Share

BLESSING

Katatapos lang ni Estacie mag-sulat ng liham para sa Hanvoc Family nang tawagin siya ng kanyang adopted mother na si Vista para kumain. "Palabas na po!" Ganting sigaw niya dito bilang sagot sa pagtawag ng ina.

Inilagay niya ang liham sa kanyang maliit na aparador at akmang lalabas na ng may mapansin. Lahat ng damit niya na galing sa Somyls ay masyadong maka-luma. May mga gowns na sadyang madami ang abobot na naka-design sa tela. May ilan naman na mahahaba ang manggas pero sobrang luwang naman pagdating sa beywang pababa. Mga damit na sa comics nya lang nakikita.

Dahil dito, napagdisisyunan niyang pumunta sa bayan upang mamili ng tela na gagamitin niya sa pag-gawa ng bagong damit. Mahigit isang linggo na siyang nabubuhay sa bago niyang mundo subalit hindi parin niya nalilibot ang buong Prekonville. Isinara niya ang aparador at tsaka lumabas ng silid. Dumiritso siya sa kusina kung saan naghihintay ang kanyang ina.

"Mom! Pagkatapos natin kumain, gusto kong pumunta tayo sa bayan." Ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status