Pagkagising ko ay bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto. Una kong tiningnan ang katawan ko at nakitang suot ko pa ang lahat ng damit ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid bago ako bumaba mula sa kama.Nasaan na naman ba ako? Sino na namang nagdala sa akin dito? Ang natatandaan ko lang ay umiiyak ako dahil hindi kaagad lumabas si Arc mula sa venue ng party.Sumilip ako sa bintana at nakitang madilim pa sa labas. Umihip ang malamig na hangin kaya kinalabutan ako. Idagdag pa na puro puno lang ang nakikita ko sa labas. Isinarado ko ang bintana bago ako lumapit sa pinto. Dahandahan kong pinihit ang doorknob at bumukas naman ito. Bahagya akong nakahinga dahil hindi naka-lock ang pinto. Pero nang itulak ko iyon ay naestatwa ako sa taong bumungad sa akin. “Leo?”Ngumiti siya. Hindi iyong klase ng ngiti na parang may masamang binabalak pero natakot pa rin ako. “Gising ka na pala. Dadalhan sana kita ng pagkain,” sabi niya at ipinakita ang tray na dala niya.Napaatras ako kaya nagaw
Masayang magmahal, totoo ‘yon. Maswerte ang mga taong marunong magmahal. Sa lahat ng kasamaan sa mundo, tanging pagmamahal lang ang may kayang labanan iyon.Pero ang pagmamahal kapag sumobra, nakakasama. Ang lahat ng sobra, masama ang epekto. Ang pagmamahal na masarap sa pakiramdam, pwede kang lasunin. Pwede kang saktan. Pwede kang patayin.Pero paano nga ba masasabing sapat ang pagmamahal? May tamang sukat ba para dito? Para masabing hindi ito sobra at hindi rin ito kulang.“Don’t do this, Arc. Don’t love me too much. Because I’m afraid that I might hurt you even if it’s not my intention. Natatakot akong mawasak ka nang dahil sa akin.” Humikbi ako.He shook his head. “But I don’t know how to do that. My heart is willing to love you so much. You can hurt me, I don’t care. Just don’t leave me. I can take all the pain but not the thought that I will lose you.”“Arc, please...” “Don’t argue with me anymore. Let’s stop this discussion right now. Wala naman itong patutunguhan. Bumalik
“Well, he deserves it. And if he insult you again, I won’t hesitate to punch him again and again.”Napapikit ako nang mariin sa sinabi niya. Sobrang kulit talaga nitong si Arc. Daig niya pa ang isang paslit. Kahit papaano, marunong makinig ang isang bata e. Hindi katulad niya, hindi siya nag-iisip kung tama ba o mali ang ginagawa niya.“Arc, pwede ba huwag kang gumawa ng gulo? Kung mga salita lang naman, hindi ako nasasaktan doon.” Kasinungalingan ito. “Kaya huwag mo na silang patulan dahil gano’n din ang ginagawa ko.”S’yempre nasasaktan din ako sa mga salitang ibinabato sa akin. Pero para kumalma si Arc, kailangan kong magpanggap na hindi. Kasi kung nakikita niyang naaapektuhan ako, gagawa at gagawa siya ng paraan para gumanti.He sighed. “I can’t promise that. Are you expecting me to just listen while they're insulting you?”“You don’t have to listen, Arc. You have to ignore them. Dahil alam nilang naaapektuhan ka kapag ako ang usapan kaya gagamitin nila iyon bilang kahinaan mo.”“
Para akong nahihilo sa mga sinasabi ni Leo. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling itong mga kalokohan na pinagsasabi niya. Baliw na siya. Sobrang desperado na siya kaya kung ano-ano ang iniimbento niyang kwento. Orion Phoenix Organization? May gano’n ba talaga? At kung mayroon nga, myembro ba talaga si Arc ng grupong ‘yon? At kung oo, totoo bang pumapatay siya?Hindi ako makapaniwala. Hindi ko gustong paniwalaan. Ayaw kong maniwala kay Leo. Wala naman siyang maipakitang ebidensya na totoo ang sinasabi niya. Kaya may chance na niloloko niya lang ako. Hindi malabong pinapaikot niya lang ako dahil gusto niyang gantihan si Arc.“Iyon na ba ang lahat ng sasabihin mo?” tanong ko.Bumuntonghininga siya. “Alam kong hindi ka naniniwala pero subukan mo siyang tanungin.”Tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Arc sa screen. Hindi ko iyon sinagot. Pero nang muli itong tumunog ay napilitan akong sagutin ang tawag.“Hey, baby. Where are you? Did you eat your lunch already?” he
