Share

Chapter 3-Goodbye Philippines

Chapter 3

LAST, last day ko na ngayon dito sa hospital kung kaya ay masaya kaming nag ku-kwentuhan sa naging personal nurse ko.

Hindi ko na kailangan pang kumuha ng visa dahil si Mommy na ang bahala sa lahat, may inutusan itong tao upang kunin ang mga kailangan ko pati ang form ko sa paaralan kung saan ako ng aaral ng BUSINESS ADMINISTRATION at last ko na sana ngayon pasukan at ga-graduate na ako.

Mabilis nakuha ang mga kailangan ko at ang personal kung damit ay bibilhan rin ako, kaya lubos akong nagpapasalamat sa kan'yang kabutihang loob.

Ngayon ang araw pag-alis namin patungo sa USA kung saan ako magsimula muli.

Kaya mula sa araw ngayon ay tuluyan na akong kinupkop ni Mommy Matilde, at tuluyan na n'ya akong inakong Anak.

Kasalukuyang nasa daan kami papunta sa airport dahil ngayon araw ang aming pag-alis. Insaktong insakto ang aming pagdating dahil tinawag na ang aming flight kaya diretso ang aming paglalakad habang bitbit ng mga tauhan nito ang aming bagahe. Hanggang na ka pasok na kami sa loob ng airplane. First time akong nakasakay sa ganitong uri. Kaya subra ang aking kaba. Hanggang nag umpisa na itong tumakbo kaya napa kapit lang ako sa aking kinauupuan.

"Okay ka lang anak?" tanong nya sa akin.

"Sa totoo lang po, takot ako Mommy. First time ko pong maka sakay ng ganito," sabi ko dito.

"Wag kang matakot, dahil kung nasa himpapawid na tayo ay makikita mo ang magandang tanawin mula dito," sabi nya sa akin.

Kaya ngumiti ako kahit na may takot parin sa aking dibdib. Hanggang nag umpisa na itong umangat dahilan upang napakapit ako sa gilid na aking kinaupuan dahil parang inaagat ako sa aking inu-upuan at parang anong oras ay mahuhulog ako sa ako dito. Habang nakapikit ang aking mga mata at sinasambit ang lahat na mga Santos na aking naiisip.

Hanggang may tumapik sa aking balikat kaya binuksan ko ang aking isa kong mata. Saka ako bumaling kay Mommy.

"Tingnan mo ang nasa ibabà ,Anak!" sabi nya sa akin. "Diba ang ganda nilang tingnan?" dag-dag nitong sabi sa akin.

Kaya agad kong minulat rin ang isa upang makita kung anong ibig nyang sabihin, napangiti lang ako sa aking nakikita mula sa aking kinaroroonan.

Lahat na mga bahay o mga gusaling matatayog ay lumiit ito sa aking paningin at naging pantay pantay na ito lahat walang mataas o mababà. Lahat ay pantay-pantay na ito sa aking paningin mula sa itaas.

"Ito ang tandaan mo anak, walang mahirap o mayaman sa mata ng Dios, lahat ay pantay-pantay kaya wag kang mawalan ng pag-asa sa buhay, at wag kang magdalawang isip na ilapit mo ang iyong problema sa Panginoon," sabi n'ya sa akin. "Lahat na pagsubok ibinigay n'ya sa ating ay may dahilan ang lahat, walang pagsubok binigay n'ya na hindi natin malampasan," dag-dag pa n'ya sabi.

" Tama po kayo Mommy, kaya gagawin ko itong isa sa aking ispirasyon, ikaw at ang aking magiging anak," sabi ko dito.

" Salamat anak," tanging sambit ni Momysa akin kaya napa ngiti ako kan'yang sagot.

"Dapat ako ang magpasalamat sa inyo Mommy, dahil sa iyong kabutihan loob," ngiti kong sabi.

Hanggang ituon ko ang aking mata sa labas ng airplane.

