Fernan, daanan muna natin ang kaibigan ko sa mall. Sinabi niyang sa Laxamall na kami magkita." Anya ni Hailey. Binalingan siya ni Fernan."Hailey, baka magtatagal na naman kayo ng mga kaibigan mo, marami pa akong dapat tapusin sa opisina." Kontra agad ni Fernan. Hininto niya ang kotse sa harapan ng Laxamall."Samahan mo na lang ako Fernan, sandali lang ito. Minsan ka nga lang sumama sa akin eh. Ipapakilala kita sa asawa ng kaibigan ko. Sobrang yaman no'n, pwede tayong makipag joint venture sa kanila sa mga malalaking projects."Nagbuga ng hangin si Fernan. Sinubukan na lang niyang sang-ayunan ang pakiusap ng asawa. Diretso silang pumasok sa mall, matapos niyang e-park ang kotse."Teka Fernan, mga bagong bodyguard mo ba iyang mga nakasunod sa atin? Bakit ngayon ko lang sila nakita?" Tanong ni Hailey ng mapansin ang mga Men In Black na nasa likuran nila. Lumingon rin si Fernan upang tingnan ang direksyon kung saan nakatingin si Hailey."Oo, mga bodyguard sila na binigay ni Dwayne. Para
Ma’am, paalala lang po na kapag na punch ko na ang items, hindi na po ito pwedeng ibalik maliban na lang kung mag change items kayo, size and colors, depende sa presyo. Considered sold na po kasi kapag na punch. hinfi kami nagvo-void ng items since klaro naman kung anong shop ang pinasukan ninyo." saad ng cashier habang hawak ang items.“No worries, ituloy mo ang pag scan, babayaran ko lahat ng mga iyan.” nakangiting wika ni Yolly, kahit pa na sa loob-loob niya, nagdududa siya kung kasya ang laman ng card niya. Marami siyang pinamili this past few weeks at paubos na ang credit limit ng card niya.“Ma’am, Do you have other cards po? Hindi po kasi kasya ang laman ng cards ninyo sa total amount na dapat bayaran. Your total bill is Fifteen Million Two hundred Thirty Five Thousand pesos, but your card balance is only one million pesos.” paliwanag ng cashier.“What?” gulat na binalingan ni Yolly si Hailey. “Mayroon ka bang pambayad diyan? Total naman sayo ang may pinakamaraming damit dito.”
“Fernan, bakit mo ako dito binaba sa harapan ng mansyon?” reklamo ni Hailey sa asawa ng huminto ang sasakyan sa harapan ng mansyon nila. “Magtatanong ka pa? Alam mo na ang sagot ko riyan. Bumaba ka na at marami pa akong gagawin sa opisina.” Nagtitimpi sa galit ang Don. “Fernan ano ba ang ikinagalit mo, ang lapit lang naman ng salon na pinupuntahan ko ah. Di ba bago tayo umalis ng mansyon alam mo na may schedule ako sa salon ngayon? Ipapaayos ko itong bu—” “Baba!” Huminto si Hailey sa pagsasalita ng bigla siyang sinigawan ni Fernan. Parang iiyak ito na tumingin sa asawa. “Fernan, sinisigawan mo na ako ngayon? Dahil ba kay Dwayne? Ano ang pinakain sayo ng lalaki na iyon, bakit nag-iba na rin ang trato mo sa akin? O, baka naman may ibang babae ka na!” umiiyak nitong tanong. Nagbuga ng hangin si Fernan bago bumaba ng kotse, at umikot sa kabilang pintuan kung saan si Hailey nakaupo. “Bumaba ka na kung ayaw mong sa harapan kita ng kulungan ibababa! Baka nakalimutan mo kung magkano
“Hmmmm..” Bahagyang nabaling ang ulo ni Hera ng maramdaman ang paggalaw ng kama dahil sa paghiga ni Rhayan. Dahan-Dahan na inangat ni Rhayan ang ulo ng asawa at pinahiga ito sa braso niya. Napangiti siya ng yumakap ito sa kanya at isiniksik ang mukha nito sa kili-kili niya. “Goodnight triplets,” Hinaplos niya ang tiyan nito at pinakiramdaman ang mga anak. “Goodnight Love,” siniil niya ng mainit na halik ang asawa bago na rin ipinikit ang kanyang mga mata. “Dreams, Love, Family—” “Rhayan, Love?” ginising ni Hera ang asawa ng marinig ang mahinang ungol nito na waring may kinakausap ngunit hindi niya matanto kung ano. Muli niya itong ginising. “Dreams–” “Love,”muling tawag niya dahilan upang magising ito at nagulat ng makita siya. “Love, nanaginip ka ba? Sandali kuhanan kita ng tubig.” Akmang babangon na siya ng hinatak siya nito pabalik at niyakap. “No, its okay, Love. Maganda ang panaginip ko.” wika ni Rhayan habang mahigpit na nakayakap sa asawa. Sumandal siya sa balikat nito
