CELINE "Ngayon ay naranasan mo na ang naranasan ko dati nang nagmamakaawa ako sa 'yo na huwag mo akong paalisin sa mansion n'yo. Naranasan mo na talaga, David. Ngayon ay tatanungin kita, ano sa pakiramdam ang nagmamakaawa, huh? Masarap ba sa pakiramdam, huh? Nawala na sa 'yo ang lahat, David. Hindi ka na makakapagyabang pa. Naputulan ka na ng buntot. Dati ako ang minamaliit mo, 'di ba? Ngayon mamaliitin mo pa ba ako? Baliktad na ang takbo ng mundo natin, David. Gusto mo rin ba na maranasan pa ang ibang naranasan ko dahil sa 'yo, huh?" tiim-bagang na sabi ko kay David. Sa sinabi kong 'yon ay pinapaalala ko lang sa kanya ang mga ginawa niya sa akin na hindi maganda na nararanasan na rin niya ngayon. Kung ano ang naranasan ko ay 'yon na rin ang nararanasan niya.Hindi siya nakapagsalita matapos ko ngang sabihin 'yon sa kanya. Napangiwi siya matapos 'yon. Napatungo pa nga siya. Siguro napahiya siya sa sinabi kong 'yon sa kanya.Ilang minuto muna ang lumipas bago siya nagsalita sa akin. H
DAVID Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga nang iwan ako ni Celine sa kuwarton na tutulungan ko habang nandito ako sa bahay niya. Malaki naman ang kuwarto. Hindi na ako nagreklamo pa. Wala naman akong puwedeng ireklamo sa kanya. Tutulungan na nga ako niya, eh. Bibigyan pa niya ako ng trabaho. Dito pa ako sa bahay niya matutulog habang nandito ako sa probinsiya. May kailangan pa ba akong hingiin sa kanya? Wala naman na, kailangan na makuntento na lang ako sa binibigay niyang tulong sa akin. Imbis na magreklamo pa ay magpasalamat na lang ako sa kanya dahil hindi niya ako tinanggihan. Tinulungan pa rin niya ako kahit hindi ako naging mabait sa kanya dati. Hindi naman niya ako natiis, eh. Hindi talaga ako nagkamali na tutulungan talaga niya ako. Siya lang talaga ang makakatulong sa akin at wala nang iba pa. Sana ay mapatawad pa rin niya ako sa nagawa kong hindi maganda sa kanya. Hindi man ngayon, sana sa tamang panahon ay mapatawad niya ako.Naluluha tuloy ako habang nakaupo
DAVIDTinawagan ko ang aking best friend na si Rafael after a few minutes of being inside my room. Ilang minuto na akong nandito sa kuwartong 'to. "Kumusta ang biyahe mo patungo sa probinsiya na 'yan, bro?" tanong ng best friend ko na si Rafael."Maayos naman ang naging biyahe ko, bro. Wala namang problema o naging aberya sa daan habang nasa biyahe kami. Maayos naman, eh," sabi ko sa kanya."Mabuti naman kung ganoon, bro. You arrived safely there. Nahanap mo na ba kung nasaan ang bahay ni Celine? I gave you the whole address, bro," sagot ng best friend ko sa akin. Tinatanong niya ako kung nahanap ko na ba ang bahay ni Celine. Mabilis naman nga akong sumagot sa kanya para sabihin na nahanap ko na nga. Wala na siyang kailangan pa na problemahin o ano dahil nahanap ko na ito."Yes, bro. I found her house. Wala ka nang kailangan na ipag-alala o ano pa sa akin dahil nahanap ko na kung saan siya nakatira," sagot ko sa kanya."Good to hear that from you, bro," sabi naman nga niya sa akin. "
CELINE "Puwede ba tayong mag-usap, David..." sabi ko sa kanya sumunod na araw. Pinuntahan ko siya doon sa kuwarto na tinutulugan niya.Kaagad naman siyang tumango sa akin at nagsalita, "Oo, Celine. Puwede naman. Ano ba ang kailangan natin pag-usapan, huh?"Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa kanya."Tungkol 'to sa pinangako ko sa 'yo na bibigyan kita ng trabaho, David," sabi ko sa kanya.His eyes got bigger when I said that it's about my promise that I would give her a job."Bibigyan mo ba ako ng trabaho, Celine?" tanong niya sa akin na tinanguan ko naman siya kaagad."Oo, David. Bibigyan na kita ng trabaho. 'Di ba sabi mo ay kahit ano ay gagawin mo?" sabi ko sa kanya."Oo. Gagawin ko kahit ano, Celine. Gagawin ko 'yon," sabi niya sa akin at muli ko siyang tinanguan pagkasabi niya sa akin. "Ano ba ang ibibigay mo sa akin na trabaho, huh?""Wala na kasi kaming driver. Umalis na kaya naisipan ko na gawin ka na lang namin na driver tutal marunong ka nama
