Share

Chapter 2-Padurusa

Chapter 2

Na pag-pasyahan kong umuwi muna sa aming bahay. Pagdating ko doon ay isang malakas na sampal ang aking natanggap sa aking Ina.

Masakit sa akin ng pati ang aking mga magulang ay itinatakwil ako, dahil malas raw ako sa aming pamilya. Maraming mga masasamang salita ang aking natatanggap sa aking magulang kahit ang aking sariling kapatid na babae ay ganoon rin.

"Layas! malandi ka, iba ka talaga sa iyong kapatid, ipokrita!" sabi ng aking Ina pagkatapos nya akong sampalin.

"Malas ka talaga sa pamilya na to pok-pok ka!" sabi naman sa aking Ama.

"Naka malas-malas ang pamilyang ito ng dumating ka sa buhay namin!" sabi din sa aking matatandang kapatid.

"Wala kaming anak na malandi, pok-pok at higit sa lahat walang kwentang anak!" sabi ulit ng aking Ina.

"Ma, Pa!" tanging sambit ko sa kanila. "Mula noong nagkaroon ako ng tamang pag-iisip, ni minsan ay hindi ko lubos maisip kung bakit n'yo ako laging minamaltrato," sabi ko habang humihikbi. "Ngayon ay gusto ko ang inyong kalinga at pagmamahal bilang magulang ko, nais kong kayo ang aking masandalan sa aking problema. Pero kayo rin pala ang magbibigay ng dahilan upang ako ay lalong malugmok sa putikan." sabi ko sa kanila habang umiiyak pa rin. Ang sakit sakit sa aking dibdib para akong hindi makahinga kaya agad kung pinukpok ang aking dibdib.

"Tumahimik kang malandi ka, kung di ka panaman kasing tanga at nagtusok ka sa isang lalake, i-de sana ay hindi ka mabuntis," sabi ng aking Ina.

"Tsk! Tanga kasi kaya naluko," sabi ng aking kapatid.

"Lumayas ka sa pamamahay na ito Rhian dahil kahihiyan ang dulot mo sa pamilyang ito," sabi sa aking Ama.

"Matanong ko lang hu kayo! Anak n'yo ba talaga ako?" tanong ko sa kanila pero imbis na sagutin ang tanong ko ay agad akong kinaladkad patungo sa labas saka sinaraduhan ng pintuan.

Wala akong nadalang gamit ay kaunti lang at ang perang naipon ko sa pagta-trabaho buti na lang ay dala-dala ko.

Kaya pinangako ko sa aking sarili ay mula ngayon hinding-hindi ako babalik sa lugar na ito kung di ko maabot ang aking pangarap. Ang mga taong nanakit at nagtakwil sa akin ay ipapakita ko sa kanila na ibang Rhian ang kanilang makilala.

Kahit na kaunti lang ang pera ko ay nagsapalaran ako sa ibang lugar hanggang may isang matandang babae na handang tumulong ay babalik ako sa lugar kung saan ako tinakwil sa aking magulang, sinaktan at niloko sa taong una kong minahal.

Kahit ganoon ay hindi ako naghinaan ang ng loob. Tanging ang aking anak ang kinuhaan ko ng lakas loob upang mag-papatuloy sa buhay at harapin ang hamon na pag-subok.

Wala akong magawa sa aking kalagayan. Awang-awa ako sa aking dinaranas pero Hindi parin ako nawalan ng pag-asa nagpapatuloy parin ako sa aking paglalakad kahit basang-basa na ang aking damit dahil sa pawis.

Habang nag lalakad ako sa gitna ng daan, sa subrang init at pagkauhaw ay wala akong magagawa kaya nagtiis akong maglakad upang makahanap ng masisilungan kahit ngayon araw lang. Ngunit sadyang napakalupit nang tadhana sa akin, ni isa sa akin mga kaibigan o kamag-anak ay walang nais tumulong sa akin. Halo-halo ang aking awa at takot sa aking sarili habang sinapo ko ang aking tyan.

'Anak, kumapit ka lang ha, wag kang bibitaw at wag mong iiwan si Mama,' tanging sambit ko sa aking isipan habang hinihimas ang aking impis na tyan.

'Mapalit ng mag dilim, pero wala tayong masisilungan kahit barong barong man lang anak, bakit ba kay lupit ng tadhana sa ating dalawa anak. Lord, kung isang pagsubok ito para sa akin. Sana po ay wag n'yong pabayaan ang aking anak. Alam ko po na lahat nang binigay mong pagsubok ay hindi naming makakaya pero Lord, hindi ko na po kaya ang hiling ko lang sana, sana ay may tao kayong pinadala para tulungan ako kahit sa aking anak man lang,' sabi ko sa aking isipan habang hindi ko mapigilang umagos ang aking luha sa aking mga mata hanggang hindi ko mapigilan pa ang aking pagkahilo.

Pero sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay hindi ko na mapigilan ang aking nararamdaman. Kaya agad akong napa upo ng dahan dahan sa isang madilim ng daan. Kung saan ay walang kahit na tao man lang ang dumaan dito. Kahit na labis akong natakot ay wala akong magawa man lang dahil sa aking setwasyon lalo't sumasakit ang aking sinapupunan.

