Kinabukasan ay lumipas ang isang araw na nanatili lang akong mag isa sa basement. Wala pa akong naging balita sa kung anong nangyayari sa mansyon dahil bukas pa maghahatid ng pagkain si Manang Sonya. Pero yung isip ko naman doon lumilipad sa kung nalaman na ba ng halimaw at kung ano ang naging reaksyon niya sa pagdadalang tao ng Krista na yon. Emosyonal nalang akong humiga pagkatapos kumain ng biskwit at prutas na binigay pa ni Manang kahapon. Hindi man ako nabusog, pasalamat nalang ako at nagkalaman ang sikmura ko. Ewan ko ba, may mga pagkain kasi na gustong gusto kong kainin kaya mas lalo akong naging matamlay. Ngayon pa talaga umatake yung cravings cravings na ito na dati rati ay kontento lang naman ako kahit tuyo o di kaya'y asin. Kaya naman hirap akong matulog kinagabihan. Ramdam kong malalim na ang gabi ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. At sa pilit at unti unti kong pagpikit ay naaninagan ko ang marahang pagbukas ng pintuan kaya muli akong napadilat. "Manang Sonya..
Nang umalis na si doktora kasama ang nurse ay mas lalong bumuhos ang emosyon ko at tuluyan na akong napahagulhol ng iyak.At hindi na ito luha ng sakit at pighati kagaya ng kadalasang nangyayari sa 'kin, luha na ito ng kagalakan at kasiyahan."Anak...."Emosyonal na sambit ko kasabay ng marahang paghaplos sa aking maliit na sinapupunan. May pamilya pa pala ako. Akala ko mag isa nalang akong mawawala sa mundo ngunit mali pala ako. Ngayo'y nabuhay ang lahat ng nawalang pag asa at kabiguan sa akin.Mabuti nalang hindi natuloy ang balak kong pagbibigti. Mabuti nalang hindi ako tuluyang nalason. Kaya siguro hindi pa ako pwedeng mawala dahil may sanggol sa aking sinapupunan ang umaasa sa akin. Ang sanggol na kinailangan kong bigyan ng buhay.Lahat ng negatibong kaisipan ko at maging ang pagsuko sa buhay ay naglahong parang bula sa isang iglap lang. Ngayo'y may dahilan na akong magpatuloy sa buhay at lumaban para sa magiging anak ko."Patawarin mo si mama anak kung sumuko ako noon na muntik
[ REBELASYON NG TUNAY NA KALABAN ] ( Krista's POV ) "Ano ng balita anak? Sa mansyon ka na ba nanatili ngayon? Kailan daw ba uuwi si Maximus? Iyong plano natin napagtagumpayan mo na ba?" Sunod sunod na tanong ni Mommy Greta, halatang atat na atat na ito at hindi na makapaghintay na maisagawa ang mga sunod na plano namin. Irritable akong napabuga ng usok mula sa sigarilyo. "Mom! I'm working on it okay? Nandito na nga ako sa mansyon at naisagawa ko na ang unang plano natin. Yun nga lang, balita ng tauhan natin na nasa ospital ngayon ay ligtas na raw ang pobreng Thalia Alvarez na yon! May sa pusa yata ang babaeng yon!" Mahabang salaysay ko sa kanya na nasa kabilang linya saka muling humithit ng sigarilyo. "Naku ano ba! Gumawa ka ulit ng paraan! Kailangang madespatsa agad ang babaeng yan sa lalong madaling panahon para itigil na ng letseng Maximus na yon ang pag iimbestiga niya! Bago pa tayo madawit at malaman ng lalaking yon ang buong katotohanan. Dahil kapag nangyari yon, masasayang
( Thalia's POV ) Tatlong araw akong nanatili sa ospital bago nakalabas. At lubos ang pasasalamat ko dahil gaya ng pangako ni doktora, wala nga siyang ibang pinagsabihan kaya walang ibang nakakaalam ng pagbubuntis ko maging si Manang Sonya. Ang iisipin ko nalang ay kung paano ako makakagawa ng paraan para makatakas bago pa lumubo itong tiyan ko. Alam ko namang napakalabo at napakaimposible pero kailangan kong subukan ngayon para sa kaligtasan namin ng anak ko. Pagkalabas namin sa gusali ay bumungad agad sa amin ang sumundong magarang sasakyan. At isa pa ito sa koleksyon na sasakyan ng halimaw!Sinong mag aakala na ako ay isang bilanggong akusado lang pala gayung napakarami kong bantay na bodyguards at may sariling driver pa! "Si Señorito talaga nakahanda palagi maging sa pag uwi natin! Kakaunti nalang mag iisip na talaga akong espesyal ka sa kanya eh." Mahinang tudyo ni Manang Sonya na may pasiko pa sa tagiliran ko. Inilingan ko nalang ito dahil hindi naman ako assumera. "Diyan
