Share

Sweet memories

Nagising si Celina sa katok sa pinto ng kanilang kuwarto, pupungay-pungay pa siyang tumayo ng higaan papunta dito.

"Lina! Lina!" tawag ng ninang Isme niya.

"Sandali lang po ninang!" saad niya.

Bubuksan niya na sana ang pintuan nang bigla siyang mapatingin sa higaan, natutulog pa pala si Vincent ng walang pang itaas, bigla nagising ang diwa niya at nataranta sa kung anong dapat gawin.

"Lina! Buksan mo na itong pinto," utos ng ninang niya.

"Sa...sandali lang po!" utal niyang sagot dito sabay nagmamadaling tumakbo papunta sa kama.

"Vincent! Vincent! nandiyan si ninang," inalog niya ito pakabulong.

Dumilat naman ang binata ng kunot na kunot ang noo, halatang naalimpungatan dahil antok pa ang mga mata nito, sabay silang napatingin sa pinto nang muling marinig ang katok doon.

"Lina! May problema ba? Lina!" halata na ang pag-aalala sa boses ni ninang Isme.

"Shit!" gulat na saad ni Vincent sabay agad na tumayo, hindi nito malaman kung saan pupunta.

Dali-dali nitong kinuha ang t-shirt sabay na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status