Share

Kabanata 5

     Alas siete pa lang ng umaga ay patungo nako sa SSC para asikasuhin ang mga naiwan kong gawain kahapon lalo na yung kay Tristan. Hinding hindi ko papalagpasin ang ginawa niya. Wala siyang karapatan na gawin sakin yun o kahit sino sino man sa estudyante ng SCC. Kahit na siya pa ang team captain ng basketball team namin, wala akong pakialam. He need to be punished.

"Good morning Sir." Bati ko kay Prof Chito, ang Head Chief ng Disciplinary office. Ngumiti lang siya sakin at tumango bilang pagbati ng pabalik, inimwestra niya din ang katabing upuan sa kaliwang bahagi niya para doon ako maupo.

     Akala ko si Freya ang makakasama ko ngayon, pero mali yata ako dahil si Sir Chito ang andito. Usually if there's a situation like this nauuna talaga si Freya, maaga pa yun sa maaga kung siya ang sasalang, but I guess I have the Head Chief for this case.

     "For what I've read, it's almost a harassment. Tama ba ako?" Bunga niya sa agendang paguusapan namin ngayong umaga.

     "Yes po, Sir." I give her the answer she wants without any hesitation. Hinding hindi ako magdadalawang isip na parusahan ang gagong yun.

     Magsasalita pa sana si Sir Chito ng napansin namin na bumukas ang pinto at niluwa nito ang dalawang makikisig at matitipunong lalaki. Kinailangan pa naming tumingala ng kaunti para maaninag ang muka ng dalawa.

     "Kayo pala Coach. Good morning" bati ni Sir Chito kay Coach Leo at kasama niya na si Tristan.

     Katulad kanina ay inimwestra ni Sir Chito ang upuan sa kanang bahagi nito. Umupo ang dalawa at siyang pagsalita ni Tristan kahit na hindi pa naman hinihingi ang panig niya. 

     "Ano ba kasi to, Calli. Wala na man akong ginawang masama sayo ahh, ang oa mo." Sa bilis ng pagsasalita niya'y naghabol pa siya ng hininga pagkatapos niyang sabihin ang mga kasinungalingan niya. Sa harap pa talaga ng dalawang teacher.

     "Calm down Tristan. I'll handle it" si Coach Leo na tila ba kanina pa iritado sa inaasal ni Tristan na napupuno na at anong oras man ngayon ay sasabog na dahil sa inis na kanina pa pinipigilan.

     Tila bang naging basang sisiw si Tristan sa pakikitungo ng coach sa kanya na dahilan pagiwan ng bakas ng takot sa muka niya.

     Lumipas ang mahigit isang oras ay hindi parin kami nagkasundo sa dapat na gawin. Ang kanina kalmadong si Coach Leo ay naiinis na, pinaglalaban ang player niyang gago.

     "Hindi sa kinukunsinti ko si Tristan, but Sir this is important event for him. The sport event probably his way to scholarship to universities." Sambit ni Coach Leo, tila ba yun na lang ang natitira niyang alas para payagan na mag laro si Tristan sa paparating na sports event.

     "Alam na nating lahat ang nangyari, Coach. Your player attempt to harass a girl, at alam po ng player niyo kung ano si Calli sa school nato. He mess with a wrong girl" kampanteng sabi ni Sir Chito, he really knows how to stand with his decisions. Mula kanina hanggang ngayon hindi natibag ang desisyong ginawa niya.

"So are you saying na, if it's not Calli there's a chance that you'll change your min-" singit ni Tristan na nakatingin sakin, kita sa mga mata ang inis niya dahil pulang pula na ito kakatitig sakin.

     Ngunit hindi pa man siya tapos magsalita ay pinutol na ni Sir Chito ang pagsasalita niya "If it's not Calli, your punishment will be still the same and my decision is final." He stated with full of conviction.

     "I guess we're done here, Coach. May mga klasi pa ang mga bata. We should call it a day?" dagdag ni Sir Chito na isa isa kaming tinignan na para bang hinihintay ay tugon namin.

     Tumango lang si Coach Leo, at tuluyan ng nilisan ang disciplinary office kasama si Tristan na nakayuko. Hindi ko alam bigla ako nakaramdam ng lungkot ng nag tama ang mga mata namin sa huling pagakakataon bago sila makalabas ng tuluyan sa office. 

     Nagusap lang kami saglit ni Sir Chito at pagkatapos ay umalis na din siya. Naiwan ako sa office ng magisa, nagiisip kung tama ba ang ginawa ko. I mean, masama ang ginawa ni Tristan, yeah, and as student council President I don't want to tolerate that kind of behavior but the like what Coach Leo said it's his chance to show his talent. Well, Tristan is really good player, hindi na man siguro siya magiging team captain if he's not. Are we really cutting his wings he use to fly to reach his dreams? 

     Umupo ulit ako ng saglit sa kinauupuan ko kanina para magisip muli ng may narinig akong kumatok sa pintuan at nakita ko si Freya. Nakangiti pa siyang pumasok at umupo sa tabi ko.

     "Oh kamusta?" Nakangiti niyang sabi habang pabalik balik ang mata niya sa muka at kamay ko'ng hawak hawak niya.

     Tatanongin ko pa sana siya kung bakit si Sir Chito ang kasama ko kanina at hindi siya pero nagsalita na siya. Nakuha niya ata na yun yung bungad ko sa kanya.

     "Sorry na Pres. Sabi kasi ni Sir na siya na lang daw, ang pangit daw kasi kung ang student vice president ang mag dedesiyon eh President ang nag complain" at sabay ngiwi ni Freya.

     Tumango lang ako at tila naglakbay na naman yung isip ko. Mali ka Tristan, pero mali din akong ipagkait sayo ang pangarap mo. Hindi ko gusto yung ginawa mo pero hindi ko rin gugustuhin na ako ang magiging dahilan ng pagkabigo mo. 

   "Malalim yata yang iniisip mo Pres. may problema ba? Hindi ba naparusahan si Tristan" pagbasag ni Freya sa katahimikan ko. Binitiwan niya pa ang kamay ko at umayos ng upo para bang naghahanda para makinig sa isang kwento.

     Kinagat ko labi ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Freya ang naiisip ko. Binaling ko ang tingin ko sa kanya ang kitang kita sa muka niya ang paghinintay ng kasagutan.

     "Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko" panimula ko na siyang ikinagulat niya. 

     "Ha? What do you mean?" she ask while frowning that makes her two thick eyebrows meet.

     "Hindi makakapaglaro si Tristan this upcoming sports event. We all know na ganong event may mga coach and staffs from other universities na pwedeng mag offer ng athletic scholarships." I said without looking her eyes. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. I know that Freya won't judge me but knowing I was the one who complained and I'm the president of disciplinary officer, it's like I'm a incompetent kind of president.

     Narinig ko'ng bumuntong hininga si Freya na siyang nagpalingon sakin. "You know what Calli, I'm not that good as you when it comes to giving advice but I want to tell you that you should choose what you think is right, hindi bilang President ng dalawang office." she stated with a smile full of certitude.

     "I don't want to see anyone failing in achieving their dreams because of me, Frey. But, I don't want to tolerate that kind of behavior." I stop for moment to gather my thoughts. "As a president, I should make way to make those two things happen" Then I smile as I feel contentment in my decision.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status