Share

ROUND 2 BEGINS

PINAGMAMASDANG MABUTI NI Gemma ang kanyang sarili sa malaking salamin ng kanyang dressing room. Ibig niya’y maging isang perpektong ka-date. Nais niyang maipagmalaki siya ng lalaking nag-imbita sa kanyang mag-dinner sa isa ng exclusive restaurant.

Iyon ang unang pakikipag-date niya makaraan ang maraming taon ng pagpapalaki niya kay Owen at pagpaplano kung paano mabibitag ang patriarch ng mga Rossell .

Simpleng make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha. Pinili niya ang light colored lipstick at blush on na bumagay sa kanyang fair colored skin. Dinampot ang bote ng mamahaling pabango na kanyang binili maraming buwan na ang nakakaraan.

Ang korteng stiletto shoes na bote ng pabango ang unang napansin niya noong unang makita niya ito. Kakaiba. Naisip na magandang isama iyon sa koleksyon niya ng iba’t ibang mamahaling pabango na binili niya sa iba’t ibang bansa.

Katulad ng bote ng pabangong kanyang hawak, nais niya'y maging kakaiba rin sa mata ng makaka-date niya. Maging kapansin-pan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status