Share

16

KINABUKASAN ay maagang nagising si Cielo. Ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kanyang kwarto ang gumising sa kanya. 

Nag-inat sya ng kanyang katawan bago nakangiting bumangon. Pakiramdam nya ay napakasarap ng tulog nya. At dahil doon ay sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. 

Humarap sya sa maliit na salamin na nasa kanyang kwarto at nakangiting pinagmasdan ang kanyang sarili. 

"Bagong simula, Cielo." Nakangiting pagkausap nya sa kanyang sarili. Ilang minuto pa nyang pinagmasdan ang kanyang sarili bago sya lumabas upang magtungo sa silid ni Kirsten. 

At dahil nga maaga pa, tulog pa ito nang pumunta sya. Hindi na nya ito inabala pa at diretso na syang bumaba sa kusina upang maghanda ng umagahan. 

Doon ay nadatnan nya si Anthony na nakaupo at nagtatatali ng sapatos. Hindi nito namalayan ang kanyang presensya dahil abala ito sa ginagawa.

 <

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status