DAVID Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko na nandito sa farm ni Celine. Maraming makikita dito sa loob ng farm niya. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon siya ng ganitong kalawak na farm. Akala ko talaga dati ay lulustayin niya lang ang bigay ni daddy na pera sa kanya ngunit hindi 'yon ang ginawa niya. Imbis na lustayin niya 'yon ay ginamit niya 'yon sa tama at nararapat na hindi masasayang ang lahat ng 'yon. Natutuwa ako kahit papaano sa lahat ng naipundar niya at meron siya ngayon dahil sa tulong na binigay ni daddy sa kanya three years ago. I'm so proud of her. Nagkamali ako sa mga sinabi ko sa kanya dati. I judged her ruthlessly. Siguro kung nabubuhay pa si daddy ay matutuwa siya nito kay Celine. He'll be proud of her kagaya ng nararamdaman ko na pagka-proud sa kanya sa nagawa niyang 'to na kung ibang babae ay hindi na gagawin lalo na ang magkaroon ng isang malawak na farm kagaya niya. Hindi niya sinayang ang lahat ng binigay sa kanya ni daddy. Sigurado ako na mas nadagdagan
DAVIDHindi ako mapakali at makatulog kinagabihan. Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang tungkol sa batang lalaki na nakita ko na yakap-yakap ni Celine kanina. Dahil sa hindi ako mapakali at makatulog kinagabihan ay nagpasya akong lumabas sa kuwarto na tinutulugan ko para magpahangin sa labas kung bukas pa ang bahay ni Celine. Kung hindi ay doon na lang ako sa sala magmumuni-muni.Pagkababa ko sa hagdan ay sakto dumaan si Mia na isa sa mga kasambahay nila. Naisipan ko na tanungin ito tungkol sa batang lalaki na nakita ko kanina na yakap-yakap ni Celine."Mia, saglit lang..." tawag ko sa pangalan niya at mabilis naman na lumingon siya sa akin pagkasabi ko."Bakit po?" tanong niya sa akin.Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago magtanong sa kanya ng itatanong ko na tanong."May gusto lang sana akong tanungin sa 'yo..." mahinang sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya."Ano po ang itatanong mo sa akin?" tanong nga niya sa akin."Sino ba 'yung batang lalaki na kasam
CELINE"Aalis tayo ngayon..." sabi ko sa kanya."Saan tayo pupunta?" tanong naman nga niya sa akin. Naisipan ko na ipamili siya ng mga damit at ibang mga gamit na kailangan niya. Naawa ako sa kanya. Kahit pala mga damit niya ay naibenta na niya. Naniniwala naman ako sa sinasabi niyang 'yon sa akin.Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. "Pupunta tayo sa mall...""Pupunta tayo sa mall? Sino'ng kasama natin, huh? Kasama ba natin ang Tita Flora mo?" tanong niya sa akin."Hindi, David. Hindi natin siya kasama, okay? Tayong dalawa lang ang magkasama na pupunta sa mall," sabi ko sa kanya.Tumango-tango naman siya pagkasabi ko."Ah, okay. May bibilhin ka ba sa mall?" tanong pa niya sa akin."Wala, David. Wala naman akong bibilhin sa mall," sabi ko sa kanya at tinapunan tuloy ako niya ng nagtatakang tingin."Ganoon ba, Celine? Kung wala ka naman palang bibilhin sa mall, bakit tayo pupunta doon, huh?" nagtatakang tanong niya sa akin. I took a deep breath first before I speak to
CELINEIbinalik ko muli ang cell phone ko sa loob ng bag ko pagkatapos namin mag-usap ni Derek sa kabilang linya. Humugot ako nang malalim na buntong-hininga matapos 'yon at muling itinuon ko ang aking mga mata sa harapan ng sasakyan. Malapit na rin kami makarating sa mall na pupuntahan namin."Sino ba ang kausap mo?" mahinang tanong niya sa akin na sa unahan ang tingin. Dahan-dahan naman akong napalingon sa kanya at nagsalita, "Wala. 'Yung manliligaw ko lang 'yon, David. Tumatawag sa akin ngayon. Gusto kasi niyang lumabas kami ngunit sinabihan ko siya na hindi ako puwede ngayong araw na 'to dahil may lakad ako kay sa susunod na araw na lang."Kumunot ang noo niya sa sinabi ko sa kanya na manliligaw ko 'yon. "Talaga ba? Nanliligaw 'yon sa 'yo na kausap mo few minutes ago?" tanong niya sa akin na mabilis ko naman na tinanguan."Oo, David. Manliligaw ko 'yon," sabi ko pa sa kanya."May manliligaw ka pala..." nakangusong sagot niya sa akin.Tumango muli ako sa kanya at nagsalita, "Oo. Ma