Share

Chapter 1

Chapter 1

I woke up to the sounds of the birds chirping outside. Napatingin ako sa veranda at nakita kong hindi pa sumisikat ang araw. Medyo madilim pa rin ang kalangitan.

Kinusot ko ang aking mga mata at saktong tumunog ang alarm clock sa bed side table.

Inabot ko 'yon at pinatay.

Bumangon ako at kahit inaantok pa ay dumiretso na 'ko sa banyo para maligo. 

After 20 minutes ay lumabas na 'ko. Suot ang roba ay nagtungo ako sa bintana at hinawi ang kurtina.

"What a beautiful morning," I murmured. 

Napangiti ako nang makita ang labas. The morning sun is now shining and the birds are flying freely in the sky.

Sana palagi na lang ganito. 'Yong tipong gigising ka sa umaga at ganito kaganda ang bubungad sa'yo.

Tumagal pa 'ko ng ilang minuto nakatayo roon at nakatingin sa tanawin. At nang magsawa ay nagbihis na 'ko ng uniform.

Hindi gaano ka fit ang uniform ko sa'kin, maluwang 'yon. Pero dahil sanay na 'ko sa mga maluluwang na damit ay hindi na 'yon naging problema.

Lumaki ako na ang kinahihiligan ang mga maluluwang na bagay. Wala akong pakialam kung pangit o maganda man tignan dahil para sa'kin kung saan ako kumportable roon ako.

Typical korean uniform ang style ng uniform sa Xavier. Isang skirt na stripe color black and white, long sleeve white na hanggang siko ang manggas, blazer and black neck tie. Pinaresan din ito ng isang puting mahabang medyas.

Nang matapos kong suotin ang uniform ko ay basta ko na lang tinali ang buhok ko sa pony tale kahit basa pa. 

Sinuot ko na rin ang salamin ko sa mata pagkatapos ay kinuha ko ang back pack pati ang libro at lumabas na ng kuwarto.

Agad kong nakita si Papa na nagbabasa nang diyaryo nang makapasok ako sa dining area.

"Good morning Pa," bati ko sa kaniya nang makalapit ako. 

Saglit niya akong sinulyapan at tinanguan bago binalik sa diyaryo ang kaniyang atensiyon.

Napabuntong hininga ako at umupo na lang puwesto ko.

"Good morning sweetie," 

Napabaling ang tingin ko sa pinto ng dining at nakita si Mama na pumasok.

Marahil galing na naman siya sa garden at bininyagan ang alaga niyang halaman.

Ngumiti ako sa kaniya. 

"Good Morning Ma." Nakangiti kong tugon at tumayo para lapitan siya. 

Hinalikan ko agad s'ya sa pisngi.

"Kumain ka na?" Tanong niya at dumiretso sa kaniyang puwesto at umupo.

"Kakain pa lang po." Bumalik na rin ako sa pagkakaupo.

"Ako ang nagluto niyan," aniya at itinuro ang mga nakahanda sa lamesa.

Namilog ang mga mata ko sa narinig. 

"Really?!" 

Hindi ako makapaniwala sa totoo lang. Kasi minsan ko lang makitang nagluluto si Mama dahil nasanay akong palagi silang busy ni Papa sa kompanya.

Masyado akong nasanay na si yaya ang nagluluto nang mga pagkain ko kaya nakakagulat talagang marinig mula kay Mama na siya ang nagluto ngayon.

Isa-isa kong tinignan ang mga pagkain na nasa mesa. Adobong manok, bacon, ham, fried egg, fried rice, hotdog, pancake, loaf bread and coffee. 

Napakurap-kurap ako at namimilog pa rin ang mga matang tinignan si Mama. Nakangiti naman siya habang nakatitig sa'kin.

"Wow..." bulong ko.

"You like it, sweety?" 

Parang may humaplos sa puso ko sa tanong ni Mama.

"I love it, Mama," 

Pumalakpak naman siya at siya na ang naglagay nang pagkain sa plato ko.

Sinundan ko lang ang bawat kilos ni Mama at wala sa sariling napangiti.

Sana ganito na lang palagi. Sana forever na akong magiging masaya. Sana parati na lang akong pinagsisilbihan ni Mama.

I missed those days na ganito kami. Na masaya lang at walang problema. 

Sana gaya na lang ng dati ang lahat...

"Kumain ka na," 

Nginitian ko si Mama ng malaki at nagsimula nang sumubo. 

Minsan lang maging ganito ka sweet si Mama sa'kin kaya lulubusin ko na. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at bigla siyang bumait pero hindi na 'yon importante sa ngayon.

I want to stop the time right now so that I can be with my parents like this even if my father doesn't pay attention to me.

But I knew I was just asking for an impossible thing.

Mapait akong napangiti.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit pa nararamdaman ko na parang bumigat ang dibdib ko.

"I thought you're busy today Ma," sabi ko sa kalagitnaan nang pagsubo.

Minsan ko lang kasi sila makasama rito sa bahay. Minsan lang sila magkaroon ng oras at atensiyon sa'kin. Palagi silang busy sa trabaho at minsan ay pabalik-balik din sila sa ibang bansa for business matter.