( Maximus POV ) "Ano na dude? Wala ka pa bang balak umuwi? Hindi ka pa ba uuwi sa future wife mo?" Bradley teased on the other line kaya napahilot ako sa sintido ko bago malutong na napamura. "Fuck you jerk! Future wife my ass." Inis na sambit saka napabuntong hininga ng malalim. Nasira na naman ang araw ko nang ipaalala nito ang pinapangalandakan ni Krista na nagdadalang tao raw iyon at ako ang ama. Napahalakhak pa ang loko sa kabilang linya bago ito seryosong sumagot. "Yan kasi, iinom inom ka kasi na di ako kasama edi nautakan ka tuloy. Pero what if na nagsasabi ng totoo si Krista? I still remember our conversation a year ago. Nabanggit mo noon na kung sakali mang may mabuntis sa mga babaeng nakasiping mo ay aakuin mo ang bata. Ofcourse, kailangan mo ng tagapagmana. Lalo na ngayong you're living alone as a sole heir of Villaroman's Empire." Mahabang salaysay nito na ikinasapo ko ng noo ko. "I'll settle everything pagkauwi ko maybe one of these days. Ofcourse, kailangan kon
( Thalia's POV ) "Manang, tutulong po ako sa mga gawain ha?" Turan ko kay Manang Sonya matapos namin makapasok sa maid's quarter. Nilapag naman ng tauhan ang bitbit nitong mga gamit ko sa bakanteng table bago ito umalis. "Ano ka ba! Hindi na kailangan. Kaya ko na Thalia! Tsaka wala namang binanggit si Señorito na gawin kang katulong. Ang bilin nun ay ang manatili ka lang dito dahil siguradong gusto nun na makapagpahinga ka." Pigil agad ni Manang kaya napakamot ako sa batok ko. "Manang naman....." "Asus! Huwag ng matigas ang ulo mo Thalia at magpahinga ka nalang okay? Ako na ang bahala sa lahat." Nakangiting wika nito kaya wala na akong nagawa pa kundi sumunod. Matapos nitong makapagpalit ng masusuot niya ay agaran din itong nagpalaam na lalabas na. "Maiwan na muna kita ha at magluluto ako ng paborito mong tinola. Baka kasi gutom na rin yong mga alipores ni Señorito." Ani Manang kaya napilitan akong tumango. Kahit papaano'y natuwa ako na makakatikim muli ng tinolang manok da
Mabilis lumipas ang araw at naging abala ako sa pagtulong kay Manang Sonya kinabukasan. Kahit na ayaw pa sana niya akong payagan ay naging mapilit ako dahil alam kong kailangan niya rin ng tulong lalo pa't nag iisa nalang siya na kasambahay rito. Yun nga lang, ang isa sa nakakairita ay ang presensiya ni Krista na kung makapag utos ay tinalo pa ang isang Presidente. Gusto kasi nito ay ura urada na para bang siya lang mag isa ang pagsisilbihan. Pero kahit nakakairita ay wala naman akong magawa kundi sumunod dahil kahit hindi siya ang may ari nitong mansyon ay binigyan naman siya ng karapatan ni Don Vivencio na manatili rito. Kagaya na lamang ngayon. Kasalukuyan akong nagwawalis sa sala habang ito'y nakaupo sa couch at nanonood ng palabas sa TV. "Hoy! Ipagtimpla mo nga ako ng juice yung malamig na malamig ha!" Walang galang na utos nito sa 'kin at sa pasigaw pa na paraan. Huminto ako sa ginagawa at nakayukong sumagot kahit yong kaibuturan ko ay nanggigigil na sa kanya. "Masus
( Maximus POV ) "She's three weeks pregnant. Mabuti na lamang at naisugod siya agad dito. Sa ngayon safe na ang bata sa sinapupunan niya. But she needs to rest with proper medication para makasiguro tayo." Paliwanag ng doktor tungkol sa kalagayan ni Krista. Kasalukuyan kaming nasa pribadong ospital kung saan ko siya dinala. Napalunok ako ng mariin saka napasuklay sa buhok ko. Goodness! Krista is really pregnant. At kung tatlong linggo na ay sumakto ito sa kalkulasyon ko noong gabing nalasing ako at may nangyari raw sa amin. I don't know how to react but my heart beats fast. Paano kung ako talaga ang ama? Pero gusto ko pa ring makasigurado ng isang daang porsyento na ako nga ang ama ng bata. "Thanks doc! Also I want to conduct a DNA testing for me and for the child she's bearing. But I want everything to be private. Gusto ko sanang tayo lang muna ang makakaalam nito." Diretsahan at walang paligoy ligoy na sambit ko sa kausap na doktor. Tumango naman ito ng ilang beses. "No p