MEDYO MAIKSI ITO NGAYON. BAWI AKO BUKAS. MARAMING SALAMAT
Hindi nagtagal, hininto ni Rhayan ang sasakyan sa labas ng isang pribadong tunnel. Nagtaka si Dustin dahil wala naman siyang nakitang high rise building. Binalingan ni Rhayan ang ama ng makitang hindi pa rin ito lumalabas ng kotse. "Dad, we're here." Tawag niya sa ama na prente pa rin nakaupo sa tabi ng driver seat."Here?" Senyas ng kamay nito na tinuturo ang tunnel."Yes, Dad." Pigil ang ngiti na wika niya.Alanganing bumaba ng kotse si Dustin habang nakatingin sa paligid. Hinahanap niya kung saang building ang mayroong isandaang palapag. Binalingan niya ang anak at nakita niyang pumasok ito sa loob ng malaking tunnel na may sampung talampakan ang taas. Madilim ang loob niyon. Nagtataka man ay sumunod na lang siya sa anak. Naisip niyang baka isa lamang itong frontline ng sinasabi nitong SKYLAN."Okay naman pala sa loob." Saad niya ng makapasok na siya. Clouds ang painting ng paligid ng tunnel. Hindi ito katulad sa tunnel na madalas niyang nakikita na daanan ng tubig dahil tiles ang
"Dad, kailangan muna natin unmute si AI Ciela. Siya lang ang makapag paliwanag sa atin ng tungkol dyan sa video." "Damn," Nilingon ni Dustine si Ciela na kasalukuyang umiikot sa loob ng Cylinder. Gusto naman matawa ni Rhyan ng makita ang ama na matalim ang titig kay Ciela, tila ba gustong suntukin ito. Si Ciela naman parang nang-aasar pa dahil sumasayaw pa ang body hologram nito sa loob ng Cylinder. Hindi na niya hinintay pa na magreklamo ang kanyang ama. Kailangan niya ang paliwanag ni Ciela. Akmang pipindutin na niya ang unmute ng kanyang remote control ng biglang nagsalita ang ama. “Anak, mayroon bang language si Ciela na walang ness?” Nakahawak si Dustin sa baba niya, habang patuloy sa pag-obserba sa ginagawa ni Ciela. Sandaling nag-isip si Rhayan. “Hmmm, parang meron Dad, pero hindi ko sure kung anong language. Marami ka bang alam na language Dad?” tanong niya sa ama. “Mga 10 languages lang ang alam ko. Siguro naman sa sampung language na alam ko, may isa doon na walang ness.
"Ciela replay mo from the start." Utos ni Rhayan. Muling binalik din ni Ciela mula sa simula ang pag play ng video. Nakita nila na nagpark ang itim na SUV. Hindi maaninag ang plate number nito dahil hindi mahagip ng CCTV footage. Makikitang lumabas mula sa SUV ang lalaki. Naka-all black ito maging ang suot na sombrero. Pumasok ito sa loob ng coffee shop na sa gilid lang din ng airport. Ilang sandali pa, makikitang lumabas ito ng coffee shop ngunit hawak na ng maraming gang men. Dahil nanlaban ang lalaki sandaling nabitawan ito ng limang humahawak sa kanya at natanggal ang sombrero nito. Agad na bumalandra ang kamukha niya ngunit ito ang sinasabi ni Ciela na katawan ng kaibigan niya ang nag-gumaya ng mukha niya. Matagal pa muna itong nakipaglaban ng suntukan at karate sa mga gang men ngunit sa huli hindi na rin nito kinaya ng muling ginapos ng mga ito ang kamay sa likuran.Makikitang may tinatanong ang mga ito sa lalaking kamukha niya. Malamang iba ang sinagot ng lalaki dahil nagalit
"Love, anong nangyari ba't ang tagal ninyong nakauwi? Kung hindi pa ako tumawag kay Lendon, hindi ko pa nalaman na doon pa kayo sa Skylan." tanong ni Hera sa asawa habang hinahanda ang mga damit pantulog na isusuot nito. "Tumawag ka kay Lendon?" May halong selos ang tono ng boses ni Rhayan."Hindi kasi kita makontak. Busy ang line ng phone mo." Sagot niya sabay bigay ng tuwalya nito. Hinapit siya ni Rhayan sa baywang at inilapit ang mukha sa kanya. "Love, don't do that again. Gusto kong ako lang ang laman ng inbox at call history mo. Okay?" Siniil siya nito ng mainit na halik sa labi. Halik na puno ng pagkasabik."Hmmmp, mukhang naamoy ko ang selos sa mga halik mo." Mas lalo niyang inasar ito.Kinuha nito ang tuwalya sa kanya at binuhat siya papasok sa banyo."Love, teka..anong balak mo?""Sabayan mo akong maligo." Nang-aakit ang boses nito, ramdam ang pagnanasa na angkinin siya."What? Katatapos ko lang maligo." Tarantang sagot niya."Walang problema. Hindi tayo nagtitipid sa tubig