'Paalam sa inyong lahat, mula ngayon ay kakalimutan ko kayong lahat, sa pagbalik ko ay ibang Rhian na ang inyong makilala,' sabi ko sa akin isipan. 'Wag kayong mag-alala dahil pinapatawad ko na kayo pero hindi na ninyo maibalik ang Rhian na iyakin at laging nasasaktan,' dag-dag pa nitong sabi. Hanggang nakatulugan ko ang pag iisip.

"Anak gising na, andito na tayo," sabi sa akin ni Mommy.

"Hmmmm, pasensya na po at nakatulog ako," hingi kong paumanhin sa kanya.

" Okay lang, ganyan talaga ka pagbuntis," sabi nya sa akin.

Lumingon ako sa loob ng airplane at nakita kong iilan lang ang natira kaya agad rin akong kumilos upang kunin ang bagahe namin pero sinabihan nya ako na kinuha na ito sa kanya tauhan.

Paglabas namin ay bumungad sa aking paningin ang na ka paskil na malaki.

WELCOME TO UNITED STATES AMERICA.

'Anak andito na tayo kaya wag kang pasaway sa amin ha,' ngiti kung sabi habang hinihimas ang aking impis na tyan.

Hanggang may nakita akong nakahilera na ka suit parang uniform ata nila iyon dahil pari-pariho ang kanilang mga suot.

"WELCOME BACK MADAM," sabay nilang sabi. Kaya napa isip ako kung gaano ito kayamanan. Nakita ko kung paano nila akong tiningnan na may pagka bigla na ka guhit sa kanilang mukha.

"Everyone, meet my daughter Rhian," sabib ni Mommy sa kanilang lahat.

"Hello all, nice to meet you all," tanging sambit ko sa kanilang lahat habang may ngiti sa kanilang labi.

" Hello too Ms Rhian, Welcome to USA," sagot naman nila kaya napa ngiti ako sa kanilang sinabi.

Habang sumakay kami sa isang magarbong sasakyan na hindi ko alam kung among klaseng sasakyan na ito dahil mahaba ang upuan sa dulo may malaking kama. Hanggang umandar ang aming sinakyan kaya agad ko ring inayos ang aking upo saka bumaling sa may bintana.

Hindi nagtagal ang aming biyahe dahil agad rin kaming nakarating sa titirhan na namin ng aking anak. Binuksan ng isang lalake ang aming sinakyan saka bumaba si Mommy kaya sumunod rin ako dito. Literal na mapa nga-nga ka sa makikita, dahil hindi lang simpleng tahanan kung isang malapalasyong mansion ang bumungad sa aking paningin.

'Anak, hindi ko lubos ma-isip na ganito pala ka yaman ang kumupkop sa akin,' sabi ko sa aking isipan habang hinihimas ang impis kung tyan.

'Ma swerte parin tayo anak dahil may taong tumulong sa aking dalawa, sana ikaw anak wag mong papahirapan si Mommy habang nasa loob ka ha!' dag-dag kong kausap sa aking munting anghel nasa aking sinapupunan.

Hanggang giniya kami papunta sa loob ng bahay ay hindi palasyo pala ito. Habang nag lalakad kami ay busy rin ang aking mga paningin ko sa halaman, ito kasi ang aking pinakagusto ko sa lahat ang mayroong halaman na magaganda. Mahilig kasi ako sa mga bulaklak pero ang bulaklak ay parang galit sila sa akin dahil kung ako ang magtanim ay hindi sila mabubuhay. Hanggang may nakita akong magandang rosas kaya agad akong napa hinto doon.

"Ang ganda," mangha kung sabi habang titig na titig ako doon. May narinig akong tawa sa aking gilid kaya napa ayos ako sa aking tindig.

"Alam mo ba na yan rin ang pinaglilihian ko noong buntis ako, kaya pinangalan ko yang Angel," sabi sa akin ni Mommy.

Napa ngiti ako sa kan'yang sinabi.

'Kung buhay pa sana ang kan'yang anak, sigurado akong kasing bait ito sa kan'yang ina,' ayan ang nasabi ko sa akin isipan hanggang sumunod na lang ako sa kanilang pag-lalakad.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melba Ritos
very interesting story author .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status