Mabilis lumipas ang maraming buwan. Naging maayos ang buhay ko sa pananatili sa ancestral house ni Zander dito sa Bulacan kasama si Manang Celia.Si Zander naman ay madalas na ring umuuwi rito. Tuwing weekends lang siya nag-oovernight sa Manila para atupagin ang mga bar na pagmamay-ari niya, ganoong mga araw daw kasi ang sobrang busy.Iniiwasan na rin naming pag-usapan ang hinayup*k niyang kaibigan na ayon sa kanya ay bihira nalang daw niya makasama. Hindi na ako nagtanong kung bakit kaya wala rin siyang naikukwento.Pilit kong binabaon sa limot ang bangungot na naranasan ko sa kamay ng hinayup*k na Drake Lukas Wilson na iyon. Pipilitin ko kahit pa man nagbunga ang ilang beses na pag-angkin niya sa akin, sapilitan man o kusang loob akong nagpaubaya.Hindi ko kailanman idadamay ang anak ko sa kawalangyaan ng ama niya. Mangangako akong mamahalin ko siya higit pa sa buhay ko.Kaya naman sa ilang buwan na pananatili ko rito ay nakatuon lang ang atensyon ko sa pamumuhay rito at sa magiging
( Amina's POV )Nang matapos kami ni Manang Celia sa mga gawaing bahay ay napagpasyahan kong tumambay muna sa terrace para magpahangin at magpahinga na rin.Nakangiti ako habang nakatanaw ang mga mata sa magandang tanawin ng kapaligiran. Kita kasi mula rito ang malawak na palayan. Di ko mapigilang hindi maalala ang naging buhay ko noon sa Cavite."Kumusta na kaya si Kyla at Nanay Mercy ? Tsaka si Nanay Pasing? Naalala kong may utang pa ako sa kanya." Di mapigilang tanong ko sa sarili. Kahit wala na si Tiyang ay may malalapit na mga tao pa akong gustong makita muli, lalo na si Kyla na bestfriend ko."Amina, ayos ka lang?"Naudlot ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses ni Zander. Pangalawang araw niya ng nakalagi rito dahil wala pa raw siyang balak bumalik ng Maynila.Napalingon ako sa gawi niya at pansin ko ang mamasa-masang buhok niya. Nakasuot lang siya ng short na pambahay at white sando. Di ko mapigilang mapalunok ng mapansin ang bakat niyang muscles. Kagaya ng sa hinayup*k
Halos isang oras din kaming nag-usap ni Kyla bago namin napagdesisyonang umuwi ni Zander. Nangako siyang mananatiling lihim ang tungkol sa akin. Wala ng iba pang dapat makaalam na buhay ako at nagtatago dahil tiyak, isang maling galaw lang namin malalaman na ng Drake na iyon lalo pa't marami iyong galamay.Binigyan rin ako ni Kyla ng contact number niya para magkaroon kami ng komunikasyon sa isa't-isa.At dahil wala akong cellphone ay naisipan kong bumili na lang ng de keypad kapag nakarating na kami ni Zander sa Bulacan. Sa bayan ko nalang balak na bumili para maging tuloy tuloy na ang biyahe namin pauwi."Nagugutom ka ba? Gusto mo bang dumaan tayo ng drive thru at ng makapagtake-out tayo ng pagkain?" Tanong ni Zander matapos ang halos isang oras na biyahe.Napakamaalalahanin talaga niya. Habang tumatagal na nakakasama ko siya, mas lalo kong nakikita kung gaano kabuti ang puso niya."Ayos lang ako, wag mo na akong alalahanin. Ikaw ba? Nagugutom ka ba?" Tanong ko sa kanya pabalik. Pina
( Drake's POV )"Here's your drink Mr. Wilson." Malandi at nang-aakit na wika ng entertainer sabay lapag ng dala nitong luxury vodka. But I just smirked while pouring vodka on my empty glass, showing that I am not interested. Di ko na mabilang kung pang ilan na 'to sa mga babaeng nagtangkang lumandi sa akin ngayong gabi.But even the hottiest and prettiest didn't succeeded."Leave me alone!" Inis na pagtataboy ko nang hindi pa rin ito umaalis sa harapan ko.Napayuko naman ito sa pagkapahiya at agad na umalis.Sa ngayon mas komportable akong mag-isa and I don't need any companion. That's why dito sa isang exclusive bar sa Makati ako nagpunta coz I don't want my friends o mga kakilala ko to see me kung gaano ako kalugmok ngayon.Zander, that jerk, hindi ko alam kung nagbubusy-busyhan o sadyang iniiwasan lang talaga ako. While Logan and Steffi are also busy with their married life. Especially now that they are expecting their first baby. Well, good for them!Habang ako? Heto at muling ni