Noong una hindi pa 'ko sanay na wala sila sa tabi ko kasi simula bata pa lang talaga ako kasama ko na silang dalawa. Pero no'ng nagsimula na akong mag-aral sa elementarya hanggang high school do'n na nagbago ang lahat.

Naging mailap na si Papa sa akin at hindi ko alam kung bakit. Minsan din ay sinusungitan ako ni Mama sa hindi malamang dahilan.

Naging workaholic na silang dalawa kompara dati na palagi silang may oras at atensiyon sa akin. Ngayon kahit ilang minuto lang ay hindi na nila kayang ibigay sa akin.

Parang ang sakit lang kasi nag-iisang anak lang naman ako pero pakiramdam ko kailangan ko pang manglimos sa pagmamahal at atensiyon ng mga magulang ko.

"Yes we are, pero mamaya pa naman 'yon kaya naisipan ko na ipagluto ka muna since matagal ko nang hindi 'to ginagawa." 

Hindi ko namalayan na napatigil na pala ako sa pagsubo. Ngumiti ako kay Mama nang sabihin niya 'yon at muling nagpatuloy sa pagkain.

Mabait naman si Mama pero minsan may pagka strikta rin. Pareho sila ni Papa actually. Pareho nilang gusto na gawin ko ang best ko para palaging manguna sa school at dapat hindi ako magkamali sa mga bagay-bagay.

May expectasyon si Mama at Papa sa akin at iyon ay ang palaging gawin ang best ko at palaging manguna sa school, sa competition man, exams or academic performances and quizes. 

In order for me to get the love and trust of my parents I have to obey them. Kahit mahirap at kahit nakataya ang sarili kong kaligayahan ay handa akong maging sunod-sunuran sa kanila mapasaya ko lang sila.

If this will make them happy then so be it.

"It's your first day of school and last year in high school Zia, so I'm expecting na this time you'll prove to us na deserving ka, hindi 'yong kung anu-anong kalokohan ang inuuna mo." Napabalik lang ako sa'king sarili nang biglang magsalita si Papa.

Napatigil ako sa akmang pagsubo ko at bahagya siyang nilingon. Kahit hindi pa man niya diretsuhing sabihin ay batid ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.

Wala sa sariling naitikom ko ang aking bibig at ibinaba ang kamay na may hawak na kutsara at napayuko. 

Tama nga siya ito ang huling taon ko sa Xavier kaya hindi na ako magtataka kung mahaharap na naman ako sa panibagong problema.

"Yes Papa, I will at hindi na po ako gagawa nang kahit na anong kalokohan," sagot ko sa mahinang boses kalaunan.

Kapag ganitong seryoso ang tinig ni Papa at sinasabi sa'kin ang mga bagay na 'to ay hindi ko na maiwasang kabahan dahil alam kong galit talaga siya. 

Malambing si Papa katulad ni Mama pero nagiging mahigpit lang siya everytime na may ginawa akong masama o hindi niya nagugustuhan.

Ever since in my life wala akong ibang ginawa kundi ang maging proud si Papa sa lahat ng achievements ko dahil nakikita ko ang sinsero niyang ngiti sa t'wing may maabot akong maganda at kung maabot ko ang kaniyang expectasyon sa'kin.

Binibigay niya sa'kin lahat ng gusto ko at ang kapalit no'n ay abutin ko rin ang mga gusto niya. 

Nakakatawang isipin pero wala eh, 'yon ang gusto niya kaya 'yon ang masusunod.

"Dapat lang, Zialla. Ilang beses mo nang sinabi sa amin na gagawin mo na ang best mo but still wala pa rin," seryoso niyang sabi. "I want you to focus on your studies now dahil college ka na next year,"

Hindi ko magawang makasagot agad dahil pakiramdam ko may nakaharang na kung ano sa lalamunan ko.

Naramdaman kong may namumuong luha sa'king mga mata pero matindi ang pagpipigil ko na 'wag 'yon kumawala. 

Napahugot ako nang hangin at pilit na tinatagan ang sarili.

"This time I'll do my best Papa," bulong ko. "Papatunayan ko na ang sarili ko para maramdaman ko naman na proud kayo sa'kin sa kabila ng kamaliang nagawa ko." 

Parang dinurog ang puso ko sa sariling salita. Napangiti ako nang mapait dahil sa sakit na naramdaman. 

Hindi na muling nagsalita si Papa kaya naman pinagpatuloy ko na lang din ang aking pagkain kahit nawalan na ako ng gana.

Sa pagkakataong 'to gagawin ko na ang lahat para kahit papaano ay makita ko man lang na masaya ang magulang ko sa'kin. 

Na kahit sa maliit na bagay na naabot ko ay masilayan ko man lang ang mga ngiti sa kanilang mga labi. 

Na kahit sa kabila nang kamaliang nagawa ko noon ay maramdaman ko man lang na mahal nila ako.

Kasi ako mahal na mahal ko sila at handa akong gawin ang lahat nang gusto nila para matanggap lang nila ako at mahalin nang buong buo.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status