Pagdilat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang kisame. Napabangon ako kaagad dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar kung nasaan ako ngayon. Maliwanag ang sikat ng araw na pumapasok sa balcony. Kaya naman kitang-kita ko ang itsura ng buong kwarto. Brown at puti ang kombinasyon ng kulay. Salamin ang buong pader sa may balcony kaya naman nakikita ko rin ang maaliwalas na tanawin sa labas.Bumaba ako mula sa kama at nagtungo sa balcony. Doon ko napagtanto na may dagat pala sa hindi kalayuan. Maliwanag ang asul na kalangitan at kumikinang naman ang dagat. Ang bawat hampos ng alon ay umaabot sa buhangin ng dalampasigan. Teka, nasaan ba ako? Ang huling naaalala ko ay nasa sementeryo ako kaya paano ako napunta dito?Bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad akong napalingon doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Arc. May dala siyang tray na may pagkain kaya sinalubong ko siya.“Ikaw ang dumukot sa akin?” gulat kong tanong.Inilapag niya sa bedside table ang tray bago ako nilapitan. Hinaw
“Ubos na!” sabi ko nang maubos namin ni Arc ang halo-halo.Itinapon ko muna sa basurahan ang cup bago ako bumalik sa harapan niya. Nakangiti na siya ngayon habang tinititigan ako kaya bigla akong nagtaka.“Mas lalo bang gumanda ang mood mo dahil sa halo-halo?” tanong ko.Umiling siya bago kinuha ang panyo sa bulsa niya. Bahagya niyang hinawakan ang baba ko bago marahang inangat ang aking mukha. Akala ko kung anong gagawin niya, iyon pala pupunasan niya lang ang gilid ng labi ko.“You’re a messy eater,” he said.Napanguso ako. “Dapat sinabi mo na lang. P’wede ko namang ako na lang ang magpunas. Para saan pa ‘tong mga kamay ko?”Inangat ko ang dalawa kong kamay at ipinakita sa kanya. Ngumisi siya bago pinagsiklop ang mga daliri namin. “This is the purpose of your hand. To hold mine,” he answered.Ayan na naman siya. Saan niya ba natututunan ang mga banat niya? May pinapanood ba siyang tutorial kung paano magpakilig ng babae?“Alam mo, nakakarami ka na. Tama ka na, baka maging kamatis n
Fifteen minutes lang kami sa loob ng kweba at kinailangan na naming lumabas agad. Pagkalabas ay nagkanya-kanya na kami kung saan pupunta. Malaya na kaming lumibot sa buong isla basta huwag lang daw kaming pupunta sa mga restricted areas.Hindi naman daw mauubusan ng bangkang masasakyan kaya ayos lang kung magtagal kami. Nakaupo kami ngayon sa upuang kahoy dito sa ilalim ng puno ng niyog. Presko sa pakiramdam ang pwesto namin at maganda pang pagmasdan ang dagat sa harapan. “Naniniwala ka ba doon sa kwento tungkol sa secret lagoon?” tanong ko bago siya nilingon.Umiling siya. “No.”“Why? Ang ganda kaya ng story. Ang romantic although tragic ang naging ending,” sabi ko.“What’s romantic about that?” he asked.I shrugged. “The love they had for each other. Pinili nilang magtago nang magkasama at kahit sa kamatayan, hindi sila naghiwalay.”“That’s not romantic for me. If I were that man, I would rather go out of that cave and fight. Kakalabanin ko lahat ng gustong manakit sa babaeng maha
Lunch time came and we were now heading back to Baroc Island. Nandoon daw kasi ang mga bilihan ng pagkain. Kaya pala napansin ko na wala akong nakikitang mga nagtitinda sa dalawang isla na napuntahan namin.Pagkahatid sa amin sa Baroc Island ay naghiwahiwalay na kaming mga pasahero. Nakadepende na lang daw sa amin kung itutuloy namin ang island hopping mamayang hapon. Napagkasunduan namin ni Arc na mag-snorkeling or scuba diving na lang at bukas na ituloy ang island hopping.Nagtungo kami sa isang sikat na hotel restaurant dito sa isla. Pagpasok pa lang ay naniniwala na akong sikat at masarap ang pagkain dito dahil halos mapuno ang buong lugar. Mabuti na lang at may nahanap pa kaming bakanteng mesa para sa amin ni Arc.“Anong order mo?” tanong ko kay Arc habang binubuklat ang menu.S’yempre dahil malapit sa beach itong hotel kaya karamihan sa main course nila ay seafoods. Ang maganda sa mga pagkain dito ay puro Filipino dishes ang inihahain nila.
