Sinadya kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Mama. Alam kong napansin niya na nahihirapan ako sa bahagya nitong pagkakahawak sa kamay ko kaya naman nang sandaling luwagan niya ang pagkakahawak dito ay ito na rin ang ginamit kong pagkakataon upang makawala sa pagkakahawak niya.
Mabilis kong tinapunan ng tingin ang kamay kong namula nang dahil sa pagkakahawak niya at halos mapaiyak nang makita ko ang hindi matawaran nitong pamumula. Namumula ito marahil siguro sa higpit ng pagkakahawak niya kanina.
Hindi ko alam kung may iringan ba si Mama at ang matandang lalaki na nangharang sa daan namin kaya naman ganito na lang kung makakilos si Mama.
Mukha namang wala lang sa reaksyon ng matanda ang pagkailang at kung ako naman ang tatanungin ay mukhang inosente lang ang itsura niya ngayon habang si Mama naman ay animong leon na mangangain ng tao. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga pisngi ni Mama habang matalim na nakatitig sa matandang walang kamalay-malay
Ramdam ko ang marahang buntong-hininga ni Tita Hyacinth habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko na rin pinansin ang mga titig nito na tila ba awang-awa sa itsura ko ngayon.Sino nga bang hindi maaawa sa itsura ko ngayon na kung ikaw man ang nasa sitwasyon niya ay natitiyak ko na maaawa ka rin. Para bang isa akong basang-sisiw na pinagkaitan ng masisilungan sa gitna ng ulanan. Para bang isa akong asong pinagkaitan ng makakain sa gitna ng gutom.Awang-awa ako sa sarili ko. Hindi ko rin naman maiwasang makaramdam ng inis at pagtatampo kay Klaude dahil nagawa niya akong paasahin na makakadalo siya. Actually kasalanan niya ito— kasalanan nga ba niya?Ako ang pumilit sa kanya na dumalo. Sinubukan ko siyang pikutin sa isang pangakong alam ko namang hindi niya magagawang sundin.Utak mo Kimberly may ubo!Tingin mo ba gano'n lang kadaling bumiyahe magmula probinsya hanggang sa siyudad? Tingin mo ba gano'n kadaling bumiyahe sa isang lugar na alam mong
Hindi kami gano'n kadikit ni Tita Hyacinth sa isa't isa kaya naman nang magkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong sa kanya ay inaasahan ko na magugulat siya sa mga salitang sinabi ko.Hindi ako kumportable sa presensya niya, ngunit hindi ko maipagkakailang unti-unti akong nabibihag sa mga paghagod nito sa likurang bahagi ng balikat ko. Malaking bagay na sa 'kin ang pagsama at pagtabi niya rito kaya naman alam kong babaunin ko ang sandaling ito hanggang sa mga susunod na taon.Kumportable naman ako sa presensya niya dati hanggang ngayon. Siguro nga ay talagang binulag lang ako ng labis na pag-aalala at pagmamahal kay Mama kaya naman naisipang kong lumayo sa kanya kahit na alam ko sa sarili kong nasanay na ako sa presensya nito sa tabi ko. Aaminin kong malaking bagay para sa 'kin ang pag-uusap namin ni Tita Hyacinth kaya naman hindi ko maikakailang lihim ko na siyang pinasasalamatan sa isip ko.Kumportable ako sa ayos namin, maging sa pag-uusap namin
Magkasabay kaming napatayo ni Tita Hyacinth mula sa pagkakaupo at agad na pinanood si Mama na lumapit sa gawi namin.Ramdam ko ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang tila nagagalit na mga mata ni Mama at para bang handang sumugod sa gawi namin ni Tita Hyacinth. Bakas ang panggigigil sa mga yapak nito at na hindi ko magawang mahinuha ang ekspresyon na ipinapakita nito sa aming dalawa ngayon.Saglit kong ninakawan ng tingin si Tita Hyacinth nang marinig ko itong bumuntong-hininga habang pinapanood sa paglalakad patungo sa gawi namin si Mama.“She's the reason, Kimberly,” ani nito.Kunot-noo akong lumingon sa kanya at tila ba handa nang magtanong sa kung ano nga ba ang sinabi nito. Wala rin naman akong lakas ng loob na magtanong dahil pakiramdam ko ay labas ako sa kung ano man ang problema niya.Hindi naman sa sinasabi kong wala akong pakialam kung may pinagdaraanan nga ba siyang problema, pero bakit gano'n?Gusto ko
