Share

Chapter 37

Pagdilat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang kisame. Napabangon ako kaagad dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Maliwanag ang sikat ng araw na pumapasok sa balcony. Kaya naman kitang-kita ko ang itsura ng buong kwarto. Brown at puti ang kombinasyon ng kulay. Salamin ang buong pader sa may balcony kaya naman nakikita ko rin ang maaliwalas na tanawin sa labas.

Bumaba ako mula sa kama at nagtungo sa balcony. Doon ko napagtanto na may dagat pala sa hindi kalayuan. Maliwanag ang asul na kalangitan at kumikinang naman ang dagat. Ang bawat hampos ng alon ay umaabot sa buhangin ng dalampasigan.

Teka, nasaan ba ako? Ang huling naaalala ko ay nasa sementeryo ako kaya paano ako napunta dito?

Bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad akong napalingon doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Arc. May dala siyang tray na may pagkain kaya sinalubong ko siya.

“Ikaw ang dumukot sa akin?” gulat kong tanong.

Inilapag niya sa bedside table ang tray bago ako nilapitan. Hinaw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhea Margery Montanez Oblida
nicé story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status