Share

Thirty-fourth Trip: Discharged

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Napatigil ako sa paghinga nang maramdaman ko ang isa niyang kamay sa likod ko habang ang isa niyang kamay ay marahang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin. Parang isa akong istatuwa at hindi na ako makagalaw pa.

"Sobra akong kinabahan sa mga oras na 'yon. Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo nang mahimatay ka sa bisig ko," mahina ngunit nag-alala niyang wika sa tainga ko.

Unting-unti akong napakalma at nakahinga. Ngunit natigilan ako sa sumunod niyang sinabi. "Masaya ako't maayos na ang pakiramdam mo. Masaya ako't nakaharap kita't nahahawakan ngayon."

Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa mga katagang binitawan niya. Ba't naging ganito ang Clinthon na kaharap ko. 'Di ba dapat malamig ang pakikitungo niya sa akin, katulad no'n 'pag magkaharap kami. Alam kong napatawad ko na siya ngunit mayroon sa sistema ko ang nagtataka sa naging akto niya ngayon.

Kailan lang parang isum

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status