Hindi nagtagal, hininto ni Rhayan ang sasakyan sa labas ng isang pribadong tunnel. Nagtaka si Dustin dahil wala naman siyang nakitang high rise building. Binalingan ni Rhayan ang ama ng makitang hindi pa rin ito lumalabas ng kotse. "Dad, we're here." Tawag niya sa ama na prente pa rin nakaupo sa tabi ng driver seat."Here?" Senyas ng kamay nito na tinuturo ang tunnel."Yes, Dad." Pigil ang ngiti na wika niya.Alanganing bumaba ng kotse si Dustin habang nakatingin sa paligid. Hinahanap niya kung saang building ang mayroong isandaang palapag. Binalingan niya ang anak at nakita niyang pumasok ito sa loob ng malaking tunnel na may sampung talampakan ang taas. Madilim ang loob niyon. Nagtataka man ay sumunod na lang siya sa anak. Naisip niyang baka isa lamang itong frontline ng sinasabi nitong SKYLAN."Okay naman pala sa loob." Saad niya ng makapasok na siya. Clouds ang painting ng paligid ng tunnel. Hindi ito katulad sa tunnel na madalas niyang nakikita na daanan ng tubig dahil tiles ang
"Dad, kailangan muna natin unmute si AI Ciela. Siya lang ang makapag paliwanag sa atin ng tungkol dyan sa video." "Damn," Nilingon ni Dustine si Ciela na kasalukuyang umiikot sa loob ng Cylinder. Gusto naman matawa ni Rhyan ng makita ang ama na matalim ang titig kay Ciela, tila ba gustong suntukin ito. Si Ciela naman parang nang-aasar pa dahil sumasayaw pa ang body hologram nito sa loob ng Cylinder. Hindi na niya hinintay pa na magreklamo ang kanyang ama. Kailangan niya ang paliwanag ni Ciela. Akmang pipindutin na niya ang unmute ng kanyang remote control ng biglang nagsalita ang ama. “Anak, mayroon bang language si Ciela na walang ness?” Nakahawak si Dustin sa baba niya, habang patuloy sa pag-obserba sa ginagawa ni Ciela. Sandaling nag-isip si Rhayan. “Hmmm, parang meron Dad, pero hindi ko sure kung anong language. Marami ka bang alam na language Dad?” tanong niya sa ama. “Mga 10 languages lang ang alam ko. Siguro naman sa sampung language na alam ko, may isa doon na walang ness.
"Ciela replay mo from the start." Utos ni Rhayan. Muling binalik din ni Ciela mula sa simula ang pag play ng video. Nakita nila na nagpark ang itim na SUV. Hindi maaninag ang plate number nito dahil hindi mahagip ng CCTV footage. Makikitang lumabas mula sa SUV ang lalaki. Naka-all black ito maging ang suot na sombrero. Pumasok ito sa loob ng coffee shop na sa gilid lang din ng airport. Ilang sandali pa, makikitang lumabas ito ng coffee shop ngunit hawak na ng maraming gang men. Dahil nanlaban ang lalaki sandaling nabitawan ito ng limang humahawak sa kanya at natanggal ang sombrero nito. Agad na bumalandra ang kamukha niya ngunit ito ang sinasabi ni Ciela na katawan ng kaibigan niya ang nag-gumaya ng mukha niya. Matagal pa muna itong nakipaglaban ng suntukan at karate sa mga gang men ngunit sa huli hindi na rin nito kinaya ng muling ginapos ng mga ito ang kamay sa likuran.Makikitang may tinatanong ang mga ito sa lalaking kamukha niya. Malamang iba ang sinagot ng lalaki dahil nagalit
"Love, anong nangyari ba't ang tagal ninyong nakauwi? Kung hindi pa ako tumawag kay Lendon, hindi ko pa nalaman na doon pa kayo sa Skylan." tanong ni Hera sa asawa habang hinahanda ang mga damit pantulog na isusuot nito. "Tumawag ka kay Lendon?" May halong selos ang tono ng boses ni Rhayan."Hindi kasi kita makontak. Busy ang line ng phone mo." Sagot niya sabay bigay ng tuwalya nito. Hinapit siya ni Rhayan sa baywang at inilapit ang mukha sa kanya. "Love, don't do that again. Gusto kong ako lang ang laman ng inbox at call history mo. Okay?" Siniil siya nito ng mainit na halik sa labi. Halik na puno ng pagkasabik."Hmmmp, mukhang naamoy ko ang selos sa mga halik mo." Mas lalo niyang inasar ito.Kinuha nito ang tuwalya sa kanya at binuhat siya papasok sa banyo."Love, teka..anong balak mo?""Sabayan mo akong maligo." Nang-aakit ang boses nito, ramdam ang pagnanasa na angkinin siya."What? Katatapos ko lang maligo." Tarantang sagot niya."Walang problema. Hindi tayo nagtitipid sa tubig