Share

11

MALAKAS na hinampas ni Ross ang manibela ng kanyang kotse nang bigla nyang maalala ang nakitang sakit sa mga mata ni Cielo kanina. 

Nasasaktan sya sa sarili nyang ginagawa pero wala syang pagpipilian. Habang maaga pa, kailangan nyang kalimutan si Cielo. 

Mas binilisan nya ang pagmamaneho upang makarating na sa kanyang kompanya. Pagkarating nya sa floor na kinaroroonan ng kanyang office ay sinalubong na agad sya ng kanyang sekretarya. 

"Uh, Sir. May naghahanap po kasi sa inyo." Bungad nito sa kanya. Agad namang nangunot ang kanyang noo. Napaka-aga pa pero mayroon na agad naghahanap sa kanya? It must be an emergency. 

"Who is it?" Sinulyapan nya ang kanyang office. 

"Babae po, eh. Hindi ko po sya kilala." Sagot nito. 

"Babae?" Ulit nya at tumango naman ito. Nagmamadali nyang tinungo ang kanyang office. Pagbukas pa lang nya ay nakum

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Giana Francine Romano
hala may anak din ba si cielo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status