Share

Arguments and a strike

Masayang nagtutupi si Celina ng mga damit, tulala at hindi pa din maka usad sa date nila ni Vincent ilang araw na ang nakakaraan. Panaka-naka siyang nananaginip ng gising, habang binabalikan ang masaya nilang alaala.

"Get dressed, we're going out!" doon lang siya nawala nang marinig ang boses nito.

Biglaan pumasok ang binata sa kuwarto at seryosong-seryoso ang mukha. Nagtataka tuloy siya kung bakit nanaman ito ganoon.

"Vincent, may problema ba?" mahinahon niyang tanong, palakad-lakad kasi ito sa kwarto.

"It's nothing, just hurry up and get ready."

Dama ni Celina ang kakaibang tensyon sa boses ng binata, tuwid na tuwi ang mukha nito habang naghahalughog sa loob ng silid.

Halatang hindi mapakali si Vincent, lumabas din ito pakatapos ng ilang ikot sa kuwarto nila, nagmadali na siyang nagpalit ng damit, matapos noon ay isinunod niya na si Lucien at hinanda na ang mga gamit nito.

Lumabas na siya ng kuwarto nang hindi bumalik si Vincent doon, nakasabay niya ang senyora sa pagbaba ng hagdan.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status