Share

17

MATAPOS nilang kumain ay paghuhugas naman ang inatupag ni Cielo. Habang ang batang babae naman ay pinagpahinga nya muna dahil hindi pa ito pwedeng pa-pwersa lalo na at kagagaling lang nito sa sakit. 

Pinahiga nya ito sa sofa na nasa kanilang sala at hinayaan itong manood ng tv. 

Medyo marami ang kanyang huhugasan dahil simula pa kagabi ang mga ito. 

Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay pinuntahan nya si Kirsten. Naupo sya sa sofa'ng nasa katapat nito. Tumingin naman agad sa kanya ang bata. 

"Mama? Mabuti po at pumayag ang boss mo na umuwi ka dito sa probinsya natin." Sabi ng bata. Napamaang naman sya at hindi agad nakapagsalita. Kung alam lang nito na hindi naman talaga sya nagpaalam at basta-basta na lang syang umalis ay baka isipin nitong tumakas lang sya. 

"Uh, syempre naman. Kailangan kong umuwi dito dahil may sakit ka." Sagot nya habang iniiwasan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kat Kat
maganda sana story kulang nman sa lalim. saka balimbing style ng leading man. qng cnu ang kaharap xa ang mahal......
goodnovel comment avatar
Symple Heart Yumie
magulo ung story..de ko ma gets..sana all dalawa ang mahal ganun...anu ba tlg..ang mahal pa nmn ng chapters..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status