Chapter 8
Maaga akong pumasok sa school kinabukasan ng lunes. Pagdating ko sa classroom ay hindi ko nadatnan si Irish sa kaniyang upuan.
Nagtataka akong napatingin sa wrist watch ko. Malapit ng mag start ang klase ba't wala pa s'ya?
Kilala ko si Irish. Early bird siyang klaseng tao. Sa aming dalawa parati siya ang nauuna sa'kin sa school at minsan lang siya ma late.
Pero hindi late to the point na malapit na talaga mag start ang first period.
Dumiretso ako sa upuan ko at umupo. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa na minsan ko lang ginagamit at chineck kung may message ba si Irish.
Nang makitang may isa akong mensahe sa inbox ay mabilis ko itong binuksan at binasa.
Irish:
Trix, absent ako ngayon. May pupuntahan kami ni Mommy na importante. Ikaw na bahala sa teachers natin ha? Thanks!
Nang mabasa ang text ay napanguso akong ibinalik ang cellphone sa bulsa. Saktong pumasok na sa loob ng room si Ms. Helena kaya umayos na 'ko ng upo.
Nagsimula na siyang magturo at do'n ko na lang itinuon ang buong atensiyon ko. Nag discuss lang siya at nagbigay nang short quiz.
Nagsunod-sunod ang labas pasok ng subject teachers namin at wala akong ibang ginawa kundi ang makinig sa klase.
Kaya nang sumapit ang break time ay lumabas ako sa room at dumiretso sa cafeteria. Hindi ako sanay na hindi kasama si Irish sa t'wing break time pero wala akong choice dahil nagugutom na talaga ako.
Bakit naman kasi hindi ako kumain kanina ng marami?
"Oh, himala at mag isa lang ang pangit na 'yan?"
"Nasa'n na ang kaibigan niyang feeling hero?"
"Look at her kawawang pangit mag-isa lang na kakain,"
"Hahaha ano pa ba ang aasahan mo sa mga nerd? Kaya nga sila tinawag na loner 'di ba?"
Bulongan agad ng mga tao ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa cafeteria. Napailing-iling ako sa mga sinasabi nila.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nakayukong nagtungo na lang ako sa counter para bumili nang pagkain.
"Pabili po nito." Itinuro ko sa cashier ang sandwich at chuckie.
"Psh. Bakit may pangit na bumibili rito?"
Napatingin ako sa kaniya nang ibulong niya ang salitang iyon. Hindi naman gano'n kalakas ang boses niya pero dahil malapit lang siya sa'kin ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi niya.
Padabog niyang kinuha ang order ko at titingin sa'kin pagkatapos ay iirap. Napabuntong hininga ako at hinintay na lang ang order ko.
Good thing is ako lang ang nakapila ngayon at walang may nakasunod sa akin.
"Oh, ito! Bayad na, bilis!" Napahugot ako ng malalim na hininga sa iniasta ng cashier.
Kumuha ako ng pera sa bulsa ng palda ko at ibinigay sa kaniya. Padabog niya ulit itong kinuha at inirapan ako.
"Alis na! Malas ng mukha mo!" Malakas niyang sabi dahilan para marinig ko ang malakas na tawanan sa paligid.
"HAHAHAHA BURN!"
"BOOO! PANGIT HAHAHAHA."
"SHUU! SHUU! BAWAL PANGIT DITO SA XAVIER!"
Nakagat ko ang aking labi at napayuko dahil sa narinig. Napuno nang tawanan at bulongan ang loob ng caf. Narinig ko ang matinding panlalait nila tungkol sa akin.
Ayoko na silang patulan. Gusto ko na lang umalis dito at umiwas sa gulo.
Bitbit ang sandwich at chuckie na binili ko ay nakayuko akong umalis sa counter. Hindi ko na pinansin ang paligid at basta na lang akong humakbang para makalabas nang cafeteria.
Malapit na 'ko sa exit ng caf ng may humarang sa daraanan ko. Tamad akong napaangat nang tingin at tinignan ito.
Tatlong mga babae ang nakaharang sa exit ng caf habang nakatingin sa akin at nakataas ang kanilang kilay.
"Excuse me you're blocking the way," sabi ko sa kalmadong paraan.
