Share

Chapter 3

Chapter 3

"WHAT WERE you thinking, Zialla Trixie at ginawa mo 'yon ha?!" 

Malakas na sigaw ni Papa ang bumungad nang makapasok ako sa loob ng bahay. 

Akala ko sisigawan at papagalitan niya lang ako pero nagulat ako ng bigla niya akong sinampal nang malakas sa pisngi.

Napatulala ako at hindi agad nakagalaw. Parang namanhid ang katawan ko sa ginawa ni Papa.

"Alfred!" sigaw ni Mama halatang nagulat din sa ginawa ni Papa.

Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Talagang ginawa niya 'yon sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.

Nanginginig ang katawan ko sa takot.

Sa takot sa posible niya pang gawin sa'kin lalo na't ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit.

"Don't hurt your daughter, Alfred!"

"H'wag kang makialam dito, Zera!"

Walang nagawa si Mama kundi ang manahimik. Maging ako ay wala ring nagawa kundi ang tiisin ang sakit.

Ramdam ko pa rin ang pamamanhid nang pisngi ko.

"Bakit ka nakipag away? Bakit mo sinaktan ang anak ni Trinidad, ha?!"

Hindi ako nakapagsalita. Tanging pagyuko at pagkagat sa labi lamang ang ginagawa ko.

Ang katapangan na pinakita ko kanina kay Krezha ay parang naglaho na parang bula nang makaharap ko si Papa.

"Ano na lang ang sasabihin sa'tin ng mga tao, ha? Na may anak akong walang respeto? Anong pumasok sa kukote mo Trixie at nakipag-away ka?!"

"H-hindi naman po a-ako ang n-nauna. Ipinagtanggol ko l-lang naman ang s-sarili ko..." mahinang usal ko.

Tuluyan nang nabasag ang boses ko. Tuluyan nang bumigay ang emosyong kanina ko pa pinipigilan. 

Mahina akong napahikbi. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. 

"Kahit na! Sana hindi mo na lang pinatulan. Kung may utak ka naman edi sana mas pinili mo na lang ang umiwas kaysa sa gumanti. You're stupid!" Galit na galit na sigaw ni Papa sa'kin dahilan para mas lalong madurog ang puso ko.

Pakiramdam ko nahulog ang puso ko sa sahig dahil sa narinig. 

Parang literal na sinaksak ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. God, why do I have to go through all this?

"Alfred, huminahon ka muna. Let Trixie explain her side." Narinig kong sambit ni Mama.

Parang gusto ko na lang tumakbo palapit sa kaniya at yakapin siya. Parang gusto ko na lang maglaho bigla at takasan ang sakit na binibigay nilang lahat sa'kin.

"Explain her side? What more explanations do you want to hear, Zera? Sa kaniya na nga mismo nanggaling na ipinagtanggol niya ang kaniyang sarili kaya nauwi sila sa pag-aaway. Ang hindi ko lang mapunto ay kung bakit niya pa ito pinatulan kung p'wede naman siyang umiwas!"

So, hahayaan ko na lang na saktan nila ako? Hahayaan ko na lang sila na hindi ako tratuhin bilang isang tao?

Gusto ko iyong itanong pero natatakot ako. Natatakot ako sa posibleng gawin ni Papa sa oras na magsalita ako.

Hindi naman nakasagot si Mama sa sinabi ni Papa at narinig ko na lang 'tong napabuntong hininga senyales nang pagsuko. 

Alam ko naman eh, alam ko naman na talong-talo na talaga ako. Wala na akong kakampi sa oras na 'to maliban sa sarili ko.

Pero paano ko pa makakampihan ang sarili ko kung pati ako ay napapagod na rin? 

Paano pa ako makakatayo sa sarili kong paa kung nanghihina na 'ko? Ayoko na. Parang gusto ko na lang sumuko bigla. 

Ang sakit sakit na.

"Trixie, pumasok ka na muna sa kwarto mo. Mag-uusap lang kami ng Papa mo," sabi ni Mama makalipas ang ilang segundong katahimikan.

Nakayuko akong tumango at pasimpleng pinahid ang luhang lumalandas sa pisngi ko. Wala akong lakas nang loob na mag-angat nang tingin.

Akmang magsasalita na sana ako para mag paalam nang matigilan ako sa binitiwang salita ni Papa.

"Mabuti pa nga na manatili ka sa kuwarto mo at 'wag nang magpakita sa 'kin. Wala akong anak na puro kahihiyan lang ang dulot sa pamilyang 'to." Matigas nitong sabi na siyang nagpadurog sa puso ko ng husto.

"Alfred!" 

Hindi na pinansin ni Papa ang pagsuway ni Mama sa kaniya dahil mabilis na niya kaming tinalikuran.

Napapikit ako at mas lalong napaluha. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama.

"Just go to your room, Trixie." Tumango ako sa kaniya at umakyat na sa taas.

Pagkapasok ko sa kuwarto ay napasandal agad ako sa pinto at napapikit kasabay nang paglandas ng mga luha ko sa'king pisngi.

