âSunshine,â Binalingan ni Rheniel ang mga audience na nakaawang ang mga labi habang naghihintay ng wedding vows niya. âWag nyo na palang itanong kung bakit sunshine ang tawag ko sa kanya.â Napangiti naman ang lahat dahil sa sinabi niya. Muling itinuon niya ang mga mata kay Brenda. âHindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bigla na lang akong na takot sa klase ng tingin ng asawa ko. Hindi pa tapos ang kasal ngunit pakiramdam ko maging outside the kulambo na naman ako nito.â Umugong naman ang tawanan ng mga witness dahil sa sinabi niya. Pinandilatan siya ni Brenda ng mga mata. Ramdam niyang parang gusto siya nitong batukan. âAhmm.. If there's one thing I'm grateful for, it's the day my car got stuck on the side of the road. That day, you captured my heart in a way I hadn't imagined. But my heart was determined to get back what was mine. Sobrang saya ko noong minahal mo ako. Kung mapapansin mo, puro crystal ang palibot ng venue. Dahil ganyan kita kamahal. Ang katulad mo ay isang babasag
âPaano naman ako Rheniel? Kung hindi ko pa napanood ang kasal ninyong dalawa sa mga billboard sa daan, hindi ko pa malalaman na ikakasal ka na. Kaya pala ipinatapon mo ako sa ibang bansa iyon pala dahil may Brenda ka na!â âNelsa, ibaba mo ang baril mo!â sigaw ni Rheniel. Bakas naman ng pagkasindak ang mga mata ng lahat dahil sa biglang pag sulpot ng babaeng ito mula sa kung saan. âDamn, son, bakit nakalusot ang babaeng ito?â Umigting ang panga ni Dustin na binulongan ang tainga ni Rhayan, Nakamot ni Rhayan ang ulo. Hinawakan niya ang suot na earpiece. âLendon, patahimikin mo nga ang babaeng yan!â Bakas ng pagka-inis ang boses ni Rhayan. âSi Luke na ang bahala boss.â Sagot nito dahilan upang tingnan niya si Luke. Habang naglalakad si Nelsa sa gitna ng aisle hindi niya alam na biglang hinarangan ni Luke ng kanyang paa ang daanan nito. âPapatayin ko ang babaeng yan, Rheniel! HahaâAaahhh!â Naudlot ang pagtawa ni Nelsa ng biglang may pumatid sa kanyang paa dahilan upang madapa siya s
BOOK 5: TITLE: CHASING MY ZILLIONAIRE WIFE (SEIDON & DHARYLLE) CHAPTER 1 "Seidon, napadalaw ka." Napalingon si Seidon matapos marinig ang boses ni Dustin. "D-Dad," utal-utal niyang wika. Natatakot siya na baka ano na naman ang sasabihin nito kapag maisip nitong hindi niya kayang protektahan ang kanyang asawa. Daddy na ang tawag niya rito dahil yun ang gusto nito, ngayong kasal na siya kay Dharylle. âMay problema na naman ba kayong dalawa?â tanong ni Dustin habang humihigop ng kape. âAhmm, konting hindi pag-uunawaan lang po, Dad. Nandito ako para sunduin sana si Dharylle.â Marahan na tumango si Dustin habang nakatingin sa susi na hawak ni Seidon. âGood Luck. Isang Lightning Dharylle ang pinakasalan mo. May baon ka ba?â âPo?â Nagtataka si Seidon. HIndi niya na- gets ang ibig sabihin ng biyenan niya. âAng sabi ko may baon ka ba? Tulad ng panakip sa tainga mo kapag nagsimula ng kumulog. Tapos dapat may dala ka rin na shield sakaling kumidlat para may panangga kapag tinamaan ka.â
"Wow, you're the most stunning lady tonight, Scarlet." Maging ang mga mata ni Scarlet ay nakangiti nang marinig ang papuri sa kanya ng mga bisita pagpasok niya sa loob ng venue. Para siyang nakalipad sa ulap dahil lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya na may puno ng paghanga. Para siyang dyosa sa paningin ng mga ito."Ang ganda naman ni Scarlet ngayong gabi.""Oo, nga. Ang nightgown na suot niya tingnan mo, sobrang ganda. Bagay na bagay talaga sa kanya.""Halata naman na mamahalin ang suot niyang gown. Nag-iisa ba namang tagapagmana ng pamilya Shimmer kaya hindi nakapagtataka kung siya ang center of attraction ngayong gabi. Bagay na bagay talaga sila ni Seidon, ang CEO ng Albrecht."Tila walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Scarlet dahil sa mga papuri na narinig niya mula sa bisita simula pa lang pagpasok niya sa pintuan ng venue. Sinadya naman talaga niyang magpaganda ngayong gabi dahil alam niyang nandito rin si Seidon. Kilala na siya ng buong pamilya nito bilang fiance