Hindi ako nagpakita kahit na anong emosyon sa mukha.
Hindi ko kilala ang mga ito pero alam ko na mga seniors na sila dahil sa kanilang uniform.
Pero imbes na paraanin ako ay nginisihan lang nila ako. Humakbang 'yong isang babae na nasa gitna palapit sa akin. She crossed her arms on her chest at ngitian ako ng nang-uuyam.
Sa itsura pa lang nito alam ko ng mahilig itong makipag-away.
"So? Who cares?" aniya.
"Walang may pakialam pero dadaan ako," sagot ko.
"Paano kung ayaw namin? May magagawa ka ba?" she asked and pouted her lips. Talagang nang-aasar ang kaniyang itsura.
Napabuntong hininga ako at sinilip ang wrist watch. 5 minutes na lang ang natitira sa break time namin bago magsimula ang next subject.
Nag-angat ako ng tingin sa harapan.
"Miss whoever you are wala akong oras makipag biruan sa'yo. Kung wala kayong klase para mag aksaya ng oras sa'kin, pwes ako meron." Buong tapang kong sagot na ikinalaki nang mata niya.
Narinig ko rin ang mahinang pagsinghap sa paligid dahil sa sagot ko. Lihim kong kinagat ang loob ng aking pisngi at kinurot ang sariling daliri dahil sa katangahang ginawa.
Shit!
Nakita ko ang pagbabago ng emosyon sa mukha ng babaeng kaharap ko. Kung kanina ay puno ng pang aasar ang nakikita ko sa mukha niya ngayon naman ay nanlilisik na ang kaniyang mga mata.
Bago pa ako masabogan sa kaniyang galit ay mabilis ko na siyang nilampasan.
Ngunit agad din akong napatigil nang marahas niya akong hawakan sa braso at walang awang itinulak sa sahig dahilan para mapasubsub ako sa semento.
Ang mahinang singhap na narinig kanina ay biglang lumakas at dinagdagan pa ng mga bulongan dahil sa ginawa sa'kin ng babaeng ito.
Napapikit ako sa sakit na naramdaman.
"Ang lakas ng loob mong sagutin ako pero ang lampa lampa mo naman!" Galit na galit ang boses nitong sambit. "Wala kang karapatan na sagutin ako! You freaking nerd!"
Napayuko ako nang maramdaman ko ang malamig na likidong dumaloy sa ulo ko at ang pagkabasa nang damit ko sa likuran.
"Isa ka lang b****a kaya wala kang karapatan sumagot!" dagdag nito at bahagya pa akong sinipa sa paa.
Maya-maya lang ay naramdaman ko nang pinagbabato ako nang kung anu-ano. Hindi lang iisa o dalawang beses iyon dahil maraming beses. Hindi lang iisa o dalawang taong gumawa no'n kundi marami.
"Freak!"
"Pangit!"
"Nerd,"
"You're not belong here!"
"Lumayas ka sa school na 'to!"
"Hindi ka welcome rito!"
"Ang malas mo!"
"Malas ka sa school na ito!"
"Wala kang lugar dito!"
"Isa kang shit sa lipunan!"
"Kadiri ka! Ew, yuck!
"Paano ba 'yan nakapasok dito?"
"She doesn't belong here!"
"Pangit! Pangit! Pangit!"
"Mangkukulam!"
Iyon lahat ang mga salitang narinig ko sa paligid. Mas lalo akong napayuko at hindi alam ang gagawin sa mga oras na 'to. Hinayaan ko lang silang ipagbabato ako ng kung anu-anong b****a habang sinasabihan ng masasakit na salita.
Hindi ako nang laban o kahit ang tumayo man lang ay hindi ko ginawa. Kinagat ko ang sariling labi upang pigilan ang pagtulo nang aking luha.
Of all people in the world bakit ako pa ang napiling parusahan ng ganito? Hindi ba 'ko naging mabait na anak kaya ko nararanasan lahat ng 'to?
Gusto kong tanungin ang sarili ko o ang tadhana. Bakit ako? Wala naman akong ibang hangad sa mundong ito kundi ang mamuhay ng payapa pero bakit ganito ang ibinigay sa'kin?
Hindi ko ba talaga deserve maging masaya? Kahit... panandalian lang?
