antayin after 30 minutes ang chapter 86.. make sure ko muna bago e post baka domoble na naman. thank you
"Princess Rihanna, won't you at least introduce us to your husband? You are really fortunate to have him; he is the CEO of DC Bank Corporation, and his wealth is enormous. Even if you add up the total net worth of all the wealthy people in Wales, it is still insufficient in comparison to your husband's wealth. "Well, his money is 30x of billions, it's really crazy, if you just give the number and add it up, you have endless zeros, he is literally a Golden Zillionaire." Halos luluwa ang mata ng isa, habang binibida ang yaman ni Dustin. "Psst..shut up, Princess Rihanna's husband might hear you, he doesn't want to announce who he is,” bulong ng isang kasamahan nilang babae. Ngumiti lang si Celine dahil sa naging takbo ng pag-uusap ng mga kasamahan niya sa mesa. Pakiramdam niya bumalik ang eagerness niya sa sarili, na muling mabawi si Dustin kay Rihanna. Natikman na niya ang karangyaan ng sobra-sobra noong siya pa si Trina sa buhay ni Dustin, ngunit sinira ni Rihanna ng bumalik ito. Naku
“Dustin, anong nangyari kay Rihanna?” nag-aalala na tanong Donya Alice ng makita si Dustin na nagmamadaling umakyat ng hagdan habang karga si Rihanna. Nakita kasi nito na maraming talsik ng dugo ang damit ni Rihanna kaya akala nito may masamang nangyari na sa anak niya. Pumunta lang ang mga ito sa anniversary gala, at ngayon umuwi ang anak niya na ganito na ang itsura. Binalingan ni Dustin si Donya Alice. "Huwag po kayong mag-alala mom, walang nangyaring masama kay Rihanna, saka na ho kami magpaliwanag, dalhin ko na lang muna siya sa silid namin upang makapagpahinga.” saad ni Dustin, saka idinagdag. “Si Rhayan po?” “Ah, kanina pa natulog, katabi ng lolo niya, alam mo naman ang anak mong yan, masyadong spoiled sa lolo niya,” sagot ni Donya Alice. “Ganun po ba, sige ho dalhin ko na muna si Rihanna sa 'taas.” paalam ni Dustin. Pagpasok sa kanilang silid, pinaupo muna niya ang asawa sa couch at pinainom ng maligamgam na tubig. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” Hinawakan niya ang kamay n
Samantalang sa loob ng barko, matalim na nakatingin si Soleil kay Blood Claw at sa kasama nitong Dragon Knights. Napag-alaman niya mula kay Scarlet Blade na si Blood Claw ay tauhan ni Hollow Flash—isa sa leader ng kanilang Master sa Black Dragon. Kaya galit na galit si Scarlet Blade kanina dahil natuklasan niyang si Blood Claw pala ang traidor sa kanilang grupo kaya laging nanganganib ang buhay at pamilya ng master nila. Kung tutuusin, kaya nilang patumbahin ang mga ito kanina, sa katunayan, halos kaunti na lang sa mga ito ang natira dahil naubos na nilang patumbahin ang iba. Ngunit hindi nila inaasahan na gagamitan sila ng Taser Gun ng mga ito—Isang Electromagnetic Device na kapag kinuryente ang iyong katawan, agad kang makaramdam ng pamamanhid at pansamatalang pagkaparalisa ng iyong mga kalamnan, puso at utak, kung hindi mo ito makayanan. “Tangina, bakit boss ang tawag mo sa kanya? Magdududa iyon, alam mo naman na master ang tawag ng lahat sa kanya,” naiinis na tanong ni Blood Claw
"Lady S, anong nangyari? Nagreport sa akin ang blue Python, hindi raw natuloy ang pag tawid ng M/V Christina na pinasundo ko! 'Wag mong subukan ang pasensya ko, dahil alam mo kung paano ako magalit!" Galit na bungad nito ng sagutin ni Shane ang telepono."Python Queen, humihingi ako ng pasensya dahil sa kapalpakan ng mga tauhan ko, ngunit hindi lang din naman ikaw ang na-perwisyo, malaki rin ang nawala sa Dragon Knights. Halos na ubos na silang lahat ng mga tauhan ni Dust…""Bullshit!" Mura nito sa kanya dahilan upang tumigil siya sa pagsasalita. "Ang sabihin mo, dahil palpak ka kapag nagplano!" Singhal nito sa kanya."Python Queen, hayaan nyo po, gagawin ko ang lahat upang mabawi ang microchip mula sa kamay ni Dustin," saad niya."Tanga ka ba!? Noong kay Celine pa ang microchip, hindi mo nga ginagampanan ang trabaho mo, ngayon sasabihin mo, babawiin mo kay Dustin!? Nagpapatawa ka ba? Pinahiya mo ako kay Nahkimurah, alam mo bang bukas na dapat ang negosasyon?" Galit nitong sagot."Big
