Share

Chapter 2.1

Chapter 2.1

NAKATAAS ang kilay ni Krezha habang nakatingin sa'kin at may nakakalokang ngisi sa kaniyang labi. 

Sa kaniyang likod naman ay naroon ang kaniyang mga kaibigan na nakangisi rin nang nakakaloka. 

Binalingan ko nang tingin si Irish na nakatitig din sa kanila at marahan siyang kinalabit.

"Mauna ka na muna sa room, Irish," mahinang usal ko. 

Mabilis siyang napatingin sa'kin at napakunot noo.

"Hindi kita iiwan dito, Trix. Baka kung ano pa ang gawin nila sa'yo," aniya. 

May bahid na pag-aalala ang kaniyang boses. 

Pero mas lalong ayoko rin na madamay ka pa sa gulong ito dahil sa'kin. Ayokong pati ikaw ay pag initan nila.

Nais ko sanang isatinag 'yon pero hindi ko na lang ginawa. Sa halip ay nginitian ko siya ng sinsero tila pinapahiwatig na magiging maayos lang ang lahat.

"Sige na. Susunod ako." Tinanguan ko siya. 

Tinignan niya 'ko nang mariin bago binalik ang tingin sa kanila ni Krezha. Halata sa mukha niya ang pagdadalawang isip sa gusto ko.

Pero sa huli ay wala rin siyang nagawa kundi ang tumango.

"S-sige..."

Nang tumalikod na siya ay pinanood ko ang kaniyang paglayo. Panay ang lingon niya sa akin at sa t'wing magtatama ang mata namin ay ngini-ngitian ko na lamang siya.

Halata sa mukha niya ang lungkot lalo sa mga mata niya.

I'm sorry, Irish. Ayos lang sa akin kung ako lang ang masaktan huwag ka lang madamay.

Hindi ko yata kakayaning manahimik sa isang tabi kung sakaling masaktan ka.

Nang hindi ko na siya matanaw pa ay binalik ko ang tingin kay Krezha. Tinignan ko siya gamit ang blangko kong mukha.

"Anong kailangan mo?" malamig kong tanong sa kaniya.

Sumilay ang nakakalokang ngisi sa kaniyang labi at napailing-iling. 

Naglakad siya palapit sa'kin. Hindi ako umatras at pinatili ko ang blangko kong mukha habang nakatingin sa kaniya.

"Anong kailangan ko?" Mapang-uyam niyang tanong at tinaasan ako ng kilay.

Hindi ko siya sinagot.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko, Trixie. Bakit ka pa nandito? Bakit hindi ka pa lumipat nang ibang paaralan?" 

Matalim niya akong tinignan.

Here we go again... 

Hindi ba siya nagsasawa na paulit-ulit niyang sinasabi sa akin ang tungkol dito?

Sa ilang taon kong pag-aaral dito sa Xavier nagsasawa na ang tenga ko sa paulit-ulit niyang bukang bibig.

Bakit ba kating-kati siya na mapaalis ako rito? Ano bang atraso ko sa kaniya eh hindi ko naman siya kilala maliban sa anak siya ng may-ari ng school na 'to.

"Ano bang pakialam mo?" Pabalang kong sagot sa kaniya.

Nagulat siya roon.

Narinig ko ang mahinang pagsinghap sa kaniyang likuran. 

"Anong pakialam mo kung dito ko gusto mag-aral?" dagdag ko pa.

Ang galit na mga mata ni Krezha kanina ay mas lalong dumoble dahil sa paraan ng pagsagot ko.

"Ang lakas naman ng loob mong sagutin ako!" Nagulat ako nang bigla niya akong itinulak dahilan para matumba ako at mapaupo sa semento.

Natigilan ako roon at hindi agad nakagalaw. Malakas na tumama ang pwet ko sa semento kaya mahina akong napadaing sa sakit.

Napapikit ako at nakagat ang pang-ibabang labi.

"Sino ka ba sa inaakala mo ha?! Isa ka lang b****a rito sa school na pakalat kalat!"

