Share

Thirty-second Trip: Hospital

Nakakasilaw na sikat ng araw ang nagpamulat sa akin. Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang tumutusok na mga damo sa balat ko. Nagulat ako nang makitang nasa gilid ako ng isang puno.

Nasaan ako? Naging tanong ko sa sarili nang makitang nasa isang parke ako. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, ngunit kahit isa'y walang akong makitang tao. Mayroong playground sa 'di kalayuan ng kinaroroonan ko. Nagtataasang mga puno sa iba't ibang parte ng parke. Sa bawat puno, mayroong mga upuang gawa sa kahoy. Kaaya-ayang tingnan ang parkeng ito dahil sa kalinisan nito.

Gusto kong mamangha sa kagandahan nito pero mas nangibabaw ang kaba't takot sa aking sistema. Anong ginagawa ko rito sa lugar na 'to? Sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari sa akin. Binugbog ako ng FoxyLuscious Group saka ako pinabayaan sa tatlong lalaki na sana'y gagahasain ako. 

Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman ko pa rin ang  malaswa nilang paghawak sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status