Mabilis na kinuha ni Seidon ang leather Jacket at pinasuot iyon sa basang katawan ng asawa. Halata ang baby bump nito dahil kumapit na ang basang damit nito sa hourglass nitong katawan. âWhat happened?â tanong ni Nudge nang makalapit na sa kanila habang nakatingin sa nanginginig na katawan ng kapatid. âKuya, tinulak ako ni Dharylle.â Nanginginig sa iyak si Trishia na yumakap sa Kuya niya. âWhat?â Halata ang galit sa boses ni Nudge dahil sa narinig. Tinapunan muna niya ng matalim na tingin si Dharylle bago kinuha ang blacksuit na suot at tinakip iyon sa basang katawan ng kapatid. Gustong magulat ni Dharylle nang marinig ang sinabi ni Trishia ngunit hindi na lang niya pinahahalata. Kailangan niyang ihanda ang sarili. Mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit nahulog sa pool si Trishia. Pinlano ng mga ito ang lahat. Mabilis na nakarating ito kay Donya Victoria na kasalukuyang kasama ang celebrant na si Sonia. Agad ang mga ito na pumunta sa poolside upang alamin ang nangyari. Dahil
âSonia, alam kong malaki ang naging parte ng anak ko sa kahihiyan na inabot ng pamilya Albrecht ngayong gabi. Ngunit ako na mismo ang humihingi ng paumanhin saâyo. Hayaan mo, kausapin ko ang anak ko.â Binalingan ni Sonia si Victoria nang may pagkadismaya. âHah! Huwag na Victoria! Kung talagang may pakialam ang anak mo sa pamilya natin hindi na sana niya ipinagtanggol ang babaeng âyun!â Naninikip pa rin ang dibdib ni Sonia habang nakasandal sa couch. Maagang natapos ang kanyang kaarawan dahil sa isang iglap lamang na kahihiyan na dulot ng asawa ng kanyang pamangkin. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na makakaya siyang pahiyain ng isang hamak na ordinaryong neurosurgeon lamang. âMakikita ng babaeng iyon. Kung kailangan tanggalan ko siya ng lisensya sa pagiging neurosurgeon niya gagawin ko. Sisiguraduhin kong walang ospital na tatanggap sa kanya.â Puno ng guilt ang nararamdaman ni Victoria dahil sa ginawa ng anak niya. Mas lalo lamang nadagdagan ang galit niya kay Dharyl
âMommy, ano na ngayon ang gagawin natin? Gagawin ba natin ang public apology na sinasabi ni Kuya?â Nag-alala si Trishia baka madagdagan na naman ang kahihiyan na inabot niya.âNo. Hindi natin gagawin âyan. Alam mo naman ang Kuya mo, hindi ba? Noon pa man hindi ka na niya kayang tiisin. Hayaan mo siya. Ilang araw lang, uuwi din âyan. May pinaplano na ako para sa surgeon na âyan.â buo ang loob na wika ni Sonia. Desido siyang pahirapan si Dharylle.âKung ano man ang plano mo, asahan mong nasa likuran mo lang ako naka suporta. Hindi lang ikaw ang may galit sa babaeng yun. Kahit ako, gusto ko rin mawala siya sa landas ko. Hanggat nandyan ang babaeng âyan, hindi ko magawang mapasunod si Seidon.â namumula din ang tainga ni Victoria habang nagsasalita.Nakapamewang na kinuha ni Sonia ang telepono at mayroong tinawagan. âHello, may gusto akong ipatrabaho sayo. "Anong trabaho madam. Tamang-tama kailangan ko pa naman ng pera ngayon. " Napangiti ang Donya sa narinig mula sa kabilang linya. "Mak
âDad, ano ang plano mo ngayon? Kailangan natin tulungan si Dharylle.â Binaling ni Rhayan ang tingin sa ama habang nanonood ito sa video na ipinakita sa kanila ni Ciela. Nakarating sa kanila ang balita tungkol sa nangyari kay Dharylle sa kaarawan ni Sonia Albrecht kaya naisipan nilang tanungin si Ciela. Ngunit hindi nila inaasahan na makita ang mga kaganapan sa ospital kung saan naka confine ang mga pasyente ni Dharylle.Matagal munang nahulog sa malalim na pag-iisip si Dustin. âWala muna tayong gagawin sa ngayon. Hayaan muna natin si Seidon kung paano niya ipagtanggol ang asawa niya. Ngayon niya patunayan sa akin kung karapat-dapat siya para sa aking anak.âWalang nagawa si Rhayan kundi ang pakawalan ang malalim na buntong hininga. Naintindihan niya ang point ng Daddy niya. Hanggat kaya pa ni Seidon, ayaw muna nitong makialam sila. Hanggang sa narinig niya ang sinabi nito.âCiela, make sure na bigyan ng kopya ang anak ko tungkol sa video.ââSinong anak master? Andami po nila.âMunti