WARNING: R18+Iniwan niya ako sa loob ng cabin pagkatapos sabihin iyon. Napaupo ako sa kama at bumuntonghininga. Mukhang mahaba-habang suyuan na naman ang mangyayari.Pagkabalik sa beach house ay malalaki na naman ang hakbang ni Arc papasok. Kailangan ko pa tuloy tumakbo para lang maabutan siya. Dumiretso siya sa loob ng kwarto at pagkapasok ko pa lang ay isinandal niya kaagad ako sa pader.Nabigla ako sa ginawa niya at balak ko sana siyang hawakan pero nahuli niya kaagad ang dalawang kamay ko. He pinned both of my hands above my head before attacking my lips with his kiss.Hindi ko magawang sundan at gantihan ang halik niya dahil sa lalim ng intensidad nito. Para bang ibinubuhos niya lahat ng galit niya sa paghalik sa akin. His left hand caressed my inner thigh and I whimpered. He hasn’t even touched me yet but I felt so weak already. Umangat ang kamay niya pero hindi niya ako hinawakan sa parte na gusto kong hawakan niya. Alam kong sinasadya niyang iwasan iyon at parte ito ng paru
He prepared a warm bath for me just like what he said. Pinanood ko siyang ihanda ang mga kailangan ko at hindi ko mapigilang ngumiti. Maswerte talaga ako kay Arc dahil sobrang maalaga niya. Nang matapos na siya sa paghahanda ng pampaligo ko ay saka siya lumapit sa akin. “Kaya mo ba? O gusto mong paliguan kita?” tanong niya.Natawa ako at bahagya siyang hinampas. “Arc, matagal na akong naliligo nang mag-isa. Lumabas ka na dahil baka may iba na namang mangyari dito.”He chuckled before he pulled me into a hug. He kissed my forehead and I sighed.“Go on. I’ll prepare your breakfast,” he said.Tumango ako at nagtungo sa bathtub. Hinintay ko muna siyang makalabas ng banyo bago ako nagtanggal ng damit. Alam ko kasing magdadalawang-isip na naman siyang umalis kapag nakita ang katawan ko. Dahandahan akong lumusong sa bathtub at dinama ang init ng tubig. Pumikit ako habang nilalanghap ang mabangong amoy ng nilagay ni Arc dito. Sobrang sarap sa pakiramdam habang nakalubog ang buong katawan k
WARNING:R18+“Arc, what if hindi tayo nagkakilala? Ano kayang ginagawa mo ngayon?”Mula sa bonfire ay inilipat ko ang paningin ko kay Arc. Nakayakap siya sa akin kanina pa dahil medyo nilalamig pa rin ako. Kumikislap ang mga mata niya dahil sa repleksyon ng apoy doon. “I think I’m drowning myself with office works,” he said. “Or maybe I’m at the bar drinking with my friends.”I scoffed. “Or maybe you’re looking for a woman to fuck, right?”He was taken aback by what I said. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Bahagya siyang natawa bago pumikit nang mariin.“You and your mouth,” he said. “Bakit? Totoo naman, ‘di ba? Noong hindi pa tayo magkakilala, ilang babae ba ang naikama mo—”“Baby, let’s not talk about this," he cut me off.Kumunot ang noo ko. “Why? Nahihiya ka ba?”“Don’t start a topic that will upset you later on. Let’s not ruin the night, okay?”Tinitigan ko siya. Ang advance niya talagang mag-isip. Pero totoo naman na kapag ipinagpatuloy namin ang pag-uusap sa mga ba
We spent the rest of the day roaming around the island but my mind was wandering somewhere. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako sa desisyon ko kanina. Dapat pala hinayaan ko na lang si Arc na tumanggi. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip ng mga pwedeng mangyari. Bukod doon, iniisip ko rin kung anong isusuot ko sa party. Hindi pwedeng matalbugan ako ng Marianne na ‘yon. Pero ang problema ko, wala akong formal dress. Nang kinalkal ko ang mga biniling damit ni Arc kanina, puro pang-beach na dress iyon.Kung hindi kasi ako nangialam sa usapan nila, hindi na sana ako namomroblema ngayon.“Hey, you’re spacing out,” Arc interrupted my thoughts.I sighed. “I’m just thinking...may isusuot ba tayo para sa party?”Napaisip din siya saglit bago ngumisi. “I have an idea. Don’t think too much, we can wear casual clothes later.”“Huh? Casual? Formal party ‘yon, ‘di ba? Baka hindi tayo papasukin,” sabi ko.“Then that’s good. Just trust me on this, okay? We’ll go casual tonight.”Tumango ako at napang