Patayin? Sinong papatayin ni Mama?Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na naramdamang panawan ng antok. Para bang sa tuwing maaalala ko kung gaano niyang binanggit nang may diin ang katagang iyon ay mas lalo lamang gumugulo ang isip ko.Natatakot ako sa totoo lang. Para bang sa isang maling galaw ko ay may posibilidad na mawalan ako ng buhay.Para bang sa isang maling galaw ko sa harap ni Mama ay may posibilidad na masaktan niya ako.Para bang natatakot ako na may magawa siyang labag sa batas at kapalit no'n ay ang buhay ko. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko. Para bang nahihirapan ako sa paghinga sa tuwing maalala ko kung gaanong kapait ang boses niya.Magagawa niyang pumatay ng buhay ng isang inosenteng bata para lang sa buhay ng isang batang wala na sa tabi niya? Magagawa niyang manakit upang maghiganti? Magagawa niyang makapatay para lang sa buhay ng kanyang anak?At ano ang sinasabi niyang pinatay ni Tita Hyacinth ang a
Wala sa sarili kong tinahak ang daan pauwi. Wala akong ibang dala bukod sa bisikletang kanina ko pa hinihila magmula sa bahay nila, at ang sarili kong tila ba nawala sa ulirat nang dahil sa balita ni Aling Imelda.Lumipat? Lumipat siya nang walang paalam?Sa Mindoro?Hindi magagawa ni Klaude sa 'kin ito. Bahagya akong natawa at naawa para sa sarili ko. Umasa ako sa pangako niya kahit na alam kong wala naman talaga akong dapat na asahan. Kasalanan ko dahil nagawa kong umasa sa wala. Umasa ako sa isang pangakong hindi ko alam na medyo malayo pala sa reyalidad.Mindoro? Huh?At nangako pa siya na makakauwi siyang mag-isa? Na magagawa niyang makauwi nang hindi man lang nagpapaalam sa mga magulang niya? Na magagawa niyang bumalik kahit na hindi siya gano'n kapamilyar sa isang lugar?Really, Klaude?Okay lang naman sa 'kin kung hindi ka mangako. Magagawa ko namang intindihin ang rason mo. Pero 'yung magsinungaling ka at paasahin mo ako na m
Marahan akong naglakad patungo sa direksyon ni Bryan. Habang naglalakad palapit sa kanya ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang postura ng katawan niyang nakadantay sa barandilya habang abala sa pagtitipa sa cellphone nito.Kilala siya sa campus na papasukan ko bilang isa sa mga pinakasikat na varsity ng campus. Magaling siya sa pagpasa ng bola at minsan ko na rin naman siyang nakitang naglaro. Magaling nga siya.Sa tuwing siya ang inaalok na sumama sa isang game ay palaging nananalo ang team na nag-imbita sa kanya. Hindi ko alam, pero masasabi kong malaki ang impluwensya ni Bryan para sa mga kalaro niya. May umabot pa sa puntong kinilala siya ng lahat bilang isa sa mga tanyag na manlalaro sa campus na papasukan ko.Maraming nagkakagusto sa kanya, hindi lang dahil sa galing niya sa paglalaro kundi dahil na rin siguro sa angkop nitong kakisigan. Aaminin kong hindi magiging sapat kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kanya.Dalawang taon ang agwat niya sa 'kin.
Unang araw ng klase, sarcastic agad.Unang kita ko pa lang sa kanya, alam kong may problema na siya sa mundo.Sa paraan ng pagkakatitig niya sa 'kin ay para bang malalim ang galit nito. Wala naman akong ibang matandaang may nakagalit ako. Ni hindi ko nga siya kilala, pero kung makalukot siya ng mukha sa tuwing magkakatinginan kaming dalawa, para bang naiirita na siya. Wala naman akong ginagawa sa kanya, ni hindi ko nga siya pinapansin sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa sa iisang daan.“Ang laki yata ng problema ng kaibigan niyo sa 'kin,” bulong ko kay Sofia nang matanawan ko sa malayo si Biguel na abala sa paglalaro kasama ng mga kaibigan niya.Kasama sa try-out si Bryan at kasalukuyan siya ngayong nasa bench upang magpahinga. Tila ba nalibang naman ako sa panonood kay Biguel na ngayon ay seryosong naglalaro.Nakalabi ko siyang pinagmamasdan. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang magulo at maitim nitong buhok na nakakapagpadagdag
Inabot sa 'kin ni Mama ang isang papel na nakarolyo. Sa halip na tanggapin ko ito ay kunot-noo ko pa muna siyang pinagmasdan na malungkot niyang nginitian.“Susunod ako, Kimberly. H'wag kang mag-alala,” matamis na ngiti niya.Dahan-dahan kong inabot ang nakarolyong papel bago siya muling binalingan ng kuryosong tingin.Hindi ko alam kung magtatampo ba ako sa kanya o maiintindihan ko na lang ang desisyon niya.Dalawang taon pagkatapos maghiwalay ng landas naming dalawa ni Klaude, hindi ko inaasahan na lilipat kami ng bahay. Buo ang loob ko na magagawa pa akong balikan ni Klaude sa dati naming bahay, pero lumipas ang ilang linggo nang hindi na siya muling nagpakita.Labag man sa loob ko ang desisyon ng mga magulang ko, wala rin naman akong nagawa kundi ang sumunod. Hindi rin naman sila kumbinsido na may iba pa akong hinihintay at mukha namang wala silang pakialam sa opinyon ko. Ayoko rin namang maiwang mag-isa sa iisang lugar habang naghi