Napayuko ako sa sinabi niya.

Alam kong mali ang ginawa kong pagsagot sa kaniya dahil hindi madaling kalabanin ang isang Krezha Yvonne Trinidad.

Maraming nagsasabi kung gaano siya kasamang tao. Kaya niyang baliktarin ang lahat ng pangyayari mapatunayan lang na inosente siya at walang kasalanan.

At alam ko sa mga oras na ito wala akong laban sa kaniya. 

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang uniform ko bago nagsalita.

"Pasensiya ka na. Hindi ko sinasadyang sagutin ka." Yumuko ako para maging sincere ang paghingi ko nang tawad.

Pero imbes na patawarin na lang ako at hayaang makaalis ay iba ang nangyari. Tumawa nang malakas si Krezha sa nang-uuyam na paraan.

"What do you think of me, Trixie? Stupid?" 

Nakagat ko ang loob ng aking pisngi sa kabang naramdaman. 

"I'm not stupid like you para patawarin ka lang bigla. Aware ka naman siguro kung sino ako 'di ba? At alam mo rin na kung sino ang gustong sumubok na banggain ako ay may paglalagyan talaga!" Napaigtaf ako sa biglaan niyang pagsigaw.

Tuluyan na siyang sumabog sa galit.

Ito 'yong iniiwasan ko, ang magalit si Krezha. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili.

Naglakas-loob akong umangat nang tingin at sinalubong ang kaniyang mga mata.

"Oo, alam ko. Kaya nga humihingi ako nang tawad sa'yo," sabi ko sa kaniya sa mahinahong paraan. 

Ngumisi siya sa'kin nang nakakaloka at biglang pumalakpak.

"Oh, c'mon. P'wede ka nang maging artista, Trixie. Ang galing mong magpaawa." Natatawa niyang sambit.

Napaiwas naman ako nang tingin at saktong tumama 'yon sa mga kaibigan niya na nakatingin na rin sa'min. 

Mukha silang nag eenjoy habang pinapanood kaming dalawa ni Krezha.

"H'wag kang magpaawa Trixie dahil hindi ako naaawa sa isang katulad mo!" 

Malakas akong napabuntong hininga. Hindi ko matukoy kung saan nagmumula ang galit ni Krezha sa'kin.

Bakit ba galit na galit siya? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. 

Simula ng mag-aral ako rito at 'yong unang araw nang pagkikita namin ay ganito na ang trato niya sa akin. Para bang may pinagmumulan ang galit niya dahil hindi talaga siya natatahimik kapag hindi niya ako nalalait nang isang araw o kahit ang saktan nang pisikal.

Lahat ng kaniyang ginawa ay tinitiis ko at hindi siya pinapatulan. Ni hindi ko rin sinasabi sa dean ang mga pinanggagawa niya. 

Pilit ko siyang iniintindi na baka masyado lang siyang spoiled brat kaya gano'n.

Pero habang tumatagal ay palala nang palala na ang kaniyang ginagawa.

Hindi ko na siya maintindihan. Minsan nalilito na rin ako sa pinapakita niya. Para bang matagal na siyang may galit sa akin kaya hindi niya 'ko magawang matantanan at pilit niya akong pinapaalis dito.

Hindi naman siya ganito sa ibang nerd na pangit katulad ko. Sadyang sa akin lang talaga.

"Bakit ba galit na galit ka sa'kin? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" Hindi ko na napigilan ang itanong 'yon. "Hindi naman kita gano'n kakilala para pag initan mo ako,"

Napaawang ang labi niya tila hindi inaasahan ang biglaang pagtanong ko. 

"Kung ano man ang naging kasalanan ko sa'yo p'wede bang sabihin mo na lang? Hindi 'yong inaaway mo pa 'ko at sinasaktan," dagdag ko pa. 

Hindi rin naman kasi ako manghuhula para ako pa ang mag-aalam sa ginawa ko sa kaniya para humantong kami sa sakitan ng pisikal.