To be continued...
Chapter 8.1Masakit.Iyon ang salitang naging dahilan nang pagkasira ko.Ang salitang iba't ibang emosyon ang binibigay sa pagkatao ko. Ang salitang nararamdaman ko ngayon.Bakit ganito? Bakit ganito ang buhay ko? Bakit ganito ang binigay sa akin ng mundo?"Mga pangit na katulad mo ay hindi dapat narito!""Lumayas ka sa school namin, malas ka rito!""PANGIT! PANGIT! PANGIT!""Ang mga pangit ay walang lugar sa mundo namin!"That's it? Just because I have that freaking ugly creature face does it mean na hindi na 'ko belong dito? Does it mean na hindi na ako nababagay sa mundong meron sila?How could people say that so easily? How could they judge the person without knowing them properly?"SHUU! SHUU! SHUU!""Bakit ba siya nakapasok dito? Hindi siya nababagay rito!""Siguro ginamit niya ang pagpapaawa effect kaya siya pinapasok dito. Gosh!""Your face is disgusting, yuck!""Mangkuku
Chapter 9I AM FREE. Free from mess. Free from everything.If it's just a dream then I don't want to wake up anymore. I'd rather live in my dreams than to live in reality.Because in my dreams, I am free. No haters, no bullies and no toxic people.If I would be given a chance to choose what I want, I would rather choose the place where I could find my own peace. A place where I could enjoy every moment of my life.Not like this one. Never in my dreams I wish to have a life like this. Nasasaktan ako sa uri ng buhay ko ngayon.Hindi ko alam kung sino ang malalapitan at ang mapapagkatiwalaan. Dahil sa totoo lang napapaligiran ako ng mga taong walang ibang ginawa kundi gawing miserable ang buhay ko.Muling umagos ang luha sa aking pisngi kaya mabilis ko itong pinunasan. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala at malalim ang iniisip.Basta ang alam ko kanina pa. Kanina pa ako narito at patuloy na inaala
Chapter 10"OKAY CLASS, wear your PE uniform and proceed to the soccer field," anunsiyo ni Mrs. Romero, PE teacher namin at lumabas na ng classroom.Iyon agad ang bungad sa'min kinabukasan ng martes."Grabe naman 'yon kakasimula pa lang ng klase may PE agad," bulong ni Irish sa'king tabi nang mawala si Mrs. Romero.Nilingon ko siya at nagkibit balikat ayaw nang magsalita pa. Totoo naman kasi ang sinabi niya hindi pa man gano'n nagtagal ang klase pero may ganito na agad."Tara na magbihis na tayo," sabi ko sa kaniya at tumayo na.Kinuha ko ang dala kong paper bag at nanguna nang lumabas sa classroom. Mabilis din namang sumunod si Irish sa'kin.Habang naglalakad sa hallway papuntang CR ay walang tigil na naman ang bulongan ng mga tao sa paligid."Uy, girl alam niyo ba 'yong bagong chismis?""Anong chismis?""Iyong nangyari sa cafeteria kahapon girl, ano ka ba? Hindi mo alam?""Ako, ako alam ko ang
Chapter 10.1MABILIS na nagsimula ang huling laro. Nagtuloy-tuloy ulit ang matinding laro sa pagitan ng dalawang team. Naging mas lamang ulit ang team namin ni Irish kompara sa team ni Aubrey.Habang nasa court kami ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ni Aubrey sa'kin. Mas lalo pang sumasama 'yon nang makita niyang malaki na ang lamang ng score namin sa kanila."We can't be lose!" Dinig kong sigaw niya sa ka teammate niya nang muling sumapit ang 5 minutes break.Uminom kami ulit ng tubig pagkatapos ay bumalik din naman agad sa court."C'mon team, we can do it!" Sigaw ni Irish nang pumito na ang referee.Nasa amin ang bola ngayon. Pumwesto si Irish sa likuran at siya ang naka assign para mag spike nang bola. Pinasa nina Je-an ang bola kay Irish at hindi naman siya pumalya sa pagtira.Napalingon ako sa team nina Aubrey at nakita kong nasangga nila ang bola at nagawang ibato pabalik sa amin. Naging alerto naman kaming lahat at ibinato r
