Share

Thirty-third Trip: Warm Hug

Kinabukasan, nagising ako sa ingay ng mga boses na nagtatalo. Napakusot ako ng aking mga mata, ngunit nagulat na lamang ako nang makita sina Giovanni, Christine, at Alyson sa harap ko. Magkaharap sina Giovanni at Alyson habang nagtatalo. Si Christine naman ay nasa gitna nila't para awatin sila.

"Ano bang ginagawa mo ritong tomboy ka?" singhal ni Giovanni kay Alyson.

"Edi dadalaw," walang ganang tugon ni Alyson sanhi upang mamula sa inis si Giovanni.

"At sino namang nagsabi na pwede kang dumalaw rito?!" Galit na galit na ang mukha ni Giovanni subalit kabaliktaran iyon sa mukha ni Alyson na kalmado lamang.

"Ako," tipid na tugon ni Alyson saka ito ngumisi kay Giovanni.

Nakita kong parang sasabog na sa inis si Giovanni kaya agad akong umupo mula sa pagkakahiga para tigilan sila. Ngunit napahiyaw na lamang ako sa sobrang sakit nang makalimutan kong hindi pa magaling ang bali ko sa aking buto-buto. Napasapo ako sa aking tiyan at parang maiiyak ako dahil

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status