Share

Chapter 6

Chapter 6

"SANA hindi mo na 'ko pinigilan kanina Trixie, edi sana naipag higanti kita sa babaeng 'yon!" Sigaw ni Irish nang makapasok kami sa loob ng CR.

"Ayoko ng gulo Irish kaya hayaan mo na,"

"S'ya ang unang nanggulo Trixie. Wala siyang karapatan na ipahiya ka roon!"

"Alam mo naman ang ugali ni Krezha 'di ba? Kaya hangga't maari ay tayo na lang ang umiwas sa gulo," sabi ko.

Pagkatapos naming umalis sa cafeteria ay dumiretso kami ni Irish sa CR para magbihis. Masyadong marami ang binuhos ni Krezha na tubig kanina dahil nabasa talaga ang blouse ko.

Mabuti na lang palagi akong may extra na damit sa locker kaya may pampalit ako.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Irish pero hindi naman nagsalita. I inserted my white t-shirt in my skirt at hindi pinansin si Irish.

Nakita ko sa repleksiyon ng salamin na titig na titig siya sa'kin.

"Bakit ba masyado kang mabait, Trix?" Napatigil ako sa'king ginagawa dahil sa tanong niya.

Diretso ko siyang tinignan sa salamin at mapait na nginitian.

Siguro nga masyado akong mabait para hayaan silang alipustahin ako at hayaan na 'wag tratuhin na parang isang tao.

"May hangganan ang kabaitan ko Irish. Kaya hangga't kaya ko pang magtiis, iiwas ako sa gulo."

Lumabas din kami ni Irish sa CR pagkatapos nang pag-uusap namin at dumiretso na sa classroom. Saktong pagdating namin ay tapos na rin ang break time.

Ilang sandali lang din ay pumasok na si Miss Iren ang filipino teacher namin.

Hindi tulad kanina na sunod-sunod ang quizes sa nauna naming subject ngayon naman ay puro discuss lang ang ginagawa at dismiss agad.

Kaya no'ng sumapit ang lunch break ay pumunta ulit kami ni Irish sa cafeteria para bumili nang pagkain. Naroon pa rin ang bulongan sa paligid sa t'wing nakikita nila ako lalo na si Irish pero hindi na lamang sila namin pinapansin.

"Trixie, sabay na tayong umuwi," sabi ni Irish nang sumapit ang hapon at kakalabas lang nang teacher namin sa huling period.

"Sige ba," sagot ko at inayos na ang sariling gamit.

Nang matapos ay sabay na kaming lumabas sa school at dumiretso sa parking lot. Good thing was that, Irish has her own car. She can drive me home.

"Sana all talaga pinapayagan nang magmaneho." Pagpaparinig ko nang makapasok sa front seat.

Pumasok na rin si Irish sa driver seat at natatawa niya akong tinignan.

"Daddy's girl eh." Kibit balikat niyang tugon.

"Edi ikaw na. Sana all." Napanguso ako.

How I wish I was like her too. Pinapayagan nang gawin ang kahit na anong gusto without even thinking anything. Napaka swerte ni Irish sa mga magulang niya, masyadong supportive.

At the age of 16 she finally got her license to drive her car. She can explore the world if she want to. Nakakainggit lang kasi magkasing edad lang kaming dalawa ni Irish but then our parents wasn't the same.

She had a very supportive parents while me? Sobrang strict at wala nang ibang ginagawa kundi pangaralan ako at ipagawa sa'kin lahat ng kanilang gusto.

Hinatid ako ni Irish sa bahay kaya mabilis ko siyang pinasalamatan pagkatapos ay bumaba na sa kaniyang kotse.

"Nakauwi na ba sina Mama at Papa, Ya?" Tanong ko kay yaya nang makapasok sa living room.

"Hindi pa hija pero baka maya-maya ay narito na sila." Tumango ako sa sinabi niya pagkatapos ay nagpaalam din na pumasok sa kwarto para magbihis.

Dalawang araw na ang nakalipas matapos 'yong nangyari sa'min ni Papa. At sa loob ng dalawang araw na 'yon ay hindi niya 'ko kinikibo. Tanging si Mama lang ang kumakausap sa'kin pero sa malamig na paraan.

