Alessia's POVNATAPOS na akong kumain ng mansanas at uminom na rin ako ng tubig. Sinamahan ako ni Elijah dito sa loob ng tent. Hindi na siya lumabas simula nang makabalik siya para kumuha ng tubig."Matulog ka na." Saad naman ni Elijah sa akin kaya naman ay humiga naman ako."Paano ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung matutulog ba siya o lalabas pa."I'm gonna sleep too." Sagot niya sa akin na tila isang natural na bagay lang iyon sa kanya.Humiga na ako sa isang tela doon at ginawa kong unan ang aking braso at patagilid akong humiga. Pumwesto naman si Elijah para makahiga ngunit hinila naman niya ako kaya napaunan ako sa kanyang braso at kinabig niya ako papalapit sa kanyang katawan.Nakaramdam ako ng init sa aking mga pisnge. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako ng maayos sa sitwasyon na ito, lalo na at amoy na amoy ko ang bango ni Elijah. Napaisip tuloy ako kung mabaho na ba ako, lalo na at pinagpawisan ako kanina. Pero bakit ko pa iisipin iyon, lahat naman kami dito hindi
Alessia's POV"LET'S go." Saad ni Elijah sa akin at tinapunan niya ng masamang tingin si Rafi tsaka tumalikodSumama din ang tingin ni Rafi kay Elijah pero hindi na ito nagsalita pa. Tumalikod na lang din si Rafi at lumapit sa kanyang kabayo.Sumama naman ako kay Elijah para makasakay ako sa kanyang kabayo. Tiningnan ko naman si Sushi na ngayon ay hawak hawak ni Stefano na nakasakay na sa kanyang kabayo. Hindi kami tiningnan ni Stefano kaya ipinagpasalamat ko naman.Agad na binuhat na ako ni Elijah at pinasakay sa kanyang kabayo. Naging komportable kaagad ako at sumakay naman siya at pumwesto sa aking likuran."Remember to be cautious to any movements once we enter the domain." Saad ni Elijah sa lahat. Narinig ko naman ang kurong mga sagot nila.Agad na pinatakbo ni Elijah at sa mabilis ito na paraan. Sa harap ko ay nakikita ko na para na itong isang tunnel dahil pababa ang daan at oras na nasa ibaba na kami, magmumukhang maze na ang lugar.Ngunit para din itong grand canyon na nasa g
Alessia's POVTHE golden dust showered upon us. Nakita ko kung paano tumigil sa pagalaw ang mga vines. Hindi ko alam kung paano mani-obrahin ang unisus pero ito na ang kusang nagmani-obra sa sarili niya. Mukhang alam nito ang dapat gawin kaya ibinuhos ko na ang tiwala ko sa kabayo.Mabilis kaming pumasok at halos pigil ang hininga ko dahil para akong nakasakay sa isang roller coaster sa sobrang bilis at galaw ni Bolt. Maraming iniiwasan ang unisus na mga nakaharang na vines. Masyadong mahirap ang dinadaanan namin at kung magkamali man ako ng hawak ay sigurado akong mahuhulog. Napapatingin ako sa ibaba at nakikita ko doon ang matutulis na mga tinik na alam kong hindi magandang senyales iyon kung babagsak kami. We will surely die once we hit the ground.Naging mas mahigpit ang aking kapit dahil na rin sa kaba at takot. Sobrang laki ng mga vines ngunit tila hindi nahihirapan ang mga unisus, mukhang sanay na sanay sila sa ganitong daanan. Hindi nagtagal ay nakita ko na rin ang hangganan n
Alessia's POVNAPATINGIN ako sa paligid at wala akong makitang lugar na pwede kong daanan. Nakapatong ang malaking pugad ng agila sa isang malaking sanga ng kahoy na tumubo sa bangin.Si Sushi ay hindi pa rin bumabalik sa tamang huwisyo nito. Ang alam ko lang ay apektado siya sa pagkawala ng tatlong necromancer, pero hindi ko inakala na magiging ganito iyon, na tila hindi siya nakakaramdam ng ano man sa kanyang paligid.Napatingala na lamang ako dahil narinig ko ang tunog ng agila. Mabilis akong tumayo at medyo umuga ang pugad kaya nakaramdam ako ng kaba. Hawak hawak ko si Sushi na nagdedeliryo at nilagpasan ko ang dalawang sisiw na alam kong hindi ito magdadala ng kapahamakan sa akin. Kailangan kong makaalis dito, bago pa bumalik ang agila. Mabilis akong humawak sa isang nakausling sanga sa may pugad at bumwelo ako para makalabas at makatuntong ako sa sanga. Pinanatili ko ang aking mga mata sa taas at hindi ako nagtangkang tumingin sa baba. Pakiramdam ko, oras na gagawin ko iyon ay