Dahan-dahan akong napaupo at ibinaon ang sariling mukha sa mga tuhod ko.

Doon na bumuhos ang emosyon kong kanina ko pa pinipigilan. Napahagolgol ako ng todo.

Ang sakit sakit. 

Ang bigat sa pakiramdam ko dahil hindi man lang ako hinayaan ni Papa na sabihin muna ang buong nangyari bago niya ako pagalitan, bago niya 'ko sigawan.

Para sa kaniya sapat na ang sinabi ni Dean kanina para isisi niya sa'kin lahat ng nangyari. 

Kinakapos ako ng hangin, hindi ako makahinga nang maayos dahil parang may nakabara na kung ano sa puso ko.

Bakit ganito? Bakit ganito ang buhay ko? Hindi ko naman hiniling ang ganitong klaseng buhay pero bakit ito ang ibinigay sa'kin?

Anong nangyari sa masayang pamilyang meron ako noon? Anong nangyari at biglang nakaganito?

We were so happy back then pero bakit sa isang iglap ay nagbago na ang lahat?

Hindi ko na maintindihan si Papa ngayon. Palagi na lang siyang galit sa'kin. Gusto niya perpekto lahat ng ginagawa ko at ayaw niya akong magkamali.

Ni hindi ko na rin maramdaman ang pagmamahal niya bilang isang ama. Maaaring kaya niyang ibigay sa'kin ang mga pangangailangan ko, ang mga materyal na bagay pero ang nag iisang gusto ko ay hindi ko makuha mula sa kaniya.

Ang pagmamahal niya. 

Gulong-gulo na 'ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Ginawa ko naman ang lahat pero bakit hindi pa rin sapat? Bakit puro kamalian ko pa rin ang nakikita?" bulong ko sa sarili habang patuloy pa rin sa paghikbi.

Mas lalo kong binaon ang mukha ko sa tuhod at do'n umiyak nang todo.

Hindi ko ba deserve ang maging masaya? Kahit pansamantala lang naman sana.

Nagsimula lang naman ang pag iiba ng trato ni Papa sa 'kin no'ng kinder garten ako. 

Hindi ko alam ang dahilan niya pero bigla na lang siya nagbago sa isang iglap. 

He used to be so sweet back then pinaparamdam niya sa 'kin na isa akong prinsesa at si Mama naman ang reyna niya.

Ramdam ko ang pagmamahal ni Papa sa'min noong bata pa lang ako. No'ng hindi pa 'ko nag aaral. 

Kahit ni isang beses hindi siya nagkulang na iparamdam sa 'min ni Mama ang kaniyang pagmamahal. Masaya kami noon at kahit kailan hindi niya 'ko sinaktan. 

Pero ang akala kong masayang pamilya ay bigla na lang naglaho nang isang bula. Ang pamilyang pinapangarap ko ay bigla na lang nawala. At nagsimula lang 'yon no'ng nagsimula na 'kong mag-aral.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Papa pero bigla na lang talaga siyang nagbago. Kahit ang pagtrato niya kay Mama ay ibang-iba na. 

Palagi na lang siyang galit sa t'wing mag uusap sila, parati siyang stress sa trabaho dahil binubuhos niya lahat ng oras niya roon. Hindi na rin siya naglalaan ng oras para sa'min katulad noon. Hindi ko na rin maramdaman ang sweetness ni Papa sa t'wing kausap niya si Mama.

Ibang-iba na talaga. Ibang-iba na ang pamilya ko noon kompara ngayon. Kahit si Mama ay nagbago na rin ang trato sa akin. 

Minsan na lang siya maglaan nang oras at atsensiyon sa'kin dahil palagi rin siyang stress sa trabaho at may mga oras na wala siyang mood dahil nag-aaway sila ni Papa.

Parati ko silang nahuhuling nag-aaway pero hindi ko lang pinapahalata.

Alam ko rin kung gaano kataas ang expectasyon ni Papa sa akin kaya nga ginagawa ko ang lahat ng best ko para maging proud siya. 

Pero hindi sapat ang best kong 'yon para maging proud si Papa sa akin. Dahil para sa kaniya isa lamang akong kahihiyan sa aming pamilya.

Mapait akong ngumiti dahil sa naisip.

Iniangat ko ang aking ulo at do'n nasilayan ko ang madilim kong kuwarto. 

Mas lalo akong nasaktan dahil narito na naman ako sa madilim na parte ng buhay ko kung saan umiiyak ako at nag iisa. 

Walang masasandalan at walang masasabihan.

I feel alone and lonely again. 

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko kaya dali-dali ko itong pinahid at humugot nang malalim na hangin.

Ito 'yong klase ng lugar kung saan ako nararapat. Sa isang madilim na sulok, nag-iisa, umiiyak, nasasaktan, walang kakampi at walang sariling kalayaan.

Bakit gano'n? Naging mabuting anak naman ako. Sinusunod ko naman lahat ng gusto ng magulang ko.

Pero bakit hindi pa rin ako masaya? 

I just want to be happy... but why can't I?

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status