Hinayaan ko na lang sila at hindi na nagreklamo pa.

"How's your school, Zialla?" Natigilan at nagulat ako nang magsalita si Papa kinabukasan ng sabado.

Kakaupo ko pa lang sa upuan ko at handa na sanang kumuha nang pagkain ng bigla siyang magsalita dahilan para matigilan ako.

Nasanay ako na hindi siya kumikibo sa t'wing nagsasabay kaming kumain t'wing umaga kaya nagulat talaga ako ngayon.

"I'm d-doing my best, Pa," sagot ko. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

"And what kind of best is that?" malamig ang boses niyang tugon.

Napahugot ako nang malalim na hininga at pumikit sandali para pakalmahin ang sarili. Nagmulat ako nang mata at dahan-dahang tinignan si Papa.

Abala siya sa kaniyang pagkain at hind ako tinitignan. Nanatili itong nakayuko at ngumunguya.

Sinulyapan ko rin si Mama pero tulad ni Papa ay hindi rin ito nakatingin sa'kin. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot.

"I'm always active saka kakasimula pa lang ng klase at sa mga test," bulong ko at nagsimula nang sumubo.

"That's good. Do your best and prove yourself,"

Tipid akong ngumiti sa kawalan at tumango na lang. Ano pa ba ang aasahan ko? Palagi namang ganito.

Pinilit ko ang sarili kong kumain kahit pa nawalan na 'ko ng gana. I don't know what to feel anymore.

Pakiramdam ko lahat ng ginagawa ko ay hindi pa rin sapat. Kahit siguro ibuhos ko na lahat ng best ko ay wala pa ring ibang sasabihin si Papa maliban sa salitang 'good'.

My best will never be enough for him. At hindi ko alam kung kailan ko pa maririnig sa kaniya ang salitang 'proud ako sa'yo anak.'

Bago pa 'ko maging emosyonal sa harap nila ay mabilis ko nang tinapos ang almusal at nagpaalam sa kanila.

Balak kong pumuntang book store ngayong araw para bumili nang libro. Kaya pumasok ako sa kuwarto at nagbihis.

Suot ang isang black jogging pants, oversized white T-shirt and white slippers ay lumabas na 'ko ng kuwarto.

"Where are you going?" Tanong ni Papa nang makita akong pababa nang hagdan.

Nasa living room s'ya at may kung anong ginagawa sa laptop. Nanatiling tutok ang atensiyon niya roon na kahit ang pagsulyap lamang sa akin ay hindi niya pa magawa.

Nakagat ko ang aking labi dahil sa naisip at naglakad palapit sa kaniya.

"Pupunta lang po akong book store at bibili nang libro," sabi ko nang huminto ako sa harapan niya.

Hindi s'ya sumagot nanatili lamang siyang nakatingin sa laptop at abala sa pagtatype. Nang wala pa rin siyang imik ay dahan-dahan akong humakbang paatras.

"You better go home early." Napatigil ako sa akmang pagbukas nang pinto nang magsalita si Papa.

Nilingon ko siya at hindi pa rin siya nakatingin sa'kin. Napayuko ako nang makaramdam nang kirot sa puso ko.

It's okay, Trixie. It's okay.

"Okay po,"

Pigil ang emosyon ay lumabas na 'ko ng bahay at pumasok sa kotse. Sinabi ko kay Manong Berto ang pupuntahan ko kaya ilang saglit lang ay pinaandar niya na ang sasakyan.

Ang bigat-bigat ng dibdib ko sa t'wing gano'n ang pakikitungo ni Papa sa'kin. Ang sakit lang kasi para niya akong kinakahiya dahil hindi niya 'ko magawang matignan.

Kinakausap niya nga ako pero hindi sa paraang maramdaman ko ang halaga ko. Ilang taon ko na bang tiniis ang malamig na pakikitungo ni Papa sa'kin? Hindi ko na matandaan.

Basta ang alam ko lang ay bigla na lang siyang nagbago sa isang iglap.

Was it because of my stupidity way back? If that was the case then maybe I suffered enough. Dahil sa malamig na pakikitungo nang aking ama siguro sapat na iyon para pagbayaraan ko kung ano man ang ginawa ko noon 'di ba?