Chapter 10.2"K-KAIRO..." sambit ko sa pangalan niya.Tinignan niya rin ako sa mga mata bago ako binigyan nang isang nakakamatay na ngiti."Let me help you, Trixie..." anito at bigla na lang hinawakan ang dalawang kamay ko at agad akong pinatayo mula sa pagkakaupo.He hold my hand tightly at akala ko ay bibitiwan na niya ang kamay ko pero nagulat ako dahil hindi 'yon nangyari.And before I could even protest ay mabilis na niya akong hinila paalis sa lugar na iyon at kinaladkad.Narinig ko ang malakas na pagsinghap nina Aubrey at ng mga kaibigan niya dahil sa ginawang paghila sa akin ni Kairo.Shit!Hindi ko magawang makapalag sa ginagawang paghila ni Kairo sa'kin ngayon. Nanatili pa rin akong gulat at hindi makapaniwala.Totoo ba talaga ito? Totoo ba talagang hinahawakan niya ang kamay ko at hinihila ako? Hindi ba 'ko nananaginip?Kasi parang ang hirap paniwalaan ang ganito.Isang Kairo Ac
Chapter 11NAKATULALA ako habang pinagmamasdan ang pagkain na nasa harapan ko ngayon. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ni Irish pero ang isip ko ay lumilipad sa ere.Hindi ko man lang magawang sumubo. Kanina pa may gumugulo sa isipan ko na hindi ko mawari. Napabuntong hininga ako nang malalim.Hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga na 'ko simula pa kanina."Earth to Trixie!" Napukaw ang atensiyon ko nang pumalakpak si Irish sa aking harapan.I blinked twice before I finally realized that I'm spacing out. Napakurap-kurap ako at saka ko lang napagtanto na kanina pa nakatitig si Irish sa'kin.Napanguso ako sa kaniya."Ba't ka nakatitig?" Tanong ko sa kaniya.Naningkit naman ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako."Anong nangyari sa'yo at kanina ka pa wala sa sarili?"Napaiwas naman ako nang tingin bago umiling."Wala, napuyat lang ako," sabi ko at wala ng balak sabihin sa kan
Chapter 12"The nerve of that bitch! Anong karapatan niyang sampalin ka ng gano'n?!"Naitikom ko ang bibig sa sinabi ni Irish. Kanina pa siya bumubulong sa tabi ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makalma.Kahit nakarating na kami sa likod building ng room namin ay nanatili pa rin siyang nanggigigil sa nangyari sa caf.Sa totoo lang hindi ko pa rin magawang i sink in sa utak ko ang nangyari kanina lalo na ang ginawa ni Irish.Ibang-iba talaga siya sa kilala ko at kanina ko lang talaga siyang nakitang ganoon. Hindi ko rin maiwasang kabahan kasi baka balikan siya ni Krezha at paghigantihan.At iyon ang ikinatatakot ko ng husto kasi hindi ko kayang makitang madadamay si Irish sa gulo ng buhay ko."Kung hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina hindi lang sampal ang inabot nang babaeng 'yon sa'kin!" ani ni Irish.Napabuntong hininga ako at mariing napapikit pagkatapos ay nagmulat din agad at nilingon siya.
Chapter 12.1Napakunot ang noo ko nang makita itong nakangisi habang nakatingin sa'min ni Irish."Wait a minute," anito.Tinitigan ko siya nang mabuti. She's very familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita."Excuse me, nakaharang ka sa daan," mahinahon kong sabi sa kaniya pero imbes na tumabi ay mas lalo pang lumaki ang ngisi sa kaniyang labi.She even crossed her arms on her chest."So? Who cares anyway?""P'wede ba miss? Wala kaming oras sa kalokohan mo kaya kung puwede tumabi ka riyan?" Naiinis na sabi naman ni Irish kaya mabilis na napabaling nang tingin ang babaeng nasa harapan namin kay Irish.Hindi ito nagsalita. Nakangisi lang itong nakatingin kay Irish at umiling-iling. Nagtaka ako bigla nang mabilis siyang tumabi sa gilid at binigyan kami ng daan.I kinda felt weird pero imbes na intindihin pa 'yon ay naglakad na lang kami ni Irish at nilampasan siya.Per