalaine ay namanhid ang kalahati ng kaniyang mukha sa ginawa nito.Umiwas ng tingin si Roman. Naaawa siya sa nobya ngunit kasalanan naman nito kaya w
Handa nang wakasan ni Lalaine ang buhay ng babaeng puno't dulo ng lahat. Mawawala lamang ang kaniyang galit kung makikita niya itong lumalangoy sa sarili nitong dugo."Tawagin mo na ang lahat ng Santa at Santo na kilala mo dahil ito na ang huling araw na masisilayan mo ang mundo!"Mahigpit na niyakap ni Roman ang kapatid."M-Maawa ka, Lalaine. M-Maawa ka sa anghel na nasa sinapupunan niya!""Maawa? Sila ba ay naawa sa akin noon? Hindi! Mas nanaig ang mga kalibugan nila kaysa awa! Kaya anong rason ko para maawa sa puta mong kapatid, ha? Bigyan mo ako ng isang rason na makakapagpabago ng isip ko.""Dahil mabuti kang tao, Lalaine! Nilamon ka lang ng galit mo kaya ka naging ganiyan! Please , Lalaine ... Idaan na lang natin ito sa mabuting usapan," nagsusumamong pakiusap ni Roman.Nanginginig naman sa takot si Romana, hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang anak."Mabuti? Isang kahibangan!" sigaw nito pabalik."Lalaine!" Nawala ang pokus ni Lalaine sa magkapatid dahil sa mala
"Ipagpaumanhin niyo, Mrs. Suarez, ngunit nakalabas na mula sa bilangguan si Miss Montenegro. Nakapag piyensa siya at mananatiling malaya hangga't walang hatol ang itaas sa kaniya," mababa ang tinig na pagbabalita ng abogado sa kaniya."Piyensa? Frustrated homicide ang kaso na isinampa sa kaniya! Paano siya nakalabas, ha?" sandali siyang nag-isip kung paanong nakalusot ang babae sa kaso laban dito. Nang walang maisip na posibilidad ay mabilis siyang napailing, "Hindi ... Hindi maaari 'yang sinasabi mo.""Ikinalulungkot ko ... Ang suspect ay nag-claim na self-defense lang ang nangyari."Napapikit siya at kagyat na napahilot sa kaniyang sintido. Ganoon na ba talaga kabulok ang sistema sa bansang ito? Siya at ang kapatid niya ang pinagtangkaan ang buhay ngunit nagawa nitong baliktarin ang pangyayari."Pinagtibay pa ang statement ni Miss Montenegro nang paboran siya ng iyong kapatid na si Roman."Napamulagat siya sa narinig."Si Roman?! Pinagtakpan niya ang kasalanan ng walang kuwenta niy
"What the hell are you doing, dickhead?!" naulinigan niyang sigaw ng isang lalaki mula sa katapat na bahay. Napasinghap siya nang bitawan ni Vincent ang kaniyang leeg. Ang buong akala niya ay tuluyan na siyang malalagutan ng hininga. Laking pasasalamat niya nang mayroong sumita sa lalaki."Huwag kang makialam dito! Away pamilya ito kaya labas ka rito!" ma-angas na sagot ni Vincent habang matalim na nakatingin sa lalaki.Nanghihina na napaupo si Romana sa lupa sapo ang kaniyang leeg. Hindi pa niya nababawi ang normal na paghinga.Umangat ang sulok ng labi ng lalaki. "Kesyo away ng pamilya o kahit na ano pa 'yan, mali na saktan mo siya! Ano ang laban ng isang babae sa lakas mong kupal ka? Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Hindi ka marunong gumalang sa mas nakatatanda sa'yo?"Sa pagkakataon na 'yon ay nag-angat ng tingin si Romana. Matanda? Bahagya siyang nainsulto ngunit wala naman siyang magagawa. Totoong may edad na nga siya.Doon niya lubusang nakita ang lalaking nagmamay-ar
"Ang init naman ng ulo. Nagbibiro lang ako," nakangiti pa rin nitong sabi habang nakabitin sa bakal na gate. Lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo. Paano nito nagagawa na magbiro? Hindi naman sila close at ngayon pa lang nagkakilala."Relax. Gusto ko lang sabihin na dumating na ang mga pulis na hinihintay mo," dagdag nito. Doon niya lang napansin ang dalawang pulis sa likuran ng lalaki. Kaagad siyang lumabas upang magbigay ng statement sa dalawang otoridad."Maaari po ba namin malaman kung ano ang naging kaganapan dito kanina, Mrs. Suarez?"Nakaramdam siya ng matinding pagkasuklam nang tawagin siya ng unang pulis gamit ang apelyido ni Vincent. "Maaari ba na Miss Lichauco na lang? Huwag niyo nang ipaalala sa akin na kasal ako sa halimaw na iyon!" nanginginig sa galit niyang sabi.Nagkatinginan ang dalawang pulis na kalauna'y nagkibit-balikat na lamang. Inihayag niya ang buong pangyayari. Sinigurado niyang wala siyang nakaligtaan maski napakaliit na detalye. Maging ang pagsagip sa
Muli niyang pinaandar ang kotse at binaybay ang daan. Plano niyang tumungo sa isang liblib na lugar para magkubli. Kailangan niyang makaisip ng isang solid na plano kung paano mahihiwalayan si Vincent. Ayaw niyang mangyari sa kaniya ang ginawa nito noon kay Lalaine na naging dahilan ng pagkawala ng baby nito."Saan tayo pupunta?" Nagulantang siya sa tinig na nagmula sa kaniyang likuran. Mabilis niyang naapakan ang preno ng kotse sabay lingon sa nagmamay-ari ng tinig. Nanlaki ang kaniyang mga mata pagkakita kay Evo. Hindi niya batid kung paano at kailan ito pumasok sa kaniyang kotse."Ikaw na naman?! Bakit ba ang kulit mo?! Paano ka nakapasok dito?!" Prente lang itong sumandal sa upuan at saka humikab. "Wala kasi akong mapaglibangan sa bahay kaya naisipan ko na sumama sa'yo. Saan ka ba pupunta? Bakit ang laki yata ng bagahe na dala mo?" magkakasunod nitong tanong.Natampal niya ang sariling noo dahil sa labis na stress. Kapag hindi ito tumigil sa kabubuntot sa kaniya ay baka mahatak