Dahil sa ginawa ni Rihanna na pag subsob ng mukha ni Gwen sa plato ng adobong pusit, galit na galit itong gumamit ng kanyang martial arts technique. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Rihanna at malakas na sinipa ang tiyan niya, dahilan upang tumilapon ito sa sahig. Mabuti na lang at mabilis na tumalon si Dustin mula sa kinauupuan niya at sinuportahan ng katawan niya ang katawan ni Rihanna, kaya hindi ito masyadong napuruhan. Dalawa sila, ang napa-semplang sa ilalim ng kabilang mesa."Luv, okay ka lang? May masakit ba sa'yo? Puno ng pag-aalala ang boses ni Dustin. Nakita niyang hawak ni Rihanna ang tiyan niya, kaya lalo siyang nag-alala. Galit niyang binalingan si Gwen, akmang tadyakan muli nito si Rihanna ng agad niyang hinarangan at hinawakan ang paa nito dahilan upang ito naman ang natumba sa sahig.Dahil sanay lumaban si Gwen, alam ni Dustin na mas lalong lumakas ang babae ngayon dahil sa bilis at liksi ng mga kilos nito. Mabilis itong tumayo ay naghanda ng sunod na pag-atake n
Kasalukuyang nag-uusap si Teh Sheng at Shane sa Veranda ng mansyon nito ng biglang nag-ring ang telepono. Inubos munang inumin ni Shane ang Chinese tea at inilapag iyon sa maliit na mesa, bago tumayo at sinagot ang tawag. “Hello Lady S, makinig kang mabuti,” bungad agad nito ng sagutin niya ang tawag. Nagtataka siya kung ano na naman ang plano nitong gawin, bakit naisipan nitong tawagan siya. “Bakit, Python Queen?” tipid niyang tanong. “Nagbago ang isip ko. Gusto kong patunayan mo sa akin ang sinabi mo noong isang araw na makakaya mong kunin ang chip mula sa kamay ni Dustin. Ngayon mo na patunayan sa akin ang kakayahan mo upang maging ganap ka ng miyembro ng Blue Python. Alamin mo rin kung kailan ang kasal nila. Nabalitaan ko ang pagpaplano ni Dustin ng engrandeng kasal para kay Rihanna.” “Paano mo nalaman ang pagpaplano niya ng kasal?” tanong ni Shane. “Lady S, marami akong mga mata sa paligid, at kahit wales ito, marami akong source rito. Nalaman ko na lihim na naghahanap si Dus
Sinigurado muna ni Shane na walang nakakakita sa kanya habang paakyat ng palasyo, ayaw niya na maraming nakakakita sa kanya at baka, may nakakakilala pa at maudlot ang pinaplano niya. Nagpaturo pa siya sa isang maid, upang ihatid siya sa loob ng silid ni Rihanna at Dustin. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at sumilip sa loob. Gusto niyang magdiwang ng makita na nag-iisa lang si Rihanna habang nakahiga sa kama. Nagtataka siya, bakit wala si Dustin ngayon sa loob ng palasyo. Ngunit pabor sa kanya ito, ibig sabihin, nakiki-ayon sa kanya ang pagkakataon. Nakita niyang nakabukas ang TV ngunit mahimbing nang natutulog si Rihanna. Hinay-hinay siyang naglakad palapit sa kama nito. Sumilay ang demonyong ngiti sa labi niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ni Rihanna. Medyo halata na ang umbok ng tiyan nito, dahil sa manipis nitong suot na silk night dress at naabot lamang hanggang sa mapuputi nitong mga binti. Kahit natutulog, wala pa ring kapantay ang kagandahan nito, na animo
Nagmamadaling tinungo ni Dustin ang loob ng hospital kung saan naka-confine ang asawa niya. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang hinahanap kung saang private room dinala ito. "Daddy!" Napalingon siya sa left side ng hallway ng marinig ang boses ni Rhayan na tumawag sa kanya. Tumalon ito mula sa kandungan ng kanyang lolo at patakbong sinalubong siya. Naluluhang kinarga niya ito at madamdaming hinalikan sa noo. "Daddy, si mommy gustong patayin ng salbaheng babae, then he tried to kill me, pero naalala ko ang tinuro mo sa akin noon, kinagat ko ang kamay niya tapos lumuwag ang hawak niya sa surgical knife, and I used it to stab her in the eye." Parang nabawasan ang bigat na pinapasan niya habang pinapakinggan ang sumbong ng kanyang anak. Ginulo niya ang buhok nito at nginitian, pilit tinatakpan ang bigat na nararamdaman niya. "Good boy my prince. You are brave, son. I'm proud of you," nakangiti niyang saad at hinalikan muli ang anak sa noo nito. Ibinaba niya si Rhayan at muli ito