Share

Chapter 7

Chapter 7

Kinabukasan ay tanghali na 'kong nagising. It's Sunday at balak kong linisin ang kuwarto ko. Gusto kong baguhin ang arrangement ng mga stuffs ko para kahit papaano ay maging maganda naman ito.

Bumangon ako sa kama at dumiretso na sa banyo para maligo. Nang matapos ay lumabas ako at nagtungo sa walk in closet para magbihis. Merong cabinet at walk in closet ang kuwarto ko.

Pinasadya ko talagang lagyan ito dahil sa cabinet ko nilalagay ang mga old stuffs ko na hindi ko na masyadong nagagamit. Samantalang sa walk in closet ko naman nilalagay ang mga bagong stuffs ko, like dress, pants, shorts, t-shirt, sling bag and shoes.

Suot ang isang over-sized pink t-shirt and black short ay lumabas ako sa walk in closet at nagtungo sa vanity mirror. Tinignan ko ang kabuuan ko at napanguso ako nang mapagtanto kung gaano talaga ako ka pangit.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon sa Mall kung saan pinahiya ako at sinabihan ng pangit sa harap ng maraming tao. Hindi dapat ako nasasaktan sa gano'ng salita kasi sanay naman na ako. Pero minsan hindi ko pa rin talaga maiwasan.

Umuwi agad ako kahapon sa bahay matapos ang pangyayaring 'yon. It was the most embarrassing moment of my life. Kasi nasanay ako na palaging sa school lang ako binubully kaya hindi ko inaasahan na nangyari 'yon sa'kin kahapon.

Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan nang maigi ang aking mukha. Mula sa kilay kong sobrang kapal na medyo makalat tignan, ang mga mata kong kulay brown na may mahabang pilik-mata, ang matangos kong ilong, ang mapula at manipis kong labi.

Medyo malaki ang pisngi ko na minsan ay nagmumukha na 'kong siopao. Napanguso ako nang makita ang kabuuang mukha ko sa malapitan.

Pero bakit ba sobrang judgemental ng mga tao?

Bakit imbes na tanggapin nila ang ganitong mukha ay mas lalo pa nilang ini-insulto? Minsan hindi ko maintindihan ang mga utak nila eh.

Maputi rin naman ang balat ko at sobrang kinis katulad ng ibang babae. Pero bakit hindi pa rin ako maganda?

Napabuntong hininga na lang ako at umalis na sa harap ng vanity mirror. Nagtungo ako sa bed side table at kinuha ang salamin sa mata.

Hindi naman gano'n kalabo ang paningin ko pero hindi ako sanay na hindi nagsusuot nang salamin.

Tinali ko ang buhok ko sa messy bun at nang matapos ay lumabas na 'ko ng kuwarto.

Naabutan ko si Yaya na nagluluto nang makarating ako sa dining room.

"Ano po 'yan, Ya?" Tanong ko rito at lumapit sa ref para kumuha nang tubig.

Nilingon ako saglit ni Yaya at ibinalik din agad sa kaniyang niluluto.

"Sweet and sour, hija. Teka, gutom ka na ba? Sandali na lang at maluluto na ito,"

Lumapit ako ng bahagya sa puwesto niya at sinilip ang kaniyang niluluto. Biglang kumalam ang sikmura ko nang maamoy ito.

"Ang bango naman ho, Yaya. Mukhang masarap!" I giggled.

Natawa naman si Yaya nang mahina.

"Oo hija sobrang masarap ito. Kaya saglit na lang ay patapos na 'ko. Kung nagugutom ka na aba'y umupo ka na roon at pagsisilbihan kita,"

"Naks ang sweet naman ng Yaya ko. Hindi pa naman po ako gutom kaya take your time po muna. Maglilinis lang ako ng kuwarto ko,"

"H-ha? Maglilinis ka? Aba't h'wag na at ako ang dapat gumagawa no'n." Natataranta niyang sambit.

Nilapag ko naman sa mesa ang hawak kong mug na may lamang tubig at hinawakan si Yaya sa magkabilang balikat. Naglalambing akong humilig do'n.

"Let me do it, yaya please? Atsaka you're busy naman right now kaya ako na lang po ang maglilinis,"

"P-per---

"Wala rin po kasi akong gagawin kung sakaling ikaw ang maglilinis ng kuwarto ko, Yaya." Narinig kong napabuntong hininga si Yaya nang marinig ang sinabi ko.

"Oh s'ya sige at mukhang ika'y disidido nang maglinis," aniya at sumuko rin.

Umayos ako ng tayo sa gilid iya at patagilid din siyang niyakap.

"Thank you, Ya. You're the best!"

Sinimulan ko na ang paglilinis sa kuwarto. I swept and mop the floor, pinalitan ko rin ang mga kurtina at bed sheet ko. Inayos ko ang mini library sa kuwarto, iniba ko rin ang arrangement ng mga stuffs ko at nang matapos ay ang banyo naman ang nilinis ko.

