Share

Love Me, Nemesis
Love Me, Nemesis
Author: @KumanderEriii

Prologue

HIS BODYGUARD WIFE BOOK 2: LOVE ME, NEMESIS

PROLOGUE

"Where the hell is my Book!?"

Inangat ko ang aking ulo para tingnan ang anak kong si Fawn na kanina pa sigaw nang sigaw dahil hindi mahanap ang librong binabasa niya.

Haist!

"Calm down, son. Baka naman nailapag mo lang 'yon sa kung saan." Namumutlang pagpapakalma rito ni Kalem.

Tch!

Kahit kailan talaga ay napakaduwag ng lalaking 'to.

"Calm down? How!? Kung kanina pa ako naghahanap pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'yon nakikita!" Asik ni Fawn na bakas ang labis na inis sa mukha kaya napalunok si Kalem tsaka naupo sa isang sulok na akala mo ay inabandunang tuta.

"My baby Fawn, doesn't love me anymore." Pagdadrama nito na may teary eyes pa.

Bumakas naman ang guilt sa mukha ni Fawn tsaka inihilamos ang mga palad sa mukha at inis na sinabunutan ang sarili.

Sweet at maalaga si Fawn pero kapag naiinis 'yan ay daig pa ang dragon.

Years passed by and our children is already eighteen at bukod sa kambal ay hindi na kami nag-anak pa.

"What's with the noise?" Malamig na litanya ni Dawn na nakakunot ang noo at mukhang naalimpungatan dahil sa ingay ni Fawn.

Pababa ito ngayon ng hagdanan habang nag-uunat.

"K-kasi A-anak, itong kambal mo kanina pa hinahanap 'yong librong binabasa niya raw." Sagot ni Kalem na mas lalong namutla.

"Is that so?" Walang ganang ani Dawn tsaka ibinaling ang tingin sa kakambal na natahimik naman bigla at akala mo rin ngayon ay isang maamong tupa.

"You can find it without using your Mouth, Fawn." Makamandag na sambit nito kaya napalunok ang kakambal niya.

That's my daughter.

Napangisi ako tsaka isinara ang librong binabasa ko at ipinatong sa ibabaw ng lamesa. Hinubad ko rin ang suot na reading glasses tsaka hinilot ang sentido habang nakasandal sa sandalan ng couch.

"That's enough guys," Pagsingit ko na.

"Just buy a new one, Fawn." Patuloy ko pa kaya tumango nalang ito

"By the way, fix yourselves. Pupunta raw dito ang grandfa niyo." Dagdag ko.

"Grandfa? Kasama niya ba ang siraulong si North?" Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Dawn.

Ang kaninang walang expresyon nitong mukha ngayon ay mababakasan mo na ng labis na pagkadisgusto.

Masyadong halata na hindi niya nais na makita si North.

"Yes." Sagot ko na mas lalong ikina-ungot niya maging ni Fawn.

Well, I can't blame them. North is one hell of a playful guy.

"I'll stayed in my room. So, Don't disturb me." Aniya na hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon pa na sumagot dahil agad na itong tumalikod at bumalik sa kan'yang silid.

"Bakit ba ayaw na ayaw makita ni Dawn si North honey wife?" Tanong ni Kalem kaya napailing ako.

"Because that stupid young man told her that he likes her." Sagot ko kaya napahagalpak siya ng tawa.

"What is so funny?" Kunot noo kong tanong kaya napatigil siya.

"Pfftt! Mukhang magkakaroon pa ng ipinagbabawal na pag-ibig sa pamilya ah.." Sagot niya na siyang ikinangiwi ko.

I doubt that. North will surely soon realized that Dawn isn't the right person for him.

Tumayo na ako tsaka nag-unat-unat at ibinaling ang tingin kay Fawn na ang sama naman ng awra.

"No! My Twin is ONLY MINE." Malamig at matigas na sambit nito bago padabog na lumakad paalis.

"H-heck?! Gusto rin ba ni Fawn ang kambal niya?" Gulat na saad ni kalem kaya binatukan ko siya.

"Stupid! Ano'ng pumasok sa utak mo at nasabi mo 'yan?" Asik ko

"Kasi sabi niya sa kan'ya lang daw si Dawn eh." Nguso niyang sagot kaya napailing nalang ako.

Why the heck did I fell for this man?

"Look, natatakot lang 'yon na mawala ang atens'yon ng kakambal niya sa kan'ya kaya niya 'yon nasabi." Paliwanag ko kaya napakamot siya sa kan'yang ulo.

"Sorry naman honey wife. Ano ba'ng alam ko r'yan? Ikaw lang naman kasi ang babaeng minahal ko eh." Sambit niya tsaka ako niyakap.

"Talaga ba? 'di ba nga si Krian 'yong First Love mo?" Litanya ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Hon naman! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo eh. Kung alam ko lang na baliw pala 'yon ay hindi ko siy-"

"Huwag ka ng magpalusot. Minsan nga kapag natutulog ka ay binabanggit mo pa ang pangalan niya ." Putol ko sa sasabihin niya tsaka inalis ang braso niyanng nasa bewang ko.

"W-what!? Hindi 'yan totoo 'no! Hindi ko nga napapanaginipan ang babaeng 'yon eh!" Mabilis niya namang protesta.

"Ok, sabi mo eh." Kibit-balikat kong sagot tsaka nagsimulang lumakad papunta sa silid namin at sinaraduhan siya ng pinto.

"Honey Wife naman oh! Sorry na kung binabanggit ko ang pangalan niya kahit hindi naman talaga. Huwag ka ng magalit, Please! Iki-kiss nalang kita." Rinig kong aniya mula sa labas habang kinakalampag niya ang pintuan ng silid namin.

"Kiss mo mukha mo!" Asik ko tsaka ngumiti.

"Honey wife naman!"

Pabagsak akong humiga sa kama namin at pumikit.

Ang totoo ay hindi niya naman talaga binabanggit ang pangalan ng krian na 'yon, Niloloko ko lang siya.

~Smirk~

Besides, if he dares utter her name in his sleeps ay baka hindi na siya magising pa.

“Honey wife!” Hindi ko siya pinansin.

Bahala siya sa buhay niya. Ang malas niya lang dahil siya ang trip ko ngayon na nababagot ako.

Napabuntong-hininga nalang ako tsaka muling dumilat.

Ilang taon na rin kaming nasa Mafia world bilang Mafia Queen at King. Siguro dapat na naming ipasa sa kambal ang posisyon namin.

END OF PROLOGUE

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status