Share

Chapter 21

Ramdam ko ang marahang buntong-hininga ni Tita Hyacinth habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko na rin pinansin ang mga titig nito na tila ba awang-awa sa itsura ko ngayon.

Sino nga bang hindi maaawa sa itsura ko ngayon na kung ikaw man ang nasa sitwasyon niya ay natitiyak ko na maaawa ka rin. Para bang isa akong basang-sisiw na pinagkaitan ng masisilungan sa gitna ng ulanan. Para bang isa akong asong pinagkaitan ng makakain sa gitna ng gutom.

Awang-awa ako sa sarili ko. Hindi ko rin naman maiwasang makaramdam ng inis at pagtatampo kay Klaude dahil nagawa niya akong paasahin na makakadalo siya. Actually kasalanan niya ito— kasalanan nga ba niya?

Ako ang pumilit sa kanya na dumalo. Sinubukan ko siyang pikutin sa isang pangakong alam ko namang hindi niya magagawang sundin. 

Utak mo Kimberly may ubo!

Tingin mo ba gano'n lang kadaling bumiyahe magmula probinsya hanggang sa siyudad? Tingin mo ba gano'n kadaling bumiyahe sa isang lugar na alam mong

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status