Alessia's POVMARAMING ikinuwento sa akin si Erigor patungkol sa naging buhay niya ng mga nakalipas na taon dito sa lugar na ito. Hindi niya alam kung ano ang pangalan ng lugar na ito kaya napagpasyahan niya noon na tawagin itong La Krispana kahit hindi iyon ang pangalan nito.Nalaman ko rin na may mga naliligaw ditong mga mountain goats na hinuhuli ni Erigor para maging pagkain niya sa araw-araw. Nakikita ko ang mga tuyong karne ng mga kambing at imbes na makaramdam ako ng gutom at takam ay tila bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi ko alam kung pwede ba iyon at pasado ng maging pagkain. Pero ang alam ko, iyan ang naging pagkain niya sa pananatili sa lugar na ito.Pero ayaw tanggapin ng sarili ko na kainin ang mga iyon. Siguro kung wala na talaga akong mapagpilian ay kakainin ko na iyon. Ngunit sa ngayon, habang hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom ay hindi ako kakain."Ayaw mo talagang kumain? Mukha lang itong hindi nakakain, ngunit masarap ito. Para lang itong tuyong isda, mataban
Alessia's POV"TAHAKIN mo ang daan na ito at pulutin mo ang mga kahoy na makikita mo. Tahakin mo lang din pabalik ang daanan at makakabalik ka dito. Doon ako sa kabila para mas mabilis tayo." Saad naman niya sa akin kaya napatango ako.Agad na naghiwalay kami ng landas ni Erigor at tinahak ko ang daan na sinasabi niya. Hindi ko alam kung may mga kahoy ba akong makikita sa lugar na ito. Bato ang marami dito at hindi kahoy.Sa halip na magreklamo ay naghanap ako ng mga kahoy. May nakikita akong mga kahoy ngunit hindi iyon matino, parang malilit lang ito na mga sanga na tinangay ng malakas na hangin. Ngunit pinulot ko pa rin iyon dahil makakatulog na rin ito sa paggawa ng apoy. Malaki man o maliit, importante iyon lalo na at nasa ganitong sitwasyon. Kagaya nga ng sinabi nila, you will only see it's value in time when you already lost it.Patuloy ako sa paglalakad at namumulot ako ng mga kahoy. Hindi ko alam kung tatagal ba ang mga ito ng buong gabi dahil pakiramdam ko ay hindi. Kokonti p
Alessia's POVRAMDAM ko ang init mula sa siga. Nakasiksik ako ngayon sa isang sulok habang si Sushi naman ay wala pa rin malay. Nakakaramdam na ako ng pagkabahala dahil sa hindi pa rin siya nagigising hanggang sa ngayon. Humihinga naman si Sushi, at wala naman akong makitang ibang senyales na mas lalong makakapagpabahala sa akin. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan ko siyang protektahan.Siguro ay lilipas din ito at magiging maayos din ang lahat. Magigising din si Sushi na tila walang nangyari. Umaasa ako na pagkagising ko bukas ay maayos na siya.Naalala ko naman ang nangyari kanina mula ng makabalik ako galing sa lungga ng Cerberus."Ito lang ang nakuha ko." Pilit kong huwag mautal habang kaharap si Erigor na maraming dalang kahoy na higit pa na mas marami kaysa buong nakuha ko bago pa ako inatake ng Slither."Kaunti lang ba ang kahoy doon?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Nilapag naman niya sa sahig ang mga nakuha niya."Oo, ito lang talaga ang nakuha ko." Sagot ko sa kanya.Napa
Alessia's POVNAKAHARAP kami ngayon sa isang matarik na daan, o kung matatawag pa itong daan dahil literal na aakyatin ito kung gugustohin mo mang pumunta sa tuktok. Masyado itong matirik para sa isang daan."Dito tayo dadaan." Saad niya sa akin.Hindi mabilang ang mura na napakawalan ko sa aking isipan. Kakasabi ko lang sa sarili ko na hindi ako marunong umakyat sa mga matatarik na lugar at heto kami ngayon, aakyatin ito na ito."W-wala bang ibang daan dito?" Nagdadalawang isip na tanong ko sa kanya. Parang hindi ko na gustong makita ang lugar na sinasabi niya dahil sa matarik na daan."Walang madaling daan patungo sa magandang lugar, Ales. Laging mahirap ang patungo doon dahil hindi matawarang ganda ang sasalubong sa iyo oras na malagpasan mo iyon." Saad niya sa akin sa malalim na paraan. Pakiramdam ko, bawat katagang binibitawan niya ay may kahulugan. Totoo naman may kahulugan iyon, ngunit hindi ko ito inaasahan mula sa kanya."Sa bawat saya, may mapait na nakaraan...yan ba ang ibi