But why do I feel like everything wasn't still enough for Papa?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagdating sa pamilya ko mahina talaga ako.

Pagkarating ko sa Mall ay mabilis akong dumiretso sa book store. Naagaw ko na naman ang atensiyon ng karamihan pagka pasok ko pa lang pero hindi ko na sila pinansin pa.

Kinuha ko ang isang nobelang kumuha nang atensiyon ko at ang librong makakatulong sa pag-aaral ko. Nang makuha ko na lahat ng kailangan ko ay dumiretso na 'ko sa counter at nagbayad.

Nakita ko ang pagngiwi at pagkunot noo nang cashier nang makita ako. Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa at tumagal ang tingin niya sa buhok kong buhaghag. Gusto kong umirap sa kaniya pero pinigilan ko na lang.

Hindi ko na pinansin ang itsura niya at inabot na lang sa kaniya ang librong hawak ko.

"1,500 lahat," aniya sa matigas na paraan pagkatapos niyang ma scan ang items ko.

Kinuha ko sa bulsa ng jogging pants ang dalawang libong dala ko at ini-abot sa kaniya. Padabog niya naman itong kinuha.

Mahina akong napabuntong hininga at kinuha ang plastic bag sa 'king harapan.

"Oh, ito." Inabot niya sa'kin ang sukli. "H'wag ka ng bumalik dito," dagdag niya pa sa mapang-uyam na paraan.

Pinigilan kong 'wag sumagot at basta na lang ding hinablot sa kaniya ang sukli ko. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko dahil napaawang ang kaniyang bibig.

Mabilis ko siyang tinalikuran at lumabas nang store.

Bakit ba may mga taong gano'n? Mga walang modo. Biniyayaan naman sana ng magandang mukha pero hindi naman maganda ang ugali. Psh, sayang din.

Naglakad ako palabas nang mall dala ang plastic bag. Nakayuko ako at ayaw salubungin ang mapanghusgang titig ng mga tao sa paligid.

Malapit na 'ko sa entrance ng mall at handa na sanang lumabas nang bigla akong binangga nang kung sino dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Ops! Sorry,"

Nabitiwan ko ang hawak kong plastic bag at napaigtad dahil sa sakit na naramdaman sa may puwetan.

Dahil nakayuko ako ay hindi ko agad nakilala ang bumangga sa'kin.

"Sa susunod kasi tumingin-tingin ka sa dinaraanan mo hindi 'yong tatanga-tanga ka," sabi nito.

Tumingala ako para makita s'ya pero hindi ko ito kilala. Sino na naman ito? Anong kasalanan ko't binangga niya 'ko?

Isang babaeng nakasuot nang croptop white and denim short. Nakalugay ang brown na buhok at lumilitaw ang kaputian. She's pretty but I don't know her.

Tinaasan niya 'ko ng kilay nang makita niyang nakatitig ako sa kaniya.

"What are you looking at, nerd?" Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at hindi s'ya sinagot. "Ang pangit mo na nga ang tanga mo pa. Gosh!" Maarte niyang dagdag at nilampasan ako.

Umalis s'ya na hindi man lang ako tinulungang makatayo.

Nakagat ko ang aking labi at inayos ang salamin sa mata. Narinig ko ang mahinang tawa at bulongan sa paligid.

Bakit ganito? Gusto ko lang naman sana nang tahimik na araw. Iyong walang bumubully sa'kin at malaya akong gawin ang gusto ko. Pero bakit napakahirap naman gawin 'yon?

No'ng una ay ang cashier sa loob ng book store tapos ngayon heto sinadya pa akong banggain at ininsulto. Sinadya nga ba ang pagbangga sa'kin o talagang tanga lang ako?

Gusto ko na lang umiyak sa kamalasan ng buhay ko. Gusto ko na lang umalis sa mundong meron ako. Kasi sa totoo lang pagod na akong manglimos ng pagmamahal at atensiyon sa mga tao.

Saan pa ba ako lulugar sa mundong ito? Everybody hated me. Everybody doesn't love me.

Tanging sarili ko na lang ang meron ako at iyon ang pinaka masakit na katotohanang kailangan kong tanggapin.

Na walang kahit sino ang tatanggap at magmamahal sa'kin.

To be continued...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status