âHello, Kuya.â Bungad ni Rheniel ng sagutin na niya ang tawag ni Rhayan.âAnong balita?â tanong ng isang baritono na boses mula sa kabilang linya.âWala ng problema Kuya. Pinauwi ko na muna si Don Fernan upang makapag pahinga.ââAnong nangyari doon sa kapatid niya?â tanong nito.âAyun, pinakain ko sa aso ang daliri niya.ââWhat?â gulat na reaksyon nito.âKuya naman. Huwag mong sabihin na hindi kasama yan sa parusa mo. Sinabi ng tauhan mo na pinuputol ang daliri ng sinuman na nagkasala. Kaya iyon ang ginawa ko.â paliwanag niya habang binubuhay ang makina ng kanyang bagong bili na hybrid sports carâ ang Aston Martin Valkyrie. Binili niya ito dahil nalaman niyang mahilig si Brenda sa car racing tulad din niya. Plano niyang isama ito sa South City upang sumali sa competition. Ngunit mukhang malabo na mangyari iyon dahil tiyak sa gagawin niya maari na namang bumaba ang langit sa lupa mamaya. âRheniel, nandyan ka pa ba?âIpinilig niya ang kanyang ulo ng marinig ang boses ng kanyang kuya.
âBrod, let me hold my woman.â Wika niya sa dominanteng boses sabay kuha ng kamay ni Brenda at ilipat sa braso niya. Ngunit agad nitong hinatak iyon at galit na humarap sa kanya.âAnong ginagawa mo rito?â Gusto niyang magalit dahil sa ginawa nito, ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili ng maalala ang sinabi ng Kuya niya. âSinusundo ka.â nakangiti niyang sagot.âMarunong akong umuwi. Hindi na kailangan.â sagot nito at agad siyang tinalikuran.âWell, nandito na ako. Sinundo na kita at wala ka ng magagawa.â agaran niyang sagot habang sinusundan ito dahilan upang lalo itong mamula sa galit na binalingan siya. Hindi niya ito pinatulan ng makipag tagisan ito ng titig sa kanya. Sa halip nilagay niya ang dalawang daliri sa ulo at ginawa itong parang sungay at nginisihan ito. Alam niyang gusto nitong tumawa dahil sa itsura niya ngunit pinipigilan lang nito.âMiss Polido, I thinkâââYou need to go home.â putol ni Rheniel sa gusto sanang sabihin ni Mr. Ronzales. Agad naman nitong naiintindi
âBakit? May kulangot ba ako sa ilong?â Nagtataka na tanong ni Brenda ng mapansin na nakatulala si Rheniel habang nakatitig sa kanyang mukha. Kanina pa niya winawagayway ang kanyang mga kamay sa mukha nito ngunit tila hindi man lang ito kumurap. Nanatiling nakatitig ito sa kanya, na para bang hindi makapaniwala na nasa harap siya nito. Ilang sandali pa, nagulat na lang siya ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. âSmall world, isnât it? Sino ang mag-akalang ang matagal ng hinahanap ni Mommy na bestfriend niya ay ina mo pala.â Puno ng emosyon nitong wika sa kanya. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa narinig. âTeka, sandali,â Kumalas siya ng yakap rito. âAno ang ibig mong sabihin?â âSi Kim Mijares ay sekretarya noon ni Mommy hanggang sa nakilala niya si Daddy. Naging matalik silang magkaibigan at siya ang naging karamay ni Mommy noong mga panahon na nagkakalabuan sila ni Daddy. Bakit ko alam? Dahil bata pa kami, lagi na itong kinu-kuwento ni Mom at Dad sa amin. Lahat sa b
Dalawang oras ang makalipas, nagpasya silang lumabas ng hospital. Dumaan muna sila sa condo upang makapag palit ng damit. Matagal siyang nakatitig sa salamin. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na buntis siya sa anak ni Rheniel. Hinimas-himas niya ang tiyan. Napangiti siya ng maalala ang sinabi nito. Hindi pa man lumalabas ang anak ngunit sigurado na agad itong lalaki, dahil son ang tawag nito.âHuwag kang mag-alala, gwapo yan paglabas. Wala kaming lahi na pangit.â Mula sa reflection ng salamin, nakita niya si Rheniel na nakasandal sa pintuan habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung kanina pa siya nitong pinanonood. Pilyo itong ngumiti at lumapit. Hindi siya nakahuma ng gawaran siya nito ng halik sa labi. âNasa labas na ang Private Jet, ready ka na ba?â nakangiting pinulupot nito ang kamay sa baywang niya. Aminin niyang hindi pa siya sanay sa biglang pagiging sweet nito. Akala niya dati cold hearted ito, ngunit ngayon kabaliktaran iyon dahil sobrang sweet na Rhe
