PAGKATAPOS maglinis ay nagpahinga na rin si Cielo. Nahiga sya sa kanyang kama at nakipagtitigan sa kanyang kisame. Hindi naman sya dinadalaw ng antok, ang balak nya ay magpahinga lang dahil napagod sya sa kanyang ginawa.
As she close her eyes, image of him flashees on her mind. Lahat ng nagyari noong mga panahong nasa Baguio pa sila. Lahat ng 'yon ay nami-miss nya. At hindi nya maiwasang malungkot sa tuwing naiisip nya na hindi na iyon kailanman mauulit pa.
Siguro ay may dahilan si Venus kung bakit sya bumalik dito sa Pilipinas. At marahil ay dahil sa kadahilanang may anak sila ni Ross. At isa iyon sa nakadagdag sa sakit na nararamdaman nya. Knowing that Ross is happy now cause the love of his life is finally here.
Naimulat ni Cielo ang kayang mga mata dahil sa sari-saring bagay na kanyang naiisip. Halo-halo rin ang emosyong nararamdaman nya.
Hindi nya namalayan ang pagpatak ng kanyang mg
HINDI ALAM ni Ross kung ano ang kanyang paniniwalaan. Napuno ng katanungan ang kanyang isipan. Galit at poot ang tanging nararamdaman nya para kay Cielo.Pakiramdam nya ay pinaikot sya ng babae sa napakatagal na panahon. Napakagaling nitong magpaikot ng mga tao dahil halos lahat sila ay naloko nya.Pinalis nya ang kanyang mga luha na walang sawa sa pag-agos. Nagsalin sya ng alak sa kanyang baso at inubos ang laman nito.Hinigpitan nya ang kapit nya sa baso dahil sa galit na nararamdaman. Kulang na lang ay mabasag na ito dahil sa ginawa nya.Tama lang pala ang naging desisyon nya na iwasan na ang babae. At ngayon nga ay isa-isa ng lumalabas ang mga lihim nito.It sucks loving Cielo.'Yon lang ang tanging nasa isip ni Ross. Akala nya ay sa maikling panahon na nagkasama sila ay nakilala na nya ang buong pagkatao ng babae, pero
HINDI NAGPA-APEKTO si Cielo sa sinabi ng lalaki. Malamang ay umaarte lang ito. Kahapon ay halos isumpa na sya nito nang malaman nito ang katotohanan sa kanyang pagkatao."Wag mo na akong tatawagan kahit kailan, Ross. At wag ka ring umarte na para ba'ng mahal mo ako. Kung alam mo na ang katotohanan tungkol sa akin, mas nauna kong malaman ang katotohanan tungkol sa'yo." Sabi nya rito sa malamig na tono."What do you mean?""Hindi ko na kailangan pa'ng magpaliwanag sa'yo. Siguro, kailangan na nating bumalik sa kung ano ang turingan natin dati. 'Yong tipong nabubuhay ka pa rin kahit na lagi kitang ginugulo. Pero, wag ka'ng mag-alala dahil ngayon, mas magiging payapa na ang buhay mo." Hirap nyang sabi habang pinipigilan ang pagpiyok ng kanyang boses. Ayaw nyang isipin nito na maski sya ay nahihirapan sa desisyong ginawa nya kahit na 'yon naman talaga ang totoo."If that's what you
KINABUKASAN ay maagang nagising si Cielo. Ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kanyang kwarto ang gumising sa kanya.Nag-inat sya ng kanyang katawan bago nakangiting bumangon. Pakiramdam nya ay napakasarap ng tulog nya. At dahil doon ay sobrang gaan ng kanyang pakiramdam.Humarap sya sa maliit na salamin na nasa kanyang kwarto at nakangiting pinagmasdan ang kanyang sarili."Bagong simula, Cielo." Nakangiting pagkausap nya sa kanyang sarili. Ilang minuto pa nyang pinagmasdan ang kanyang sarili bago sya lumabas upang magtungo sa silid ni Kirsten.At dahil nga maaga pa, tulog pa ito nang pumunta sya. Hindi na nya ito inabala pa at diretso na syang bumaba sa kusina upang maghanda ng umagahan.Doon ay nadatnan nya si Anthony na nakaupo at nagtatatali ng sapatos. Hindi nito namalayan ang kanyang presensya dahil abala ito sa ginagawa.
