Share

18

PAGKAUWI galing sa pamamalengke, ay agad na pinagpahinga ni Cielo ang kanyang anak. Baka kasi mabinat ito dahil hindi pa naman ito gaanong magaling. 

Inihatid nya ito sa sarili nitong kwarto at hinintay muna itong makatulog bago sya nagtungo sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit pambahay. 

Bago sya lumabas ng kanyang kwarto ay nilingon nya muna ang kanyang wall clock at nakumpirmang alas-dos na pala ng hapon. Napaka-bilis lang ng oras. 

Habang pababa ay ipinusod nya ang kanyang nagulong buhok dahil sa kaninang byahe. 

Naisipan nyang magluto ng meryenda dahil nakaramdam sya ng gutom. 

Kumuha sya ng arina at asukal sa mga pinamili nya dahil balak nyang magluto ng hotcake. Naghanap rin sya ng iba pang mga ingredients sa kanilang kabinet dahil nagbabaka-sakali syang mayroon doon. Hindi naman kasi sya bumili kanina dahil biglaan lang ang kanyang pagluluto.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status