"Lord, kung ano man ang mangyayari sa aming ngayon, ay lubos kong tatanggapin kung `yang ang nais mo, kayo na ang bahala sa aming ng anak ko," sabi ko pero mahinang boses lang ang lumabas sa aking bibig.

Hanggang unti-unting pagbagsak ang aking katawan sa sa malamig na sementong daan.

KINABUKASAN

Nagising ako isang tunog nang makina, kaya minulat ko dahan dahan ang aking mga mata, ngunit puro puti ang aking nakikita.

'Siguro ito na ang tinatawag nilang langit, kung ganoon patay na ako. I'm sorry Anak pati ikaw nadamay sa kamalasan sa akin,' sabi ko lang sa aking anak habang hinihintay ko ito pero natigilan ako ng may nararamdaman akong pintig mula dito kaya agad ako naguguluhan sa aking nasaksihan.

"Buhay ka anak? Pero diba patay ka na rin tulad ko?" sabi ko dito.

Hanggang may pumasok na isang lalakeng na ka puti. Papalapit sa akin kinaruruonan.

"Good morning?" sabi ni lalake.

"Sir, buhay pa po ba ako?" sabi ko ni hindi ko nga maibalik yung pagbati nya sa akin.

"Yes! Ofcourse," sagot nito. "Ikaw at ang iyong anak ay ligtas na," dagdag nitong sabi. Habang nag uusap kami kung anong kailangan kong gawin upang maiwasang may kasamang mangyayari sa aking anak kung ano ang bawal ng biglang may pumasok na isang matandang babae, sa tingin ko ay nasa 50+ ang kanyang edad nito.

"Good morning Madam!" sabi ng Doctor naay pumasok na isang Ginang na lang postura.

"Good morning, how is she? Is her pregnancy okay?" tanong nag matandang babae sa Doctor.

"Yes madam, okay lang sila dalawa! Wag kang mag-alala," sagot sa Doctor.

"Hay! Thank the Lord God. Hello iha, i'm the one who brought you here. Do you want to call any family so they know what's happening to you?" sabi sa babaeng matandang. "By the way, I'm matilda Zuarez Lim," sabi nya sa akin na kinamangha ko sa kan'yang taglay na ganda kahit nasa 50+ na ito ay makikita mo ang kan'yang kagandahan.

"Ako naman Rhian Andam Suarez, wala na po akong pamilya Madam tinakwil nila ako dahil malas daw ako sa aming pamilya lalo nang nalaman nilang buntis ako, kaya nagpalaboy-laboy ako sa daan upang maghanap ng matitirhan," sabi ko dito na di maiwasan maalala ang sinapit ko sa aking sariling pamilya habang tumutulo ang aking luha na parang isang tubig na hindi mapigilan.

"Anong klaseng magulang sila, shhhhhh! wag kang umiiyak kung gusto mo sumama ka sa akin. Wag kang mag alala dahil hindi ako masamang tao. Tutulungan kitang maka bangon, sigurong tinadhana talaga na ako ang makakita sa iyo dahil biruin mo magkapareho tayong Zuarez ang apleyido," sabi nya sa akin habang na ka ngiti ang labi. Kaya nahawaan rin ako sa kan'yang magandang ngiti.

"Salamat Madam pero__," agad ding pinutol ng matandang babae ang sinabi ko.

"Shhhh! Mula ngayon tawagin mo kung Mommy, ako naman bahala sa lahat-lahat isasama kita sa USA," sabi nya sa akin kahit na walang kasiguraduhan ang aking kapalaran doon ay agad akong sumang-ayon at nagpapa-salamat ako sa kanya ng lubos lalong-lalo na sa Poong-Maykapal na binigay sa akin ang isang tulad ni Madam Matilda.

Lumipas ang Isang linggo sa pamamalagi ko sa hospital ay mabilis bumalik ang aking lakas, at maraming nagsasabi magkamukha kami ni Madam Matilda. Para raw kaming binagbiyak na bunga na kinatuwa naman ni Madam.

"Ma Mommy!" kahit na nag-alinlangan pa akong tawagin iyong Mommy ay wala akong choice dahil yun ang nais nito. Sinabi ko sa kan'yang na baka magalit ang kan'yang anak pag nalaman nitong may ibang tumatawag nitong Mommy, pero naging malungkot ang kan'yang mukha sa sinabi ko.

"Matagal ng patay ang aking ka-iisang anak na babae, namatay ito habang sinisilang ko s'ya, masakit pero kailangan namingag move forward, maraming beses rin kaming nag ampon pero ganoon rin ng yayari, feeling ko na malas lang talaga ako tungkol sa magkaroon ng anak," ngiting sabi nito kahit na may lungkot sa kan'yang mga mata. "Pero di bali dahil kayo na lang ang magiging anak ko at magiging apo ko ang nasa iyong sinapupunan. I'm so excited to see my apo," dagdag nitong sabi.

Kaya napa ngiti lang ako sa kan'yang sinabi.

"Salamat po Mommy sa iyong pagtanggap kahit na hindi nyo ako ka anu-ano ay handa mo akong tinulungan," sabi ko dito. "Napaka swerte ko po dahil kayo ang binigay ni God na isang mabuting puso handang tulungan kami nag aking magiging anak," dag-dag kung sabi.

"May purpose siguro ang Panginoon Anak, kung bakit tayo pinagtagpo sa ganoon setwasyon."

Agad kaming ngumiti sa aming sinasabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status