Share

42. Sinungaling

[Kiara]

Nagtaas-baba ang dibdib niya sa galit. Tila papatayin niya 'to sa klase ng kanyang tingin.

Pero bigla ay natigilan siya.

Sinong tanga ang aamin sa ginawang kasalanan?

Tumingin siya ng seryoso kay Cyrus. Nakangiti pa rin 'to, na siyang nakapagtataka.

Bakit nakangiti ito? Gano'n ba 'to kasama para ngumiti sa harap ng taong ginawan nito ng masama?

Tumikhim siya at pilit na kinalma ang sarili. Alam niyang mali na pag usapan ang ganitong bagay lalo na at may asawa na siya.

Pero gusto n'yang kumpirmahin ang isang bagay.

"Sa pagkakatanda ko wala naman nangyari sa atin noon." Sobra ang kaba at takot niya sa isasagot nito sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba? We got extremely drank on my birthday at nakalimot tayo." Paliwanag nito sa kanya habang hindi naaalis ang ngiti sa labi.

Tama nga ang hinala niya.

Nagsisinungaling ito. Pero bakit? Naihilamos niya ang nanginginig pang mga kamay sa kanyang mukha.

"Hindi ko alam na magbubunga pala ang nangyari sa atin. I'm sorry, Kiara. I know I was a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status