Kaya nang matapos ay basang basa ako ng pawis. Para akong naligo dahil sa sobrang basa. Kumuha ako nang towel at pinunasan ang pawis ko sa noo, leeg at ang paghuli ay ang aking likod.

Nang hindi pa makuntento ay napagdesisyonan ko na lang na maligo ulit. Suot ulit ang isang over sized white t-shirt and jogging pants ay lumabas ako ng kuwarto at bumaba sa dining area para kumain.

Wala sina Mama at Papa ngayon kaya mag-isa lang akong kumakain. Hindi na 'ko magtataka kung busy na naman sila sa kompanya.

Binilisan ko ang pagkain at nang matapos ay umakyat na 'ko sa kuwarto. Nilabas ko mula sa bag ang aking notebook at mga libro para sagutin ang mga assignments na hindi ko pa natatapos.

It wasn't that hard anyways kaya madali ko 'yong natapos. Binalik ko ulit sa bag ang mga gamit ko pagkatapos ay nagtungo ako sa gilid ng aking cabinet para kunin ang guitara.

I went in the terrace of my room at umupo sa upuan na naro'n. Inalis ko ang malaking salamin sa 'king mata at tinali ang buhaghag kong buhok into a messy bun.

Hindi naman gano'n kalabo ang mga mata ko kaya okay lang kahit hindi ako magsuot nang salamin. Actually it wasn't my first time not to wear my glasses because I usually do it dito sa bahay.

Nagsusuot lang naman ako ng salamin sa t'wing nagbabasa ako nang libro o nasa school ako. Pero kapag nasa bahay naman ay hindi ko ito sinusuot.

Sinimulan kong i strum ang guitara. Since I don't have any plans today magmumukmok na lang ako rito sa bahay. Ayoko rin gumala ngayon kasi gusto kong umiwas sa gulo.

Facing people brings trouble. Alam ko naman na makita lang nila ako ay hindi na makakabuti pa. I still remember what happened yesterday that's why as long as kaya kong umiwas ay ako na lang ang mag aadjust.

I couldn't understand people nowadays. They were so mean and judgemental. Tila lahat ng bagay ay binibigdeal na nila.

I need to breathe and relax myself down. Pagkatapos nang ilang strum ko sa guitara ay namalayan ko na lang ang aking sarili na kumakanta.

I guess I just got lost

Being someone else

I tried to kill the pain

But nothing ever helped

Napapikit ako habang patuloy na kumakanta. Hinayaan kong liparin ng hangin ang buhok ko.

I left myself behind

Somewhere along the way

Hoping to come back around

To find myself someday

Masyado na 'kong nalunod sa kanta at hindi ko na kayang iahon ang aking sarili. Hinayaan ko lang ang sarili kong namnamin ang ganitong sandali ng buhay ko.

Pakiramdam ko bumalik ako sa panahong bata pa 'ko. That time I was so happy and everybody loves me. That time I feel loved and accepted.

Compare now. Everything changed. My life today wasn't the same anymore like before. And it hurts me so big time.

Kung noon nagawa akong tanggapin at mahalin ng mga tao bakit ngayon hindi na? Bakit hindi na nila matanggap ang tunay na ako?

Kung noon hindi nila ako kayang saktan pero bakit ngayon ay kulang na lang iparamdam nila sa akin na hindi ako sapat?

Lately I'm so tired of waiting for you?

To say that it's ok

Tell me please

Would you one time just let me be myself

So I can shine

With my own light

Let me be myself

Hindi ko namalayan na may luhang tumutulo na pala sa'king pisngi habang kinakanta ang lirikonh iyon.

I feel like the lyrics of the song was for me. Na tila ginawa ito para sa'kin.

I smiled weakly at the thought and I stopped from strumming my guitar. I slowly opened my eyes and looked at the bright sky.

Memories of the past keep on flashing on my mind. Minsan hindi ko maiwasan tanungin ang sarili ko.

Kailan ko pa ba ulit mararanasan ang pakiramdam na tanggap ka ng mga tao? Na mahal ka ng taong mahal mo?

Kailan ko pa mararanasan ang maging malaya at gawin lahat ng gusto ko?

Ang unfair ng mundo sa'kin. Bakit sa dinami dami ng tao ako pa ang napili nitong pahirapan at saktan?

Hindi madali sa'kin ang lahat lalo na't kailangan ko pang manglimos ng oras, atensiyon at pagmamahal sa mga tao.

Hindi madali sa'kin na ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila.

Masakit, oo. Sobrang sakit. But do I have really a choice?

May choice pa ba ako para piliin ang sarili ko?

Kasi kung oo, handa akong gawin iyon maging malaya lang ulit ako.

Handa akong gawin ang lahat bumalik lang ang dating ako.

Because right now at this moment, I felt alone and lonely. Na wala akong masasandalan sa ganitong pagkakataon.

Muli kong pinagtutug ang gitara at hinayaan ulit ang aking sarili na lunurin ng musika.

Nang sa gano'n kahit papaano ay maramdama ko rin ang panandaliang kalayaan sa piling ng... pagkanta.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status