"Ang kapal naman ng mukha mong magtanong. Sino ka ba sa inaakala mo ha?!" Dinuro niya 'ko dahilan para mapaatras ako. Nakita ko ang paguhit nang galit sa mga mata niya. 

"You're just a trash! You're nothing but a trash!" sigaw niya at hindi ko napag-handaan ang sunod niyang ginawa. 

Mabilis at malakas niya akong itinulak dahilan para mapaupo ulit ako sa semento. 

Akmang tatayo na sana ako nang bigla siyang umupo sa aking tiyan at pinag sasampal ako dahilan para mapasigaw ako sa sakit.

"Aray! Ano ba! Bitiwan mo 'ko!" Sigaw ko at sinangga ang bawat sampal niya sa mukha ko.

"Masakit? Pwes damhin mo ang ganti ko Trixie!" Bahagya niyang inuntog ang ulo ko sa semento kaya napadaing ako. 

Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa ginawa ni Krezha. 

"Ang kapal kapal ng mukha mong sagutin ako! Sino ka ba sa inaakala mo ha?! Isa ka lang pangit na walang lugar sa mundo!"

Nanghihina na ako. Tuluyan nang nawala ang lakas ko dahil sa ginawang paghampas ni Krezha sa ulo ko.

Wala akong nagawa kundi ang hayaan itong sabunutan at hampasin ang braso ko. Wala akong nagawa kundi tiisin ang sakit at mapahikbi na lang dahil sa kahinaan.

"T-tama na please..." napahikbi na 'ko nang hindi ko na talaga nakayanan. 

Pero mukhang wala naman itong narinig dahil patuloy pa rin siya sa pagsabunot sa buhok ko.

Narinig ko na ang bulongan sa paligid pero kahit ni isa sa kanila ay walang may nagtangkang tulongan ako. Walang ni isa sa kanila ang sumubok na patigilin si Krezha.

Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang mahihina nilang pagtawa na animo'y nanonood lamang sila nang isang nakakatawang pelikula.

"Tama na? The hell I care, Trixie!" 

Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya nang inihampas ang ulo ko sa semento. 

Basta ang alam ko lang ay nahihilo na 'ko at sumasakit na ang ulo ko.

This is too much. Hindi ko na kaya. Sumusobra na talaga siya.

Gamit ang buong lakas ko ay pwersahan kong itinulak si Krezha paalis sa kandungan ko dahilan para matumba siya at mapahiga sa semento. 

Nabigla siya at mukhang hindi inaasahan ang biglaang ginawa ko kaya hindi niya napaghandaan. 

Literal siyang napahiga sa semento.

Narinig ko ang sabay sabay-sabay na pagsinghap sa paligid. Kahit ako ay nabigla rin sa ginawa. Hindi ko akalain na gano'n kalakas ang pwersa ko para mapahiga si Krezha.

Pero hindi ako dapat maawa sa kaniya dahil kung tutuusin ay mas malala ang ginawa niya sa akin.

Tumayo ako. Inayos ko ang buhok ko maging ang aking uniform na nalukot dahil sa ginawa niya bago siya muling tinapunan nang tingin at nagsalita.

"Sabi ng tama na eh!" Sigaw ko. "Nasasa---

"What's happening here?!"

Hindi ko na nagawang ituloy ang aking sasabihin nang may biglang magsalita sa likuran ko. 

Automatiko akong kinabahan kahit hindi ko pa man ito nililingon. Akmang magsasalita na sana ako nang magulat ako sa biglaang pagdaing ni Krezha.

"Argh!" 

Napaawang ang labi ko nang makitang umiiyak siya. Nagawa niya pang takpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang palad.

Pero mas lalo akong nagulat sa sunod niyang sinabi.

"S-she hurt me! Itinulak ako ni Trixie, Dean!" Sigaw niya ng todo.

Napasinghap ako sa narinig. What the hell?

Akmang magpoprotesta pa sana ako nang biglang magsalita si Dean dahilan para manlumo ako at mas lalong kabahan.

"Ms. Alcantara and Ms. Trinidad in my office, now!"

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status