( Drake's POV )Hirap na hirap man ay pinilit ko pa ring pumasok sa opisina. Ilang buwan ko rin itong napabayaan kaya ngayo'y susubukan kong makabawi. Kung ikukulong ang sarili ko sa alaala ni Amina ay tiyak yun ang ikalulugmok ko. Baka sunod na mawala sa akin ang kompanyang pinaghirapan ko at ayaw ko namang mangyari iyon.Bigo na nga ang puso ko, hahayaan ko rin bang malugmok ang mga negosyo ko? The heck no!Nakatuon ngayon ang mga mata ko sa mahalagang dokumento na binabasa ko nang biglang nagbukas ang pintuan nitong opisina ko. Nakuha ang aking atensyon nang iniluwa roon ang seryosong mukha ni Luna. Kapag ganito kasi ang ekspresyon ng mukha niya ay may isang mahalagang bagay siyang sasabihin o ibabalita."Mr. Wilson, may isang babaeng nangungulit sa labas at gustong pumasok dito." Pahayag nito na ikinakunot ng noo ko."Damn Luna, It's not new so alam mo na ang gagawin." Baritonong tugon ko. Ilang babae na ba ang nagtangkang pumasok nitong building para makausap lang ako? Well hin
Napag-usapan din namin ni Ms. Amanda na sa Bulacan na muna ako uuwi, sa ancestral house ni Zander dahil mas safe ako roon kumpara dito sa syudad ng Maynila. Naintindihan naman niya at nangakong bibisitahin niya nalang ako palagi hangga't hindi pa niya naaasikaso ang mga papel na kakailanganin para madala niya ako sa ibang bansa.Sinabi na rin namin kay Zander ang lahat at nangako siyang tutulong para makita at makausap ni Ms. Amanda ang kakambal kong si Amari. Napagkasunduan din kasi namin na siya nalang muna ang haharap at kakausap kay Amari dahil sa kalagayan ko. Isa pa nagkakilala na si Amari at ang hayop na Drake na iyon kaya dapat lang na magdoble ingat ako sa pakikipagkita sa kakambal ko kahit ang totoo'y gustong-gusto ko na siyang makilala.Pagdating namin kanina ay naikwento ko rin kay Manang Celia ang lahat at maging siya ay gulat na gulat rin. Kahit naman ata sino ay talagang magugulantang, lalo na ang realidad na ang kagaya kong laki sa hirap ng buhay ay isa palang anak may
Di ko alam kung ilang oras ang naging biyahe namin ni Mama Amanda dahil nakatulog ako. Basta alam ko lang napakahaba ng oras dahil nakaramdam agad ako ng pagod pagkalapag ng eroplano sa airport ng Los Angeles."Ayos ka lang?" Concern na tanong niya habang inalalayan ako."Opo mama, medyo pagod lang po. Ngayon lang po kasi ako nakasakay ng eroplano." Pagtatapat ko na ikinangiti niya."Ganoon ba. Hayaan mo, ngayong kasama mo na ako, kahit araw arawin pa natin ang pagsakay." Pagbibiro niya kaya napangisi nalang ako.Agad kaming tumungo sa sinabi ni mama na sundo namin. May nabili raw kasi siyang unit dito sa Los Angeles noon at kapitbahay lang din daw namin ang matalik niyang kaibigan.Inabot din kami ng halos isang oras sa biyahe gawa ng traffic bago namin narating ang unit niya."We're here anak." Masayang turan niya kaya napangiti ako.Sabay kaming bumaba ni mama nang pagbuksan kami ng driver.Kapwa kami napangiti nang salubungin kami ng dalawang babae na kaedaran lang ni mama."Welco
( Amina's POV )Gaya nga ng inaasahan ko ay naging maayos ang kalagayan ko dito sa mga sumunod na araw at linggo kasama sina Tita Melba at Manang Rosa. Walang araw na hindi ako napapangiti sa dalawang ginang na parehong palakwento at palabiro.Si Mama Amanda naman ay babalik na sana sa Pilipinas para asikasuhin ang tungkol kay Amari. Kaso hindi natuloy dahil ginulantang kami isang araw sa balita na itinawag ni Zander.Ayon sa kanya, ay nakausap niya na si Amari ng masinsinan matapos pumanaw ang ginang na umampon sa kakambal ko. Hindi raw nakayanan ng ginang ang operasyon dahil na rin sa mahina na ang puso nito, na naging dahilan ng pagpanaw nito.At dahil wala ng ibang itinuring na pamilya si Amari ay mabilis siyang napapayag ni Zander tungkol sa pagsama sa kanya papunta rito sa Amerika. Ang nabanggit lang ni Zander sa kanya ay isasama lang siyang magbakasyon dito. Wala na munang binanggit si Zander na naririto kami, na tunay niyang pamilya dahil binalak na rin namin siyang surpresahin