“She was shot...because of me.”Tinitigan ko si Tito Rayven. Nakakuyom ang mga kamao niya. Nakabalot ng bandage ang braso niya at sa tingin ko ay tinamaan din siya. May dahilan ba kung bakita sinisisi niya ang sarili niya? May kinalaman ba siya dito? Pero kahit naman ako, gusto ko siyang sisihin sa nangyari. Siya ang kasama ni mama. Dapat pinrotektahan niya ang mama ko. Dapat hindi niya hinayaang masaktan siya. “This is all my fault. I put her into this mess.”Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin, tito?”“Dad, you have to fix yourself. Magpahinga ka na muna,” sabi naman ni Arc.Pinigilan ko si Arc sa paglapit kay Tito Rayven. May gusto pa akong itanong. Gusto kong malaman kung anong ibig niyang sabihin at kung bakit sinisisi niya ang sarili niya.“Tito Rayven, may kinalaman ka ba sa pagkabaril ni mama?” mariin kong tanong.Hinintay ko siyang sumagot pero hindi na siya nagsalita. “Lian, pwede mo siyang kausapin pagkatapos niyang magpahinga. Sa ngayon, kumalma muna tayong la
Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Ano-ano ang nga bagay na kaya mong tanggapin tungkol sa pagkatao niya? At kailan ba matutumbasan ng pagmamahal ang lahat ng masamang nakaraan ng taong mahal mo?Kagaya ng sinabi ni mama, kung mahal mo ang isang tao dapat handa kang tanggapin ang lahat ng tungkol sa kanya. Lahat ng katangian niya—pangit man o maganda ang mga iyon, dapat buong puso mong matatanggap.“Tito Rayver, gusto ko pong kumbinsihin si Arc na itigil na ang paghihiganti. Dahil katulad po ninyo, nag-aalala din po ako sa kanya nang sobra,” saad ko.Tumango si Tito Rayver sa sinabi ko. “Salamat, iha. Salamat sa pag-aalala mo sa anak ko.”Napalunok ako. Kanina ko pa iniisip ang sasabihin ko kay Tito Rayver. Buo na sa isip ko ang bawat salita pero baka mautal ako kapag sinabi ko na iyon. “Importante po siya sa akin. Mahal ko po si Arc,” pag-amin ko.Yumuko ako para hindi makita ang magiging reaksyon nilang dalawa. Sobrang nanlalamig ang mga kamay ko at nanunuyo
Noong mga bata pa tayo, paborito natin ang mga kwentong may masayang katapusan. Iyong nagkatuluyan ang dalawang bida sa huli at masayang nagsama hanggang dulo.Pero hindi iyon ang gusto ko. Hindi ko gustong magkaroon ng katapusan ang kwento namin ni Arc. Gusto kong maging masaya kami at wala nang katapusan. Happy lang walang ending. Dahil aanhin ko pa ang masayang kwento kung may hangganan naman?Anong halaga ng kasiyahan ngayon kung darating ang araw na malulungkot din pala kami?Tahimik dito sa rooftop kung nasaan kami ni Arc ngayon. Malalim na ang gabi kaya nagkikinangan na ang mga bituin sa langit. Nakaupo kami sa gilid at dinadama ang masarap na katahimikan. Nakasandal si Arc sa balikat ko at ako naman ang humahaplos sa buhok niya.Our fingers were intertwined and our hearts were beating in sync. Simula nang makilala ko siya, hindi siya nagkulang sa pagpapakita ng pagmamahal niya sa akin. Inaalagaan niya ako at iniintindi. Siya ang
WARNING: R18+It took him fifteen minutes to finish cooking our dinner. He cooked a sweet and sour chicken. Inilapag niya iyon sa harap ko nang may malaking ngiti. Mukhang proud na proud siya sa niluto niya. Sabagay, amoy pa lang ang nalalanghap ko, natatakam na ako. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at kinuha ko agad ang kutsara para tikman ang niluto niya.Pagkasubo ko pa lang ay tinaasan kaagad ako ng kilay ni Arc. Nginuya ko ang manok at malambot ito. Halos hindi ko na nga gaanong nginunguya ang karne e. Masarap ang luto niya. Nakatikim naman na ako ng ganito noon pero hindi ganito ang lasa. Hindi naman sa may favoritism ako. Pero mas masarap talaga itong luto niya. Paano ba ‘to? Halatang confident siya na masarap ang luto niya kaya ang laki ng ngisi niya ngayon. Siguradong-sigurado siya na makukuha niya ang premyo niya.“So, what can you say, miss?” he asked in a formal tone.“Hindi ko pa masyadong nalalasahan,”