“Happy birthday!!” Sabay-sabay na bati namin kay Tay Dancio. Pumalakpak ang lahat at ginaya iyon ni Eve at Atlas kaya natawa ang narito sa loob ng bahay.“Nay Rilang, baka po mapagod kayo.” Nag-aalala kong sabi sa kaniya dahil siya ang may hawak kay Eve ngayon habang nasa kay Tay Dancio naman si Atlas.“Ayos lang Andrea. Ang totoo niyan ay natutuwa nga ako dito sa anak mo.” Pinaggigilan ni Nay Rilang si Eve at tumawa naman itong anak ko. “Kumain ka na muna. Kami na muna bahala ni Tay Dancio sa mga bata.” Ani nito.Pumunta ako kina Sam na ngayon ay nagkikwentuhan kasama ni Shia at Gege. Kanina pa kami dito sa bahay ni Tay Dancio. Maraming mga tao dahil invited iyong mga farmers na nagtatrabaho sa Hacienda Seya.“Oh, saan ka galing?” Tanong ni Samantha ng makabalik ako sa pwesto niya.“Kay Nay Rilang, tinitignan ko si Eve.” Sabi ko sa kaniya. Nakipagkwintuhan ako kina Gege na panay sabi sa mga nakaraang mga nobyo niya. Natatawa kami kung anong ginawa niya sa unang boyfriend na mahilig m
Pagdating namin sa Hacienda Seya ay agad na naglulumikot si Eve bago pa kami bumaba. Gustong pumunta kay Hiro at mukhang napansin iyon ni Hiro dahil agad siyang lumapit at kinuha si Eve.Tahimik lang ako na nakasunod sa kanila habang papasok siya sa bahay ni Luca na hindi pa dumadating ngayon. Naghagikgikan ang dalawa sa unahan. Kahit yung anak ko ay tumatawa habang kinakausap ng papa niya na para bang nagkakaintindihan sila. Napalabi ako na makitang ganoon na sila ka close.Nalulungkot pa rin ako na hindi niya ‘ko maalala kanina. In fact, halos maluha na ako sa paraan kung paano niya ko kausapin. Nabahala ako na malamang na coma siya. Natakot akong hindi niya ko matandaan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, nangibabaw pa rin ang pangungulila ko sa kaniya dahil kahit malayo kami sa isa’t-isa, hindi naman siya nawala sa sistema ko.“Pwede ko bang kunin ang anak ko?” Kagat labing tanong ko sa kaniya nang makitang papasok kami sa bahay ni Luca.Tumingin siya sakin at nakitang umawang ang l
Mag gagabi na at nasa labas pa rin kami ni Eve. Nagsiuwian na ang ibang mga bisita at hindi ko pa rin maihakbang ang mga paa ko papunta sa loob ng bahay. Hinihintay ko na dumating si Hiro. Ibinaba ko si Eve at nagsimula na namang siyang maglakad pa unti-unti sa harapan. Nakasunod lang ako sa kaniya at nakabantay kung sakaling ma out balance siya. Natutuwa akong tignan siya na mukhang alam niya talaga kung saan siya pupunta. Hinahayaan ko lang si Eve na maglakad at nakasunod lang ako sa kaniya. Humihinto siya minsan at lilingunin ako at pag nakitang nakasunod ako sa kaniya ay maglalakad na naman siya. Hindi ko na namamalayan na napapalayo na kami sa bahay. Sa di kalayuan ay nagulat ako nang maaninag ang mukha ng lalaking hinihintay ko. Napasinghap ako nang makita si Hiro na nakapamulsa at tila ay naghihintay samin. Nang makita siya ni Eve ay agad itong humagikgik at naglakad papalapit sa papa niya. Naglakad si Hiro papalapit sa’min. Agad niyang binuhat si Eve at hinalikan sa pisngi.