MATAPOS nilang kumain ay paghuhugas naman ang inatupag ni Cielo. Habang ang batang babae naman ay pinagpahinga nya muna dahil hindi pa ito pwedeng pa-pwersa lalo na at kagagaling lang nito sa sakit.Pinahiga nya ito sa sofa na nasa kanilang sala at hinayaan itong manood ng tv.Medyo marami ang kanyang huhugasan dahil simula pa kagabi ang mga ito.Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay pinuntahan nya si Kirsten. Naupo sya sa sofa'ng nasa katapat nito. Tumingin naman agad sa kanya ang bata."Mama? Mabuti po at pumayag ang boss mo na umuwi ka dito sa probinsya natin." Sabi ng bata. Napamaang naman sya at hindi agad nakapagsalita. Kung alam lang nito na hindi naman talaga sya nagpaalam at basta-basta na lang syang umalis ay baka isipin nitong tumakas lang sya."Uh, syempre naman. Kailangan kong umuwi dito dahil may sakit ka." Sagot nya habang iniiwasan
PAGKAUWI galing sa pamamalengke, ay agad na pinagpahinga ni Cielo ang kanyang anak. Baka kasi mabinat ito dahil hindi pa naman ito gaanong magaling.Inihatid nya ito sa sarili nitong kwarto at hinintay muna itong makatulog bago sya nagtungo sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit pambahay.Bago sya lumabas ng kanyang kwarto ay nilingon nya muna ang kanyang wall clock at nakumpirmang alas-dos na pala ng hapon. Napaka-bilis lang ng oras.Habang pababa ay ipinusod nya ang kanyang nagulong buhok dahil sa kaninang byahe.Naisipan nyang magluto ng meryenda dahil nakaramdam sya ng gutom.Kumuha sya ng arina at asukal sa mga pinamili nya dahil balak nyang magluto ng hotcake. Naghanap rin sya ng iba pang mga ingredients sa kanilang kabinet dahil nagbabaka-sakali syang mayroon doon. Hindi naman kasi sya bumili kanina dahil biglaan lang ang kanyang pagluluto.
MAAGANG nagising si Cielo kinabukasan. Balak nyang maglaba dahil tambak na rin ang labahan nila.Bumangon sya at saka nag-inat habang humihikab pa. Sinuklay nya muna ang kanyang buhok at saka kinuha ang mga marurumi nyang damit bago lumabas ng kanyang kwarto.Nagtungo sya sa kwarto ni Kirsten at dahan-dahang kinuha ang mga damit dito dahil sa takot na magising nya ang bata. Sunod ay pumunta sya sa kwarto ng kanyang bayaw at kinuha rin ang mga damit nito.Lumabas na sya at diretsong nagtungo sa baba. Binuksan nya ang mga ilaw at saka sya nagtimpla ng kanyang kape. Napag-desisyonan nya ring magluto na ng sinaing upang hindi na nya ito gawin mamaya.Habang hinihintay na maluto ang sinaing ay pinaghiwalay na nya ang mga damit sa de-kolor at sa puti. Mabuti na lang at mayroon silang washing machine kaya hindi na sya mahihirapan sa paglalaba.Nang maluto ang sin
TUMIGIL ang mundo ni Cielo nang mga sandaling magsalubong ang mga mata nila ni Ross.Agad naman nyang binawi ang kanyang tingin dahil hindi nya kayang tagalan ang mga tingin nito. Parang kakainin sya ng buhay ng lalaki kung makatingin ito."Paano nyo ho nalaman ang bahay namin?" Gulat pa ring tanong nya. Hindi nya alam kung paano nito nalaman ang kinaroroonan nya. Hindi naman siguro sya ibinuking ni Manang Esing."I found a way, Cielo, I really want to see you. At isa pa, may mahalagang bagay akong sasabihin sa'yo." Nakangiting sabi nito."Pasok ho kayo." Paanyaya nya at nilakihan ang bukas ng pinto.Pasimple nyang tiningnan ang lalaki na ngayon ay iginagala ang paningin sa kabuuan ng kanilang bahay."Pasensya na ho kayo sa bahay namin. Alam kong malayong-malayo ito kumpara sa bahay nyo sa Maynila." Diretso lang sa daan ang
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Cielo dahil sa sinabi ng matandang lalaki. Bumuka ang kanyang bibig pero wala ni-isang salita ang lumabas mula roon. Gulat at naguguluhan sya sa lahat ng nangyayari. Ito ba ang importanteng bagay na gusto nitong sabihin?Hindi nya alam kung ano ng kanyang mararamdaman. Kung matutuwa ba o hindi.Ngunit nang sandaling sulyapan nya si Ross, naisip nyang hindi sya dapat maging masaya. Dahil mababakas sa mukha ng lalaki na hindi nito gusto ang mga nangyayari."Me and Ross had planned it already." Dagdag pa nito ngunit masyado ng okupado ang kanyang isipan at hindi na nya alam kung saan pa isisiksik ang mga salitang sinasabi nito. "Aren't you happy, Cielo?" Malungkot na tanong nito.Ilang beses naman syang napa-iling habang hawak-hawak ang sintido, gulong-gulo na sa mga nangyayari."Bakit ho biglaan?" Halos bulong na tanong nya