âNasa loob po ng emergency Room. In-ambush kami sa daan pauwi. May mga sugat na tinamo si GrandMaster dahil nagpagulong-gulong ang kanyang kotse at nalaglag sa bangin.â âInang Pvta!â Napamura siya dahil sa narinig. Nagtagis ang mga bagang niya. âKumusta ang lagay niya?â Tanong niya habang malaki ang mga hakbang na pumunta sa parking lot. Nag-alala siya sa kalagayan ng kanyang ama. âHindi naman siya ganun ka-lala Master. Nakalabas siya ng sasakyan bago pa man ito sumabog.â âDamn! Saan kayong hospital? Pupunta ako.â Sinimulan na niyang paandarin ang Kotse. âNasa ENYU Hospital, Master.â Agad na niyang pinatay ang tawag matapos niyang marinig kung saang hospital ang ama. Pinasibad niya ito sa sobrang pag-alala. Hindi na niya sinabi pa sa kanyang ina at baka himatayin na naman ito kapag nalaman ang nangyari. Muli niyang kinuha ang cellphone at nagdial ng numero ni Hera. Ayaw niyang mag-alala ito. âLove, umalis muna ako sandali. Papuntahin mo na lang muna si Vian diyan upang may kasama
âKapag may nangyari kay Dad, hindi ko mapapatawad ang sarili ko, Uncle. Lumaki akong mulat sa katotohanan kung paano niya kami protektahan. Sana ngayon ako naman. Hayaan niyang ako naman ang pumoprotekta sa kanya.ââSon, matanda na ako. Tumanda na ako sa tabi ng Daddy mo. Huwag ka sanang magalit sa kanya kung nagawa niyang ilihim sayo ang plano niya. Nang makita ng Daddy mo ang sitwasyon mo noon habang buhat mo si Hera, sinumpa ng iyong ama na habang buhay siyang nandyan para sa inyo. Na hindi siya dapat makampante kahit subok na niya ang talino at katapangan mo. Dahilan niya, matanda na siya at kayo bata pa. Dapat noon, tinapos na ng ama mo ang serbisyo namin sa kanya matapos niyang matagpuan na buhay ka pa. Ngunit muli niya kaming tinipon at pinag-isa para sa mga huling laban namin. Kaya asahan mo ng nandiyan palagi ang iyong ama sa lahat ng mga laban mo.âMagkasunod siyang tumango. Naintindihan niya ang saloobin nito. Umangat siya ng mukha at sabay silang napatingin sa gawi ng emer
Pagdating ng mansyon, nagulat ang lahat ng makita ang maraming sugat sa mukha at buong katawan ni Dustin. Napaiyak si Rihanna ng makita ang sitwasyon ng asawa niya. Nanginginig ang mga kamay nito habang hinahaplos ang pisngi ni Dustin."Anong nangyari sa 'yo? Naospital ka hindi mo man lang sinabi sa akin?" Nanunumbat na sabi nito. Pati si Rhayan, galit nitong tinapunan ng tingin."Mom, I'm sorry. May sakit kayo sa puso at ayokong may mangyaring masama sa inyo." Hinging paumanhin ni Rhayan. Akmang yayakapin nito ang ina ngunit hindi siya nito hinayaan. Talagang nagtatampo ito sa kanilang mag-ama."Dahil sa may sakit ako sa puso tinanggalan nyo na ako ng karapatan na mag-alala sa inyo. Ano niyo ba ako? Sino ba ako sa pamamahay na ito? Hindi ba isa akong asawa at ina? Ngunit nagawa ninyong maglihim sa akin!" Galit itong tumalikod sa kanilang dalawa at umakyat sa silid nito.Nagkatinginan lang ang mag-ama."Don't worry son, ako na ang bahala magpaliwanag sa mommy mo." Tinapik niya ang ba
Matapos nilang kumain, pinili munang maghiwalay ni Brenda at Rheniel. Si Brenda ay kinausap ni Rihanna, samantalang si Rheniel ay kinausap naman ni Rhayan at Dustin."Anak, masaya ako at nagtagpo ang landas ninyo ng aking anak." Naluluhang wika ni Rihanna habang yakap si Brenda. "H-Hindi ko po alam na magkaibigan kayo ng nanay ko. Meron po ba kayong pictures niya? Simula kasi noong nagka-isip ako, wala ng nanay sa tabi ko. Kahit picture o, puntod niya, wala akong nakikita." Naluluhang saad ni Brenda. Nakaramdam naman ng awa si Rihanna para sa anak ng kaibigan niya. "You mean, hindi mo rin alam kung patay o, buhay na nga ang nanay mo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Rihanna.Magkasunod na umiling si Brenda. "Hindi ko rin alam kung ano ang totoo Tita. Ang sabi sa akin ni Daddy, iniwan daw ako ni Mommy sa kanya bago ito namatay. Nagkaroon ng preeclampsia si Mommy noong pinagbubuntis pa lang daw ako. Hindi daw nito kinaya at mas pinili na ako ang mabuhay kaysa sa kanya." Sunod-sunod ang