Share

THEODORE MEETS OWEN

NAPASIBANGOT ANG MUKHA ni Solenne. Hindi niya naibigan ang biglang pagbubukas ng pinto ng kung sinong hindi man lang kumatok sa pintuan.

Galit siyang tumayo upang singhalin ang mapangahas na taong walang pasintabing pumasok sa conference room.

Sumara ang pintuan. Nagkatitigan sila ng lalaking sasabihan sana niya ng “bastos at walang pinag-aralan”.

“Theodore.” Pabulong niyang pagsambit sa pangalan ng dumating.

“Ano’ng mahalagang mga pangyayari ang pinagmimitingan n’yo?” tanong nito na ang tingin ay palipat-lipat kay Solenne at Owen, “at bakit kayo nagmimiting nang hindi ko alam?”

“I’m sorry,” habang papalapit kay Theodore ay hinging paumanhin ni Solenne, “hindi kasi kita mahagilap. Lagi kang busy. Lagi kang wala, kaya nagdesisyon na akong pamahalaan ang security force ng mansion,” paliwanag niya.

Bahagya niyang inilapat ang kanyang mga labi sa pisngi ng asawa bilang pagbati dito.

“At ano naman ang alam mo sa pamamahala ng security force?” Tanong ni Theodore na pinunasan ng panyo
Em Dee C.

Keep reading my dear readers of Loving The CEO's Mistaken Identity. Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status