Share

Chapter 43

Sandra's POV

ISANG malaking pagngisi ang bumakas sa mga labi ni Lucas. Humalukipkip siya at naghintay ng sagot mula sa akin.

"L-Levi, kasi," nauutal kong tugon sa anak ko.

"Huwag kang magsinungaling sa harapan ng bata, Sandy. Sabihin mo sa kanya ang totoo."

Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang sinabi ni Lucas. Mariin kong kinuyom ang aking kamay, saka muling bumalik ng tingin kay Levi.

Hinimas ko ang braso ni Levi at sinuri ang kanyang mukha. Huminga ako nang malalim bago magsimulang magsalita.

"Oo. Siya ang tunay mong ama, Levi. Pero hindi ibig sabihin noon ay kukunin ka na niya sa 'kin." Bumalik ako ng tingin kay Lucas at tinapunan siya ng masamang tingin. "Hindi ako papayag! Magkaubusan man tayo ng pera, Lucas. Hindi ako papayag na kunin mo ang anak ko.

"Kung sa tingin mo ay mapipigilan mo ko, nagkakamali ka," mabilis niyang tugon.

Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagbitiw ni Levi sa aking kamay. Napasinghap ako nang tumakbo siya patungo sa kinaroroonan ni L
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Ayyy sad nman to, na kagulo na sila sandy! Si gab nman mukang may ibang plano ky lucas gamit si sandy
goodnovel comment avatar
Elen Arada
ganda naman ng story .
goodnovel comment avatar
Imelda Caranagan
bweset na Gab ginagamit mo lng nmn si Sandy para makaganti kay lucas
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status