Share

Kabanata 3

Tinahak ko ang daan patungo sa sakayan pa puntang hospital na sinasabi ni papa at ng marating ko ang bunganga ng hospital ay nag alab ang kabang kanina ko pa pinapatahan, nagsusumigaw na, para ng mabubutas ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko. Gustohin kong takbuhin ang loob para malaman ang sagot sa tanong na kanina ko pa hinahanapan ng kasagutan ay hindi ko magawa, ang bigat ng paa ko tila ba ang bawat paghakbang ko ay isang pagkakamali.

Nakahakbang ako ng ilang hakbang ay nakita ko si Papa, mugto ang mata, umiyak nga siya kanina. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at sa paglapit ko sa kanya ay parang naubos ang dugo ko sa katawan, hindi ko pa alam ang totoong nangyari pero para akong binuhusan ng malamig ng a tubig ng makita ko ang dugong nagkalat sa damit ni Papa. Sumagi agad sa isipan ko si Mama at si Troy ng hindi ko sila nakita sa likod ni Papa.

Pa, asan si Troy si Mama at si Coleen? bakit di mo sila kasama" bakit nandito tayo? Ano yang nasa damit mo" sunod sunod ko'ng tanong, pero ng makita ko ang reaksyon ni Papa ay parang napaurong ako sa mga tanong ko, parang ayoko na lang marinig mga sagot, natatakot akong marinig yung possibling...

"No! Pa, please tell me what's going on, let's go home, Coleen, Troy and Mama is waiting for us. We shouldn't be here Pa" I beg him, I almost kneel in front of him. My voice echoed in the whole room, at kung may ibang tao man dito bukod samin ni papa ay paniguradong maiinis na.

"Calli, stand up. Let's go" malumanay niyang tugon sa akin. Oh my god, I don't like the ideas running in my mind but he's still quite. Ramdam ko ang panghihina sa paghatak ni papa sakin, kahit siya wala ding lakas para dito, pilit niya akong inaalalayan kahit na alam ko siya ay kailangan niya din ng alalay at tuluyan na akong nanghina ng makita ko ang daan na tinatahak namin.

Papa" huling salita ko bago ko tuluyan pakawalan ang mga luhang kanina ko pa pilit na itago. Halos kapusin ako sa hininga dahil sa pag iyak. Looking at door and its sinage break my heart into pieces. Bakit na man ganto. This is my fucking softest spot. Hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko napaupo na lang ako sa gilid pero agad akong tumayo ng may nakita akong paparating na Doctor.

The Doctor approach Papa, pinilit kong makinig kahit na nabibingi ako sa sakit na nararamdaman ko. "For now, nasa ICU siya at stable na man na, hintayin na lang natin siya magising, and for Mrs. Cautivar she's conscious now, but I think you can't tell her yet about this" nakita kong tumango lang si Papa sa sinabi ng Doctor. May sinabi pa ang Doctor, then he excused himself.

Saktong pag alis ng Doctor ay hinarap ko si Papa, gusto ko ng malinaw na impormasyon, mababaliw na ako kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari bakit merong nasa ICU, sino nasa ICU, bakit hindi pa pwede sabihin kay Mama at higit sa lahat bakit kami nasa harap ng isang morgue.

Hinawakan ni papa ang magkabilang braso ko, iginaya pa punta sa upuan, umupo kaming dalawa, para bang hinahanda niya ako sa masamang balitang ibabalita niya. Nagkatitigan kaming dalawa and the moment our eyes meet his eyes become falls of tears, seeing him cry almost like an ocean break my heart. He cover my little hand with his then he start talking what happened earlier.

"Susunduin dapat namin kayo, inuna namin kunin si Coleen sa school niya, then we're heading to Troy's school we meet this young guy in the middle of the road. Siguro feeling niya nakikipag karerahan ako sa kanya. But I was not" he stop for a moment siguro ay nagiipon parin siya ng lakas para mag kwento "Promise nak, I w-wasn't. I can't risk your Mama a-and Coleen's life" he stop for a a moment because of his sobs.

"I was just driving the car like usual. Hindi ko alam bakit siya nagalit kahit na man na siya yung nauna" then I see him close his eyes and exhale heavily "Pagkarating namin sa School ni Troy, iniwan namin si Coleen sa loob ng sasakyan, kami lang ng mama mo ang pumasok then all we know nagkagulo na sa labas, tinakbo namin ng Mama mo si Coleen sa labas at hindi namin inasahang ng kotse natin ang binabaril at nong makita kami ng lalaking namamaril pinaulanan niya din kami ng bala. I just his target but-" I stop him immediately, pag katapos kong marinig ang kwento ni papa ay siyang pag guho ng mundo ko.

I didn't say anything but I run inside the morgue. At sa pagbukas ko ng pinto ay malamig na hangin ang yumakap sakin, dahan dahan kong nilakad ang isang higaan na may laman, nag iisa lang siya dun.

Tuluyan ko nang nalapitan ang malamig na bangkay ng kapatid ko, isinantabi ko ang takot ko sa bangkay. This is my sister, for pete's sake. I barely see nothing dahil sa luhang hindi nauubos tumulo galing sa mga mata mata ko, pero pilit kong pinupunsan ito para makita ko ng malinaw ang muka ng kapatid ko. "Baby, wake up. Ate is here na, please Coleen baby, please. Can you wake up na" I don't care anymore I hug her kahit ang lamig lamig na, his pinkish pouty lips becomes bluish black, her sunkissed skin tone turn into white with spot of black with a touch of violet sign of absence of oxygen in her body, I even see a lot of gunshots in her body.

"I'm sorry baby" mga tanging salitang nabigkas ko dahil sa hirap na hirap na din akong huminga kaka iyak. Parang hindi na maubos ubos tong mga luha to. Hinahabol ko na ang paghinga ko ng maramdaman kong nasa likod na si papa, hindi ko alam kung kailan siya pumasok ang alam ko lang dalidali akong pumasok ng mag isa.

Niyakap ako ni Papa at inakay palabas, hindi daw pwedeng mag tagal sa loob ng morgue.

Bumalik ako sa inuupuan ko kanina. I want to know more but the more Papa speak about what happened earlier the more I picture it out the more nasasaktan ako. Yung puso ko hindi ko na maramdaman, na manhid na siya ng tuluyan.

Mga ilang minuto na din kaming nakaupo dun ng biglang nagsalita si Papa. "Tara na, naghihintay na ang Mama mo sayo, Calli" natigil ako bakit ganon, bakit parang nag fe fade out ang boses ni Papa, pa unti unti narin akong nabibingi. Nakikitang bumubuka ang bibig niya pero wala akong marinig, at kung meron man ay yung pangalan ko na lang.

"Calli, Calli" paulit ulit at sa huling tawag niya ng pangalan ko biglang lumiwanag ang paligid.

Sobrang liwanag ni wala na akong maaninag makahit sino. Sinubukan kong ipikit ang mga mata at bagyang kinusot ito ng sinubukan ko itong ibuka ay tanging puting paligid parin ang nakikita ko,ginawa ko ng paulit ulit ang pagkusot ko sa mga mata ko ng may naaninag akong isang pamilyar na muka.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status