Kumalas ng yakap si Hera kay Rhayan ng lumuwag na ang pakiramdam niya. Nahihiyang nagpahid siya ng luha ng mapansin na marami na sila sa loob ng silid.“Ahh, Mom, Dad, nandito pala kayo. Sorry, naudlot yata ang tulog ninyo dahil sa akin.”“Walang problema anak. Kahit ako sa kalagayan mo, sisigaw din ako. Sino ba ang nagpadala ng pictures?” wika ni Rihanna.Umupo ng maayos si Hera sa kama habang nakahawak pa rin si Rhayan sa mga kamay niya. “Hindi ko kilala ang number, Mom. Bast pagbukas ko ng cellphone ko, yan kaagad ang bumungad sa akin.” Napahawak si Hera sa dibdib niya ng maalala na naman ang dilat na mga mata ni Jimmy habang nakatingin sa kanya ngunit pugot na ang ulo nito.Nagkatinginan lang si Dustin at Rhayan ngunit alam na nila ang dapat gawin. “Love, kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-alalang tanong ni Rhayan.“Okay na ako, Love. Medyo kumalma na ang dibdib ko. Nagulat kasi ako kanina kaya napasigaw ako.” sagot ni Hera.“Anak, subukan natin itanong kay Ciela, baka sakaling ma
Mabilis na kinuha ni Rhayan ang charger ng laptop at sinaksak iyon. Muling lumitaw si Ciela at binati sila. Kung pwede lang ni Dustin e-skip ang laging sinasabi nito sa intro ay ginawa na niya upang hindi na maantala ang panonood nila.“Oh, ano pa ang hinihintay mo?” tanong ni Dustin kay Ciela ng makitang tulala pa rin ito habang nakatingin sa kanila.“Naghihintay nes ng nes mga nes tanong nes nyo nes.” sagot ni Ciela kay Dustin.“Damn, Ipakita mo na ulit sa amin kung ano nangyari kay Jimmy after nilang lumabas ng hotel.” naiiritang sagot ni Dustin.“Sure nes master nes Dustin nes.”Nagngingitngit talaga ang mga ngipin ni Dustin kapag naririnig na tinatawag siya ni Ciela ng Dustines, pakiramdam niya nagmumukha siyang bakla sa pangalan niya. "Easy Dad, hayaan niyo susubukan kong ayusin ang program ni Ciela upang mawala na ang nes niya sa dulo." wika ni Rhayan ng makitang aakyat na naman ang dugo ng ama. Muli silang nagfocus sa panoonood ng video.Makikitang nakasunod si Jimmy sa liku
“Master,” sabay-sabay na yumuko sina Moris, Altair, Nikel at Lendon sa harapan niya bilang tanda ng pagbibigay-galang. Tinungga ni Rhayan ang alak sa loob ng baso at humarap sa kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan at tinuturing na rin na mga espesyal na kaibigan. Isang buwan na ang nakalipas simula ng malaman niya ang tungkol kay Nashmin at Lenard at ang koneksyon ng mga ito sa Nostraelita Gang. Nalaman na rin nila na pekeng ulo ang pinadala sa cellphone ni Hera dahil wala namang dumating na orihinal na pugot ng ulo nito. Muli niyang tinanong kay Ciela kung ano ang nangyari kay Jimmy at napag-alaman nilang dinala ito sa dungeon ng Nostraelita Gang. Palaging stress ang asawa niya simula ng tumawag ang Daddy Fernan nito na pumunta sa opisina nila ang ina ni Jimmy dahil hindi na raw nito makontak ang anak. Kung siya lang ang masusunod ayaw na sana niyang iligtas pa si Jimmy, ngunit galit siya ng malaman na nagpadala ng video ang mga kalaban sa ina ni Jimmy at sinasabi sa video nito na
"Master, nakita ko na ang pamilya ni Raji." Biglang inagaw ni Rhayan ang teleskopyo mula sa kamay ni Lendon at itinuon din ang lens niyon sa kanyang mga mata. Mula sa malaking bato kung saan sila nakatayo nakikita niya sa teleskopyo niyang hawak ang isang mid thirties na babae kasama ang dalawang anak nito sa isang silid na gawa sa bato. Tantiya niyang limang taong gulang ang batang babae samantalang sampung taong gulang naman ang batang lalaki. Parehong nakagapos ang dalawang kamay at paa ng mga ito at may busal ang mga bibig. Pinagmasdan niya ang paligid at pinag-aralan kung saan sila pwedeng dumaan upang iligtas ang pamilya ni Raji. Natunton niya ang teritoryo na ito ni Gandhes, dahil kay Ciela. Nalaman niya rin mula dito na mayroon sandaan na tauhan si Gandhes na nagbabantay sa loob at labas ng mansyon nito sa Isla Fuerte kaya naman nagdala siya ng isa at kalahating daang libong tauhan upang mapagtagumpayan na makuha ang pamilya ng kanyang kaibigan. Binalik niya ang Teleskopyo