Share

Chapter 44

CELINE

"Ngayon ay naranasan mo na ang naranasan ko dati nang nagmamakaawa ako sa 'yo na huwag mo akong paalisin sa mansion n'yo. Naranasan mo na talaga, David. Ngayon ay tatanungin kita, ano sa pakiramdam ang nagmamakaawa, huh? Masarap ba sa pakiramdam, huh? Nawala na sa 'yo ang lahat, David. Hindi ka na makakapagyabang pa. Naputulan ka na ng buntot. Dati ako ang minamaliit mo, 'di ba? Ngayon mamaliitin mo pa ba ako? Baliktad na ang takbo ng mundo natin, David. Gusto mo rin ba na maranasan pa ang ibang naranasan ko dahil sa 'yo, huh?" tiim-bagang na sabi ko kay David. Sa sinabi kong 'yon ay pinapaalala ko lang sa kanya ang mga ginawa niya sa akin na hindi maganda na nararanasan na rin niya ngayon. Kung ano ang naranasan ko ay 'yon na rin ang nararanasan niya.

Hindi siya nakapagsalita matapos ko ngang sabihin 'yon sa kanya. Napangiwi siya matapos 'yon. Napatungo pa nga siya. Siguro napahiya siya sa sinabi kong 'yon sa kanya.

Ilang minuto muna ang lumipas bago siya nagsalita sa akin. H
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status