Hindi pumasok si Samantha ngayon sa hacienda dahil may ubo si Atlas at kailangan niyang alagaan. Nag presinta siyang iwan ko si Eve sa kaniya kaya ngayon ay wala akong dalang bata sa hacienda. Kasama ko si Nay Rilang sa loob dahil si Shia at Gege ay nautusan na dalhin ang pagkain doon sa farm. Nakita ko si Hiro na kausap si Luca. Pag nagtatama ang paningin namin ay nakikita ko ang pag-irap niya. Hindi lang isang beses niya yun ginawa kung hindi ay pang limang beses na niyang irap sakin iyon. Hindi nalang ako nag komento at napapabuntong hininga. Babalatan ko sana siya ng buhay dahil sa pag-iwas niya sa’kin nong makitang hahalikan ko siya but now, pakiramdam ko ay nakaganti na ako. “Andrea, come with us. Sabayan niyo na kami ni Hiro.” Sabi ni sir Luca. Tumingin ako kay Nay Rilang na agad na lumapit sakin para sumabay kami kina Luca na kumain ng pananghalian. Sa mahabang mesa, magkaharap si Luca at Hiro sa upuan. Dahil ang mga plato ay nasa tabi nila, so isa lang ang ibig sabihin ni
8 in the evening at nasa kwarto na kami ni Eve. She was now sleeping peacefully. Tinutupi ko lang yung damit na nilabhan ko nang biglang dumating si Hiro. Dahil hindi naman 2 storey itong bahay ni Samantha at plain na simpleng bahay lang na walang mga bakod, walang kahirap-hirap na nakapasok si Hiro sa kwarto ko.Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya dito? Agad siyang dumiretso sakin at humalik sa labi ko saka agad na pinuntahan ang anak na mahimbing ng natutulog sa kama.“Hiro-“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita siyang humiga sa kama at agad na niyakap si Eve pagkatapos nitong halikan sa noo.“She’s an angel.” Sabi niya habang nakatingin sa anak. Napangiti ako at tinapos ang pagtutupi ng mga damit saka ako lumapit sa kanila.“She’s so pretty and adorable. The only heir na kikilalanin ko.” Dagdag niya.“She deserves the world, love. I want to give her everything.” Agad kong hinawakan ang pisngi niya. Ngumiti ako habang nakatingin sa
“What happened?” Kinakabahan kong tanong kay Samantha nong makita ko siya sa kusina na namumutla at naghahabol nang hininga. Nakaalis na si Agui at nasa labas ang lahat. Nang magtama ang paningin namin ay pinilit niyang ngumiti pero hindi nakaalis sa paningin ko ang kaba na nakasalamin sa mukha niya.“Andrea, where’s my son? Where’s Atlas?” Natataranta niyang tanong.“Nasa labas kasama nina Shia.” Sabi ko.“We need to leave. He’s here. He’ll take my son away from me.”“Samantha! Calm down! Sino ang tinutukoy mo?” Nagtatakang tanong ko. Niyakap ko siya para huminahon siya. Sobra yung pangamba ang nararamdaman niya ngayon, in fact nanginginig na siya.“Sam, it’s alright. Don’t be afraid! We’re here.” Unti unti siyang huminahon. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa bumalik sa normal ang paghinga niya.“I saw a ghost, Andrea.” Sabi niya.“Where?” Tanong ko.“In the supermarket.” Simpleng sagot niya.“A bad ghost?”“A good one.” Mahinahon niyang sabi. Nagtaka ako sa sagot niya. Na
Nang makabalik kami sa loob ay lahat ng mata nakatingin sa amin pareho ni Hiro. Nagtataka rin si Luca kung bakit magkasama kami ni Hiro sa labas pero pinagsawalang bahala ko nalang ito at agad na tumingin kay Shia na nakasimangot habang bitbit ang dalawang bag. Nakasunod sa kaniya si Agui na nakasimagot din. “Tayo na Andrea.” Sabi ni Shia at agad akong hinigit papalabas ng bahay ni Luca. Lumingon muna ako sandali kay Hiro bago kami nakalabas ng bahay. “Naiinis talaga ako sa hambog na iyon.” Naiinis na turan ng kaibigan ko habang nakatingin sa ‘kin pabalik sa malaking bahay ni Luca. Kumunot ang noo ko sa kaniya. “Bakit ka naman maiinis?” “Naiinis ako sa mukha niya!” “Are you pregnant?” “What?!” gulat na gulat na tanong niya. Baka kasi naglilihi siya kaya siya naiinis sa mukha ni Agui. Ang gwapo nga ni Agui e. “Well-“ “Stop it Andrea! You’re talking nonsense.” Natawa ako sa sinabi niya. Nakita ko pa kung paano siya umirap. “Ikaw! Sige ka, iisipin ko na talaga na may gusto ka kay
Ang gabi ng aksidente (Liro’s childhood)“Payat! Ang payat mo! Loser!” mga naririnig sa mga bata sa habang nakaharap sa patpating katawan ni Hiro na nakatago sa likuran ng malusog na si Liro. Pitong taon palang ang dalawang kambal na anak ni Lhera sa namatay nitong asawa na si Antonio Regis.“Lubayan niyo nga ang kapatid ko!” sigaw ni Liro sa mga bully na hindi sila tinantanan. Buti nalang ay biglang dumating ang ina nila na agad na tumulong para mapaalis ang mga ito.“Mama!” umalingawngaw ang iyak ni Hiro sa tabi ng kalsada habang nakatingin sa ina nila na maputla at mahinang mahina na dahil sa pagod.“Shh, mama is here. ‘Wag na umiyak,” pagpapahinto ni Lhera kay Hiro. Kamamatay lang ng asawa niya last 3 months kaya kailangan niyang magtrabaho para sa dalawang anak niya. Sa laki ng babayarin niya ay halos hindi na kayanin ng katawan niya ang pagod at puyat.“Umuwi na tayo, c’mon Liro,” nakasunod ang batang si Liro sa likuran ng ina at kapatid habang nag-aalala na nakatingin kay Lhera